Chapter 18

23.1K 473 3
                                    


Enjoy reading!

Ezekiel's PoV,

Fuck! I can't control my self to kissed her. Ang lambot kasi ng labi niya. It's sweet, pero hindi ko inasahan na hahantong sa ganoon ang paghahalikan namin. Muntikan na talaga. Damn it! Alam ko bata pa si Allianah para sa ganon. Kaya kahit mahirap tinitiis ko.

Nakakaakit kasi ang labi niya. Ang sarap halikan. Pagkatapos nang eksenang 'yon ay pumunta ako sa banyo habang hawak-hawak ang puson ko. Fuck! Kailangan kong makaraos sa banyo para mawala 'tong sakit sa puson ko.

Pagkatapos kong mag banyo ay lumabas na ako. Ang sakit pa nga ng ulo ko dahil sa hang over ko kagabi. At alam ko lahat ng mga sinabi ko kagabi kay Allianah. At narinig ko rin ang sinabi niya kagabi. Hindi pa ako tulog noon kaya narinig ko ang mga katagang gusto kong marinig mula sa kanya.

Sobrang saya ko kagabi dahil sa narinig ko. Parang nawala bigla ang kalasingan ko dahil doon. Fuck! Mahal niya na ako. At wala na akong pake alam sa nakita ko kahapon sa school niya. I'm fucking jealous, I admit that. Pero nawala 'yon nang marinig ko ang sinabi niya kagabi.

Dali-dali akong nagbihis at bumaba na. Pumunta kaagad ako sa kitchen at nakita ko roon ang asawa ko na nagluluto. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Bigla naman siyang nagulat sa ginawa ko kaya humarap siya sa akin.

"Good morning, sweetheart." Bati ko sa kanya. Bigla siyang namula. Ang ganda niya.

"G-good morning din. Gutom ka na ba? Sandali na lang 'to. Upo ka muna dyan," nahihiya niyang sabi sabay turo sa upuan.

"Okay, but where is my good morning kiss?" Tanong ko na may nakakalokong ngiti.

"Mukha mo! Asa kang i-kikiss kita. Manigas ka!" Inis niyang sabi at bumalik sa niluluto niya.

"Pero kanina nasasa--" tinakpan niya ang bibig ko kaya hindi ko natuloy ang sasabihin ko.

"Utang na loob Zeke, 'wag mo ng banggitin 'yon," sabi niya. Hindi na ako nagsalita at tinitingnan ko na lang siya habang nagluluto habang nakangiti.

-

Hindi ako pumasok sa office ngayon dahil sa hang over ko kagabi. At nandito ako ngayon sa kwarto nakahiga. Pagkatapos namin kumain nang breakfast ni Allianah ay pumunta kaagad ako rito. Gusto ko sanang matulog para mawala 'tong hang over ko kaso hindi ako inaantok.

Maya-maya ay napagdesisyunan kong bumaba. Nakita ko si Allianah sa sala na nanunuod ng tv. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Pero hindi niya pa rin ako napansin. Buong atensyon niya ay nakatutok sa flatscreen tv. Tiningnan ko kung ano pinapanuod niya dahil nakangiti pa siya habang pinapanuod iyon. What the fuck! Sino ang lalaking 'yan? Bakit kilig na kilig ang asawa ko?

Kinuha ko ang remote at pinatay ang tv. Ayaw kong may ibang lalaki na nagpapakilig sa asawa ko. Ako lang dapat.

"Tengene--Zeke bat mo pinatay! Nanunuod ako," inis niyang sabi. Tsk!

"Who's that guy? Bakit ka kilig na kilig do'n?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Duh Zeke, hindi mo ba kilala 'yon? Si Song Joong Ki 'yon. Manuod ka naman kasi minsan ng tv." Inis niya pa ring sabi. Tsk! Wala akong time para manuod ng mga ganoon.

"And who is Song Joong Ki?" Galit kong tanong sa kanya. Hindi naman ka gwapohan 'yon. Mas malamang ang kagwapohan ko roon.

"Isa siyang korean actor at meron siyang drama kaya bumili ako ng CD para panuorin," paliwanag niya sa 'kin. Sasagot pa sana ako pero biglang may kumatok sa pinto. Tumayo si Allianah para pagbuksan kung sino man iyon.

"Mommy! Daddy!" Rinig kong sigaw ni Allianah. Nakita ko ang mga magulang ni Allianah na papunta rito. Agad akong tumayo at lumapit sa kanila.

"Hijo, how are you?" Tanong ni mommy Irene sa 'kin.

"I'm fine, mom." Sagot ko naman. Umupo kami sa sofa. At inutusan ko naman si manang Tess na magtimpla ng juice. Habang nakaupo kami ay nagkukwentuhan kaming apat.

"Mom, bakit kayo napadalaw?" Tanong ni Allianah.

"Na miss ka namin. Bakit, ikaw hindi mo kami na mimiss ng daddy mo?" Tanong ni mommy Irene na may halong pagtatampo.

"Namiss din po," sagot naman ni Allianah sabay yakap sa mommy niya. Kami naman ni Daddy Harold ay nagkukwentuhan tungkol sa Business. Hanggang sa rito na sila nagtanghalian.

-

Allianah's PoV,

Nandito kami ngayon ni mommy sa sala. Dalawa lang kami kasi si Zeke at si Daddy ay roon nag uusap sa office ni Zeke. Pagkatapos nang lunch namin ay rito kami ni mommy tumambay sa sala.

"Hija anak, kumusta kayo ni Zeke?" Tanong ni mommy sa 'kin.

"We're fine, mom." Sagot ko.

"Mahal mo na siya?" Tanong niya sa 'kin. Tumango lang ako bilang sagot.

"Bakit ayaw mo pang aminin?" Tanong niya.

"I'm afraid to tell him," sagot ko. Shit. Bakit ako naiiyak.

"Why hija? Kasal na kayo at mahal ka niya 'di ba?" Sagot ni mommy.

"Yes mom, pero takot akong masaktan," sagot ko.

"Hija, ganon talaga kapag nagmahal ka handa kang masaktan. Kasi ang love hindi lang puro saya may kasunod 'yang sakit." Sagot ni mommy. Kailangan ko na nga ba talagang sabihin 'tong nararamdaman ko sa kanya?

"Anak, nandito lang ako kapag kailangan mo," sabi ni mommy at niyakap ako.


••••••••

Thank you for reading.

©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2016

Married To The Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon