Chapter 41

24.4K 390 9
                                    


Enjoy reading!

Allianah's PoV,

NAGISING ako sa isang kwarto na puro puti. At ngayon ko lang na realized na nasa hospital ako.

"Hi, Mrs. Saavedra. Are you alright now?" Nakangiting tanong sa 'kin ng isang babae. Hindi ko na lang pinansin ang pagsabi niya ng surname ko.

"Wife," sabi naman ni Zeke.

"Mrs. Saavedra, you are one month pregnant. Congratulation!" Nakangiting sabi sa 'kin ng doctor. What the heck! Buntis ako? Nakita ko naman si Zeke na nakangiting kausap si doc pagkatapos ay lumabas na si doc.

"Wala ka ng kawala ngayon, baby." Sabi niya na nakangiti ng nakakaloko.

"Paano mo mapapatunayan na anak mo nga 'tong dinadala ko?" Tanong ko sa kanya.

"C'mon, wife. Noong ginawa natin 'yan ay vir---"

"Oo na. Kailangan pang sabihin e." Sungit kong sabi at inirapan siya.

Nang hapon ay umuwi na kami. At napag-isip-isip ko na siguro kailangan ko ng sabihin kay Zeke na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Hindi lang dahil magkaka-anak na kami kundi dahil talagang mahal ko pa siya. Kailangan ko lang ng lakas ng loob para sabihin 'yon sa kanya.

Kinabukasan ay napagpasyahan kong gumala sa mall. Ako lang mag-isa kasi may mga trabaho sina Jessa At Carla.

Nag ikot-ikot lang ako sa loob ng mall at bumili ng mga ibang kailangan ko. Para na rin makapag isip-isip sa mga problema ko sa company.

Pagkatapos kong mag-ikot sa mall ay kumain muna ako sa isang fast food na malapit sa mall. Papasok na sana ako nang makita ko si Zeke sa loob. Nak-upo siya. Hindi muna ako pumasok. Hinintay ko muna kung may kasama ba siya. Mga ilang minuto pa at may nakita akong isang babae na galing sa comfort room naka shades ito. At nang makita ko ang mukha niya ay nanlaki ang mga mata ko. Si Pauline! Umupo siya kung saan naroon din si Zeke. Parang binagsakan na naman ako ng langit at lupa sa mga nakita ko. Iniisip ko ang magiging anak ko. Akala ko magiging okay na lahat dahil magtatapat na ako sa kanya pero hindi pa rin pala.

Hindi ko alam na tumulo na pala ang mga luha ko. Umalis na ako sa harap ng fast food at sumakay na sa kotse ko. Parang nawalan na ako ng gana kumain dahil sa nakita ko. May balak pa sana ako na umamin na sa kanya na mahal ko pa rin siya. Pero siya mismo ang gumagawa ng paraan para hindi ko sabihin 'yon.

Hindi ko alam kung mahal niya talaga ako. Napagpasyahan ko na lang na pumunta sa isang park na alam ko. May nakita akong isang puno roon kaya roon ako pumunta at umupo. Tinitingnan ko lang ang mga batang naglalaro at naghahabulan.

"Ang lalim yata ng iniisip mo?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Ivan.

"Ivan, ikaw pala." Sabi ko at ngumiti ng pilit.

"Yes. Your handsome friend." Nakangiti niyang sabi. Napatawa na lang ako sa sinabi niya. Kailan pa siya naging mayabang?

"Yabang," sabi ko.

"Hindi ah. Totoo naman kasi na gwapo ako." Sagot pa niya.

"Tumigil ka na nga. Baka mamaya tangayin pa ako sa sobrang hangin mo." Biro ko.

"Ito naman parang 'di mabiro. Pinapatawa lang kita." Sabi niya at umupo sa tabi ko.

"O bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Wala. Sinundan lang kita." Sagot niya.

Napatingin ako sa kanya dahil sa sagot niya. "What do you mean?"

Tumingin din siya sa 'kin. "Nakita kita kanina sa harap ng isang fast food na umiiyak dahil kay Zeke." Sabi niya. Napalaki ang mata ko sa sinabi niya.

"N-nakita mo akong um---"

"Yes." Putol niya sa sasabihin ko.

"I saw everything, Allianah." Sagot niya.

"And I know kailangan mo ngayon ng masasandalan kaya nandito ako." Patuloy niyang sabi na lalo lang na nagpaiyak sa 'kin.

"Bakit ayaw mo pa siyang iwanan, Allianah?" Tanong niya.

Umiling ako. "Hindi ko kaya Ivan. Mahal ko pa rin siya," umiiling-iling na sagot ko. Napabuntong hininga siya.

"Pero, Allianah nasasaktan ka na sa mga ginagawa niya. Not physically, but emotionally." Sabi pa niya.

"I'm sorry, Ivan mahal ko talaga siya." Pagkatapos ay niyakap niya ako.

-

Ezekiel's PoV,

I saw her with Ivan in the park. Nakita ko siya kanina sa labas ng fast food kung saan ako kanina kumain. Papunta na siya sa kotse niya nang makita ko.

Alam ko nakita niya na lumapit sa 'kin kanina si Pauline. Hindi ko nga rin alam na narito si Pauline. Hinihintay ko kasi ang in-order ko. Tapos nakita ko siya galing siyang banyo kaya hindi ko alam at bigla na lang siyang lumapit sa 'kin at saktong napatingin ako sa labas at nakita ko si Allianah.

Sinundan ko siya kung saan siya pupunta. Tumigil siya sa isang park at naglakad papunta sa isang puno at umupo roon. Lalapitan ko na sana siya nang naunahan ako ng gagong Ivan na 'yon.

Nakita kong umiiyak si Allianah. Gustong-gusto ko na sana silang lapitan at suntukin si Ivan kaso natatakot akong baka lalo lang madaragdagan ang galit sa 'kin ni Allianah kapag ginawa ko 'yon. Kaya rito lang ako sa malayo. Nagtitimpi sa selos.

Tumayo na silang dalawa at ngumingiti na si Allianah. No! Fucking No! Ako lang dapat ang nagpapangiti sa kanya. Naka kuyom ang mga kamao ko sa galit at selos. Kaya bago ko pa lapitan at suntukin si Ivan ay napagpasyahan ko na lang na umuwi. Doon ko nal ang hintayin ang asawa ko. At ito na mismo ang huling pagkikita nila ng gagong Ivan na 'yan!

••••••••

Thank you for reading.

©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2016

Married To The Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon