Chapter 40

24.5K 406 11
                                    


Enjoy reading!

Allianah's PoV,

"Z-zeke?" Gulat na sabi ni Pauline. Masama pa rin ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Get out her, bitch!" Galit na sabi ni Zeke sa kanya. Nagulat naman siya sa sinabi ni Zeke. Walang nagawa si Pauline kundi ang lumabas ng luhaan sa kwarto. Kaming dalawa na lang ang natira sa loob.

"Wife, we need to talk." Ang kaninang galit na mukha niya ay napalitan ng nagmamakaawang mukha.

"Ano pa ba ang pag-uusapan natin?" Walang ganang tanong ko sa kanya.

"Marami. About us, baby." Bumangon siya mula sa pagkakahiga at umupo sa kama. Hinila niya ang kamay ko at pina-upo ako sa tabi niya.

"Tsaka na natin pag-usapan 'yan kapag magaling ka na." Sagot ko.

"Okay. Promise mo 'yan ha," parang batang sabi niya.

Tumango lang ako. "Bakit nandito si Pauline?" Tanong ko sa kanya na hindi nakatingin.

"I-I dont know. Nagulat nga ako kanina nang nandito siya." Sagot niya. Mali ba ang hinala ko? Totoo ba talagang wala siyang gusto kay Pauline?

"Are you sure? Baka naman tinawagan mo siya na pumunta dito para alagaan ka," pagdududa ko.

"N-no, baby." Sagot niya.

Tiningnan niya ako habang nakangiti ng nakakaloko. "Are you jealous?"

Napaiwas naman ako ng tingin. "H-hindi ah. Bakit naman ako magseselos?" Tanggi ko.

"Don't deny it, baby. Halata sa 'yo." Sabi niya at tumawa na lalong nagpa-gwapo sa kanya. Damn! Alam ko namumula na naman ako.

"Hoy, Mr. Saavedra napaka assuming mo naman." Kunwaring galit kong sabi.

"Gusto mo naman e," nakangiti niyang sabi.

"Ano? Baliw ka ba?" Inaasar na naman ako ng hinayupak na 'to. Ang totoo may sakit ba talaga 'to?

"Oo. Sa 'yo." Sagot niya sabay kindat. Damn it! Bakit ang gwapo niya?

"Mukha mo," sabi ko at naglakad na palabas ng kwarto niya.

"Gwapo." Rinig ko pang sabi niya bago ako tuluyang lumabas. Pwede naba akong kiligin?

Pagkababa ko galing sa kwarto ni Zeke ay dumiretso ako sa kusina para ipagluto siya ng sopas.

Pagkatapos kong magluto ay naglagay na ako sa mangkok at dinala sa kwarto niya. Pagpasok ko nakita ko siyang naglalakad galing sa banyo. Wala siyang damit pang itaas kaya kumakaway sa 'kin ang six pack abs niya. Damn!

"Are you done?" Napakurap ako sa tanong niya.

"H-ha? A-ano bang p-pinagsasabi mo?" Maang-maangan kong tanong.

"You can touch my abs if you want." Nakangiti niyang sabi. Inirapan ko lang siya at nilagay sa bedside table niya ang sopas.

"Napaka assuming mo naman. Hindi naman kasi 'yang abs mo tinitingnan ko." Tanggi ko. Bakit kasi inaakit ako ng abs niya.

"Okay. Ayaw pa kasing aminin," nakangiti niyang sabi at umupo sa gilid ng kama.

Hindi na lang ako sumagot. Tinuro ko sa kanya ang sopas. "Kainin mo 'yan tapos uminom ka kaagad ng gamot mo." Sabi ko. Nakatingin lang siya sa 'kin. Naiilang tuloy ako. Makatitig ba naman kasi wagas.

"Ano pang hinihintay mo? Titigan mo na lang ako?" Sungit kong sabi.

"Subuan mo 'ko." Malambing niyang sagot.

"Hoy, Mr. Saavedra hindi ka na bata para subuan." Sabi ko na nakapamewang.

"Kaya nga, Mrs. Saavedra magpapa-subo ako kasi kapag nagka-anak na tayo siya na ang susubuan mo." Nakangiti niyang sabi. At dahil doon namula na naman ako. Langya talaga ang lalaking 'to.

"Anong pinagsasabi mong anak?" Naka kunot noong tanong ko.

"'Wag ng maraming tanong. Subuan mo na ako. Gutom na ako." Sabi niya na naka kamot sa ulo.

Wala akong nagawa kundi ang subuan siya. Nakangiti pa ang impakto. Pagkatapos ay pinainom ko na siya ng gamot. Talaga bang may sakit ito? Parang wala naman.

Napagpasyahan ko na rito na lang muna ako matulog sa bahay ni Zeke. At kahit uuwi ako ngayon nakokonsensya naman ako kapag iniwan ko siya rito mag-isa na may sakit. Baka kung ano pang mangyari sa kanya.

Pumunta ako sa kusina para maghanap ng makakain sa ref. Puno ng pagkain ang ref niya. Halatang kaka-grocery niya lang. May nakita akong salad kaya kinuha ko at binuksan. Akmang kakainin ko na sana nang biglang bumaliktad ang sikmura ko. Napatakbo ako sa banyo dahil parang nasusuka ako.

"What happen to you?" Napalingon ako sa likod ko nang magsalita si Zeke.

Hindi ako makasagot kasi naduduwal pa ako. Pagkatapos kong magsuka ay naghilamos na ako at lumabas ng banyo. Nakasunod lang sa 'kin si Zeke na may pagtataka sa mukha.

"Hey, wife. Are you alright?" Nag-aalalang tanong niya. Tumango lang ako.

Pero ang totoo nahihilo na talaga ako. Ano ba 'tong nangyayari sa 'kin? May sakit na rin ba ako? Nakahawak lang ako sa ulo ko. Nagsasalita si Zeke pero hindi ko maintindihan dahil nahihilo ako. Then everything went black.

•••••••

Thank you for reading.

©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2016

Married To The Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon