Chapter 14

24.7K 477 15
                                    


Enjoy reading!

Allianah's PoV,

PAGKATAPOS nang pagkikita namin ni Pauline sa fastfood ay bumalik na kami sa school. Habang si Jessa naman ay daldal nang daldal tungkol doon kay Pauline. Inis na inis talaga siya roon kay Pauline.

"Naku girl, kapag 'yon may ginawa sa 'yong masama kakalbuhin ko talaga 'yong Pauline na 'yon." Gigil niyang sabi. Nakakatawa siya. Kanina pa 'to inis na inis. Nagpapasalamat ako kasi may mga kaibigan akong ganito. 'Yung ipagtatanggol ako.

Pagkatapos nang klase ko ay pumunta na ako sa parking lot. Baka ang driver na naman 'yong susundo sa 'kin. Galit pa rin kaya si Zeke sa 'kin? Nagseselos ba siya kay Ivan? Damn! Ano ba 'yang pinag-iisip ko. Basta makikipag-bati na lang ako mamaya sa kanya.

Pagkarating ko sa parking lot ay nagulat ako kasi si Zeke ang sumundo sa 'kin. Hindi na ba siya galit? Nginitian ko siya pero tiningnan niya lang ako sandali at pinagbuksan ako ng pinto. Galit pa rin ata siya. Go Allianah kaya mo 'yan. Makipagbati ka na. Baka hindi kapa bigyan ng baon niyan.

Habang nagba-byahe kami pauwi ay walang umiimik sa 'min. Kaya nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Kaya ako na ang unang nagsalita.

"Z-zeke, t-tungkol kahapon, nagkataon lang n-na n-nagkasabay kami ni Ivan papuntang parking lot," paliwanag ko sa kanya na nauutal. Wala pa rin siyang imik. Diretso siyang nakatingin sa daan.

"Sorry na," paghingi ko ng sorry sa kanya sa mahinang boses. Bigla niya akong tiningnan. Nakita kong lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.

"Pinapatawad na kita." Sagot niya. Biglang lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya. Yes! Bati na kami. Pero natigil ako nang magsalita siya.

"But in one condition," sabi niya na may ngiti sa labi. Naku! May binabalak na naman 'to!

"Ano?" Tanong ko sa kanya.

"Susundin mo lahat ng i-uutos ko," nakangiti niyang sabi. Iyon lang naman pala. Alam ko hindi naman mahirap 'yan.

"Okay." Pag sang-ayon ko. Nakita kong hindi pa rin naalis ang ngiti niya habang nagda-drive. Sana hindi mahirap ang ipagagawa niya sa 'kin. Pero kung ang i-uutos niya sa 'kin ay kiss at hug at ano, 'yong ano basta alam niyo na iyon. Hindi pa ako pwede! Subukan niya lang ipagawa sa 'kin 'yon. Hindi ako magdadalawang isip na sipain ang ano niya! Damn it! Ano ba 'yang pinag-iisip ko.

-

Kinaumagahan, nagulat ako dahil nakapasok si Zeke sa kwarto ko. Paano siya nakapasok?!

Paano hindi makapasok 'yan sa kwarto mo Allianah? E hindi mo nila-lock ang pinto!

"Hey wife, what's wrong?" Tanong niya. Tinatanong pa ba 'yan? Sino ba naman hindi magugulat pagkagising mo may nakita ka kaagad na gwap---este lalaki sa kwarto mo.

"Bakit ka nandito?" Takang tanong ko.


"Remember 'yong deal natin kahapon? Susundin mo ang i-uutos ko?" Sabi niya. Ano naman ngayon? Iyon lang pala e. Pinuntahan pa talaga ako sa kwarto para sabihin lang 'yon.

"Ano ba 'yun?" Tanong ko. Lumapit siya sa 'kin. Bigla naman akong kinabahan. God! Anong gagawin niya? Yung i-uutos niya ba sa 'kin ay ang ibigay 'yong katawan ko sa kanya?

Married To The Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon