Chapter 11

25.5K 503 5
                                    

Enjoy reading!

Allianah's PoV,

ISANG LINGGO na ang nakaraan nang umuwi rito sina mommy Aileen. At ako naman ay busy rin sa pag-aaral. Si Zeke naman busy rin sa company niya.

At ngayon ay sabado pero maaga akong gumising kasi may pupuntahan daw kami ni Zeke. Hindi niya sinabi kong saan. Kaya kakatapos ko lang mag bihis. Pababa na ako ngayon papuntang sala kung saan naghihintay si Zeke sa 'kin. Agad siyang tumayo nang makita ako. Naglakad na siya palabas ng bahay kaya sumunod na lang ako sa kanya.

Habang nasa byahe ay hindi kami nag-uusap. Ano naman kasi ang pag-uusapan namin 'di ba? Nakaramdam ako ng antok kaya natulog na lang ako.

Nagising ako nang may kamay na tumapik sa 'kin. Minulat ko ang mga mata ko at agad kong nakita si Zeke.

"We're here." Sabi niya. Agad akong bumaba ng sasakyan. Inilibot ko ang paningin ko. Narito kami sa isang subdivision. At sa harap namin may isang bahay. Ang ganda ng pagkaka design. At halatang sinadya talaga siyang ipagawa. Sino kaya ang may-ari nito? Ang yaman niya siguro.

"Let's go inside." Sabi niya sabay hila sa 'kin.

Pagpasok namin ay namangha ako. Kung maganda sa labas ay mas maganda sa loob. Ang lawak ng sala. Sino naman kaya ang nakatira rito? Pero parang wala namang tao na nakatira.

Pangalawa naming pinuntahan ay ang kusina. Malawak din 'yong kusina kumpleto sa mga gamit. Pangatlo naming pinuntahan ay ang mga kwarto sa taas. Mayroong limang kwarto sa taas. Kasama na roon ang isang office. Kaninong office kaya 'yon? Grabe pati ba naman sa bahay na 'to may office. Mukhang mayaman nga ang may-ari nito.

"Kaninong bahay 'to?" Nagtatakang tanong ko.

"Our house." Maikli niyang sagot. Napalaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Dito kami titira? Sa laki ng bahay na 'to? Kami lang dalawa ang titira?

"Ha? Seryoso?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot.

"Dito na tayo titira simula ngayon. Nasa kotse ang mga gamit natin." Sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ngayon na talaga?

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya. Sino ba hindi magugustuhan 'to? Parang sadyang pinagawa ang bahay na 'to.

"Oo naman. Ang ganda nga e." Nakangiti kong sagot.

"Good." Sabi niya. Naglakad siya palabas ng bahay. Siguro ay kukunin niya na ang mga gamit namin.

Iisang kwarto pa rin ba kami? Damn! Ano ba 'yang pinag-iisip mo Allianah!

Biglang pumasok si Zeke dala-dala ang mga gamit namin. Kinuha ko na lang ang mga gamit ko. Nakakahiya kasi! Sino naman kaya ang nag-impake ng mga gamit ko?

"Saang kwarto ako?" Nahihiyang tanong ko sa kanya.

Tinuro niya ang isang kwarto na katabi lang ng kwarto niya. Mabuti naman hiwalay na ang kwarto namin. Pero parang nalulungkot na magkahiwalay na kami ng kwarto.

Ano ba itong nararamdaman ko? Dati hindi naman ako ganito. Agad kong binuksan ang pinto ng kwarto ko. Ang ganda sa loob. Kulay red ang kulay. Favorite color ko pa naman 'to.

Paano niya kaya nalaman ang favorite color ko? Nakita ko ang isang pinto. Ito yata ang banyo. Binuksan ko ang pinto. Grabe pati ba naman ang banyo ang lawak. Mayroong bath thub. May nakita akong pinto sa gilid. Saan kaya papunta ang pintong 'to?

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip. Kwarto 'to ni Zeke! Ibig sabihin ay iisang banyo lang kami? Narinig kong tumunog ang pinto sa kwarto ni Zeke. Papasok na siya. Bago ko pa maisara ang pinto ay nakapasok na si Zeke sa kwarto niya.

"Why are you here?" Nagtatakang tanong niya sa 'kin.

"Ha? Tiningnan ko lang kung para saan 'yong pinto na 'to." Sabay turo sa pinto. Pagkatapos kong sabihin 'yon ay nagpaalam na ako sa kanya para bumalik sa kwarto ko.

-

Ezekiel's POV,

Nandito kami ngayon ni Allianah sa magiging bahay namin. Naiinis ako kasi hindi kami magkasama sa iisang kwarto. Tsk! Pinagawa ko talaga itong bahay na 'to para sa'min ni Allianah. At pati na rin ang kwarto niya. Alam ko ang favorite color niya kaya 'yon ang pinakulay ko sa kwarto niya. At 'yong sa banyo namin pinasadya ko rin na iisang banyo lang kami.

Kaya ko siya tinuro roon sa isang kwarto kasi sabi ni mommy. Bawal daw kami magsama sa iisang kwarto. Tsk! Bakit noong naroon kami sa bahay ay iisang kwarto lang kami? Namimiss ko na nga siya. Kahit sa kabilang kwarto lang siya ay namimiss ko na. I'm obsessed to her. At hindi ko kakayanin na mawala siya sa 'kin. At hinding-hindi ako magsasawa na mahalin siya.

Gusto kong mahalin niya rin ako. Kaya gagawin ko ang lahat mahalin niya lang ako. Dahil hindi ko kakayanin na mawala siya sa 'kin.

------

Thank you for reading!

©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2016

Married To The Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon