Chapter 9

25.5K 520 4
                                    

Enjoy reading!


Allianah's PoV,

PAGDATING ko sa bahay namin ay nadatnan ko sina mommy at daddy sa sala. Nanunuod ng TV. Wala ba silang pasok sa office? Nang makita nila ako ay agad nila akong niyakap. I missed them so much! I sit between them.

"Iha, nagpaalam ka ba sa asawa mo?" Mom asked. God! Hindi pala ako nagpaalam kay Zeke. Nakalimutan ko. Sa sobrang pagka-miss ko sa kanila ay hindi na ako nakapag-paalam. Umiling ako bilang sagot.

"What? Baka hanapin ka niya," mom said. 'Di bale i-text ko na lang siya.

"Mom, don't worry ite-text ko na lang po siya." Sagot ko. Habang abala ang mga magulang ko sa panunuod ng tv ay nilabas ko ang cellphone ko at tinext si Zeke.

"Mom, dad bakit hindi kayo pumunta sa company?" Tanong ko sa kanila. Pagkatapos kong mag-text.

"Mamaya pa kami pupunta roon, anak." Sagot ni mommy. Tumango lang ako. Kaya naman sinulit ko ang pagpunta sa kanila na kasama ang mga magulang ko.

------

Pagkatapos ng bonding ko sa mga magulang ko ay umuwi na ako. Pagdating ko sa bahay ay naroon na si Zeke. Nagulat ako kasi ang aga niya umuwi.

Tiningnan ko kung anong oras na. It's already six. Pumunta na lang ako sa banyo. Hindi ko siya pinansin. He's busy with his gadgets. Nahihiya kasi akong pansinin siya. Ewan ko ba kung bakit. 'Tsaka wala naman akong sasabihin sa kanya.

Pagkatapos kong mag linis ng katawan ay lumabas na ako ng banyo at nagbihis. Pumunta ako ng walk-in closet ko at kumuha ng pantulog ko.
Pagkatapos ko ay pumunta na ako sa kama. Nakita ko si Zeke na nakahiga sa kama. Paano 'to? Saan ako matutulog? Hindi ko kayang tumabi sa kanya.

"Saan ako matutulog?" Inis kong tanong sa kanya.

Tiningnan niya ako. "Beside me. Bakit, ayaw mo?" Sagot niya na may nakakalokong ngiti.

"No! Ayaw ko." Sagot ko. Kainis!

"Well. Bahala ka malambot pa naman 'tong kama. Kaysa couch." Sabi niya at pumikit. Hindi pa rin naalis ang nakakaloko niyang ngiti. Kainis naman. Hindi ako sanay matulog sa couch. I have no choice. Lumapit ako sa kama at humiga. Pagkatapos ay ang isang unan ay nilagay ko sa pagitan namin ni Zeke.

Nakita ko namang kumindat siya. Damn it! Subukan niya lang na galawin ako. Tumalikod na lang ako sa kanya at pinikit na lang ang mga mata. Pero kapag minamalas ka nga naman. Hindi kasi ako makatulog.

Pinakiramdaman ko si Zeke. At saka hindi ako sanay na may katabi. Maya-maya ay nagulat ako dahil biglang yumakap si Zeke sa 'kin. Pilit kong kumawala pero hinigpitan pa niya ang pagyakap sa 'kin. Ramdam ko ang hininga niya sa tainga ko. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil magkadikit ang mga balat namin.

Rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa yakap niya. Pagkaraan ay bigla siyang nagsalita.

"I just want to hug you." Bulong niya sa tainga ko na mas ikinabilis ng pagtibok ng puso ko. Hinayaan ko na lang na yumakap siya sa 'kin. Dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko matanggal ang mga braso niya na naka yakap sa 'kin.

---

Kinaumagahan pagkagising ko ay nakita ko si Zeke na nakatayo sa may pintuan habang nakatingin sa 'kin. May dumi ba ako sa mukha? O baka naman may na tuyong laway sa pisngi ko. Damn! Nakakahiya 'yon. Pinunasan ko ang pisngi ko. Baka kasi may laway pero wala naman! Anong problema nito? Matutunaw na ako sa kakatingin niya.

"Good morning," bati niya sa 'kin sabay kindat. Ang aga-aga nagpapakilig 'to. Kung hindi lang 'to gwapo kanina ko pa 'to na kutusan. Damn it! Kung ano-ano mga sinasabi ko.

Nginitian ko lang siya. Ewan ko ba kung bakit nahihiya ako sa kanya. At hindi ko alam kung bakit nginitian ko siya. Hindi ko mapigilan. Parang ang sarap titigan ng mukha niya.

"Let's eat our breakfast. Sumunod ka na lang. At uuwi na pala sina mommy mamaya." Sabi niya at lumabas na ng kwarto. Mabuti naman at uuwi na sila. Nakakailang kasi kapag kami lang dito. Bumangon na ako at pumunta sa banyo para mag-ayos.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako at pumunta sa kusina. Umupo ako sa katapat na upuan ni Zeke at kumain. Maya-maya ay biglang tumunog ang cellphone niya.

"Excuse me," sabi niya. Tumayo siya at pumunta sa sala para sagutin 'yong tumatawag. Habang ako ay tuloy lang sa pag lamon. Gutom ako. Ano magagawa niyo? Pagkatapos nang ilang minuto ay bumalik si Zeke. Kita sa mukha niya ang galit. May tumawag lang galit na ang mukha?

"May problema ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Nothing." Walang emosyong sagot niya. Hinayaan ko na lang siya. Baka may problema lang sa kompanya nila. Ano naman kaya ang problema sa company niya? Teka? Bakit ako concern sa kanya? Ano ba 'tong nararamdaman ko? Dati hindi naman ganito. Posible kayang ma-inlove ako sa kanya? Hindi naman siguro.

--------

Thank you for reading!

©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2016

Married To The Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon