Ch14: Ang Aking Comfort Place

Start from the beginning
                                    

Nung sinabi niya yung salitang gumaganti kitang kita yung seryosong muka niya

Gumaganti? Bakit?

Tinignan niya ako ulit at binigyan ng isang ngiti na alam ko naming pilit


 

“Halika na?”

Hinawakan na niya yung kamay ko at hinila pabalik ng room, pero pagkapasok namin ay tumingin lahat samin yung mga kaklase namin

“The two of you…san kayo galing?”

Nagulat ako ng makita kong may teacher na pala sa harapan, pero mas nagulat ako ng hindi man lang ako nilingon ni Patrick, binitawan ko lang ang kamay ni Jake at tsaka sumagot

“Clinic sir”

Pinaupo na kami ng teacher namin at nagpatuloy lang sa lecture

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nagdidicuss si sir, buti nalang hindi ako nahuli. WAHAHAHA!! Galing ko tumakas no? (~.~)v

“Sexy! Buti gising ka na…sunod na daw tayo sa canteen sabi nila Renzie”

Pumunta na kami ni Jake sa canteen, nagulat ako ng Makita kong kinakausap nila Cherry sila Patrick pero nung nakita naman nila kami hinawakan ni Patrick yung kamay ni Chelsea at hinila ito palayo

Sinabi ko nalang kay Jake na nawalan ako ng gana kaya hindi nalang ako maglulunch, nag-offer naman siya na samahan ako pero sabi ko wag na lang at siya nalang magpaliwanag kila Cherry kung bakit hindi ako sasabay

Gusto ko muna mapag-isa, gusto ko muna ilabas lahat ng nararamdaman ko

Pumunta ako ng classroom kasi alam ko dun ako pwedeng mapag-isa kaso mali pala ako, bago pa ako makapasok may narinig na kong nag-uusap sa loob


 

“Really?! Are you sure about that?”

 

“Yeah. From now on you will be my girlfriend”

 

“I’m so happy to hear that from you Patrick”

Sa mga naririnig ko parang pinupukpok yung puso ng paulit-ulit, parang sa bawat pukpok mas lalo pa itong lumalakas

Umalis na ko sa harap ng room at tumakbo palayo, sa bawat pagtakbo ko mas lalong sumasakit ang dibdib ko para bang iniipit ito na nagiging dahilan para mahirapan akong huminga

Nandito na ko sa playground, dito nanaman ako dinala ng mga paa ko, ito na siguro yung comfort place ko. pagkaupo ko sa swing unti unti nanamang pumatak ang mga luha ko, unti-unting lumalabas lahat ng hinanakit ko

Umalis na ko sa playground nung naalala ko na may klase pa pala ako, papunta palang ako sa tapat ng high school building ng biglang umulan

“ganito ba ko kamalas ngayon?!!”

Alam kong wala ng estudyante sa entrance dahil alam ko na nasa klase na silang lahat

“sinaktan ako ng taong mahal ko, tapos ngayon wala na siya sakin, tapos…ETO!! ISA PA TO!! UULANAN MO PA KO?!”

Sa buong buhay ko ito yung unang pagkakataon na nasaktan ako ng sobra…mas masakit pa to kaysa nung mga panahong binubully ako…mas masakit pa to kaysa nung iniiwasan ako ng mga tao

“MAS MASAKIT PA TO!!”

Hindi ko na kaya….kasabay ng pagpatak ng ulan ang pagpatak ng mga luha ko…pagguho ng mga pinapahalagahan ko…

Kasabay ng pagbagsak ng luha ko ay pagbagsak ko…ang huli ko nalang nakita ay ang paglapit ng isang tao papunta sakin

------------------------------------------------------------------------------------

 [A/N]:  yung picture sa gilid yun yung playground sa school nila. yun lang. WAHAHAHA!! abangan niyo yung mga susunod na chappie, nakooo! promise! as in!! WAHAHAHA!! (*_*)

love-love

~Jaz

Her Secret BoyfriendWhere stories live. Discover now