Chapter 38

23K 383 6
                                    


Enjoy reading!

Allianah's PoV,

PAGDATING ko sa hospital ay agad akong dumiretso sa room ni dad. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Zeke na kausap si dad.

Parang ang seryoso ng pinag uusapan nila kaya hindi nila namalayan na pumasok ako. Nakita ko si dad na hirap magsalita. Marami pa rin ang naka kabit na mga aparatus sa kanya. Naaawa ako sa sitwasyon ni dad. Parang hirap na hirap na siya. May namumuo na namang luha sa mga mata ko.

"Dad?" Tawag ko sa atensyon nilang dalawa. Tumingin naman sila sa 'kin.

"Anak...." Hirap niyang sabi. Lumapit ako sa kanya.

"Hijo, mag-u-usap lang k-kami ng a-asawa mo." Sabi niya kay Zeke.

Huminga muna siya bago nag salita muli. "B-basta yung s-sinabi ko sa iyo 'w-wag mong k-kalimutan."

"Yes po, dad." Sagot naman ni Zeke at lumabas na. Naiwan kami ni lolo. Umiiyak pa rin ako. Hindi ko kasi mapigilang umiyak. Mahal na mahal ko si dad at si mom. Lahat ng luho ko sinusunod nila. Ang hirap mawalan ng taong mahal.

"A-anak, alagaan mo a-ang sarili mo ha. T-tandaan mo m-mahal ka n-namin ng m-mommy mo," hirap niyang sabi. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Dad, 'wag kang magsalita ng ganyan. 'Di ba po hindi mo ako iiwan?" Umiiyak kong tanong.

"I'm s-sorry a-anak. M-may h-hihilingin lang a-ako s-sa 'yo," Sabi niya.

"A-ano po 'yon, dad?" Tanong ko.

"Hija, a-anak.....natatandaan mo pa ba y-yung sinabi ko s-sa 'yo d-dati? Na g-gusto ko ng a-apo?" Nakikinig lang ako sa sinasabi niya. Tumango lang ako.

"A-anak.....p-pwede bang b-bigyan mo k-kami ng m-mommy m-mo?" Nagulat ako sa hiling niya. Napa punas ako ng luha ko.

"Dad please iba na lang ang hilingin mo. Huwag lang 'yon, dad." Pagmamakaawa ko.

"Hija, p-please p-para sa a-amin ng m-mommy mo," hindi ko alam kong matutupad ko ba 'yon. Magsasalita na sana ako nang makita ko si dad na nahihirapang huminga.

"Dad! Daddy!" Natataranta kong sabi.

"H-hija, t-tandaan m-mo m-mah-al k-ka na-min ng m-mommy m-mo...." Hirap niyang sabi na hinahabol ang paghinga niya.

"No! Dad, tatawag ako ng doctor. Please 'wag mo akong iwan," sabi ko at tumakbo sa pinto. Binuksan ko at tumawag ako ng nurse.

Nataranta naman si Zeke at agad na pumasok at pinuntahan si dad. Agad namang dumating ang mga nurse at ang doctor. Pina-pump nila ang dibdib ni dad. Umiiyak lang ako sa dibdib ni Zeke. Niyakap niya ako at hinalikan niya ako sa noo. Tiningnan ng doctor ang pulso ni dad.

Lumapit sa 'min ang doctor. "I'm sorry, hija. Ginawa na namin ang lahat," malungkot na sabi ng doctor.

Parang lutang ang sarili ko dahil sa nangyari. Nawala na nga si mommy pati ba naman si daddy. Naka-upo lang ako sa waiting area ng hospital. Dito ako iniwan ni Zeke dahil nagbayad pa siya ng bill ng hospital. Tinext ko na rin ang dalawa kong kaibigan na huwag ng pumunta rito at sinabi ko na rin na wala na si dad. Maya-maya ay dumating na rin si Zeke.

"Let's go?" Tumango lang ako at naglakad na kami papunta sa parking lot ng hospital. Nang buma-byahe na kami ay natulog muna ako. Siguro dahil sa walang tigil na pag-iyak ko kanina. Gigisingin naman siguro ako mamaya ni Zeke kapag na hatid na niya ako sa condo ko.

Nagulat ako paggising ko dahil nasa kama na ako. Napabangon ako nang malaman ko na kwarto ito ni Zeke. Paano ako naka punta rito? Akala ko ba ihahatid niya ako sa condo ko. Ang walang hiyang 'yon! Naisahan niya ako.

Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan ko. May narinig akong sumisigaw na babae sa sala. Agad akong bumaba para tingnan kong sino iyon.

"Tatanga-tanga ka kasing matanda ka!" Nakita ko si Pauline na sinisinghalan si manang Tess. Agad akong lumapit kay manang Tess. Nakita ko naman na nagulat si Pauline nang makita ako.

"A-Allianah?" Parang naka kita siya ng multo nang makita ako. Walang hiya talaga ang babaeng 'to. Ganito ba ang ginagawa niya kay Manang Tess kapag narito siya?

"Ako nga, Pauline." Sabi ko sabay sampal sa pisngi niya.

"How dare y---"

"Hindi ka pa rin nagbabago, Pauline. Malandi ka pa rin!" Pagputol ko sa sasabihin niya. Lalo siyang nagalit sa sinabi ko.

"Anong sabi mo? Ako malandi? Noong wala ka pa ako ang girlfriend niya inagaw mo lang siya sa 'kin." Gusto kong matawa sa sinabi niya.

"Ipaalala ko lang sa 'yo Pauline. Niloko mo siya. At girlfriend ka lang niya, noon 'yon. Asawa niya na ako, ngayon." Dahil sa sinabi ko ay namumula na siya sa galit. Sasampalin niya na sana ako nang may nagsalita sa pinto.

"Don't you dare slap her, or else I'll kill you!" Galit na sigaw ni Zeke. Nasa pinto siya at masama ang tingin kay Pauline.

"Z-zeke? It's not what you think. Siya ang unang nanampal," sabay turo sa 'kin. Lumapit sa 'min si Zeke.

"Aalis ka o ipakaladkad kita sa guard?" Galit niyang sabi kay Pauline. Tumingin sa 'kin si Pauline. Matalim ang tingin niya sa 'kin bago siya padabog na lumabas ng bahay.

Agad ko namang hinarap si manang. "Manang okay lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ko.

"O-oo hija. Okay lang ako. Huwag kang mag-alala. Salamat. Babalik na ako sa kusina." Sabi ni manang at naglakad na.

Tiningnan ko naman si Zeke. Nakatingin lang siya sa 'kin. Tiningnan ko siya ng matalim at naglakad pabalik sa kwarto ko. Nang dahil sa kabit niya pati si manang ay nadamay. At bakit gusto niya pang bumalik ako rito kung nariyan naman si Pauline na pwede.

•••••••

Thank you for reading.

©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2016

Married To The Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon