Chapter 17

22.7K 442 8
                                    


Enjoy reading!

Allianah's PoV,

PAGKAUWI ko nang hapon ay kasabay ko si Ivan. Palabas pa lang ako ng room ko nang makita ko siya. Hinintay niya pala ako. Kasi may sinabi siya sa 'kin habang naglalakad kami.

Gusto niya raw ako. Muntikan na nga akong sumigaw kanina sa kilig. Gusto niya raw manligaw sa 'kin. At nang makarating kami sa parking lot ay nagulat ako kasi Driver ni Zeke ang sumundo sa 'kin. Bakit kaya? Siguro may importanteng pinuntahan.

At pagkarating ko sa Mansion ay hinanap ko si Zeke ngunit wala siya. Baka kasi nauna na siyang umuwi sa 'kin pagkatapos nang importante niyang pinuntahan. Pero wala talaga siya. Saan siya pumunta?

Tinanong ko si Manong Tony ang Driver ni Zeke kung nasaan si Zeke pero hindi rin daw niya alam. Inutusan lang daw siya na sunduin ako. Saan kaya pumunta 'yon? Hanggang sa mag alas-otso na wala pa rin siya. Nauna na akong kumain dahil gutom na ako. Tinatawagan ko siya pero hindi naman niya sinasagot. Nag aalala na ako.

Umakyat na ako papuntang kwarto. Dito ko na lang siya hihintayin. Wala akong kakilala niya na pwedeng ma-contact. Wala kasi akong number ng dalawa niyang kaibigan. Hindi naman umuuwi ng ganito ka gabi si Zeke. Ngayon lang talaga.

Maya-maya ay may narinig akong ugong ng sasakyan na huminto sa tapat ng Bahay. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at bumaba. Nakita ko si Zeke na akay-akay ni Brent. Lumapit ako sa kanila at kinuha si Zeke. Amoy alak siya. Ibig sabihin uminom siya. Bakit siya uminom? Anong problema niya?

"Ako ng bahala sa kanya. Salamat nga pala sa paghatid," sabi ko kay Brent.

"It's okay. Sige aalis na ako," sabi niya at lumabas na. Inakay ko naman si Zeke paupo sa may sofa. Grabe ang bigat niya. Hindi ko siya kayang dalhin sa kwarto. Kaya rito na lang siya muna sa sala. Kumuha ako ng basang bimpo at ipinunas sa mukha niya. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Why Allianah?" Paos niyang tanong. Anong pinagsasabi nito?

"Mahal kita, Allianah. Bakit hindi mo ako matutunang mahalin?" Biglang napatigil ako sa pag punas ng basang bimpo sa mukha niya dahil sa narinig ko. Mahal niya ako? Akala ko ba si Pauline ang mahal niya? Pinakasalan lang naman niya ako dahil sa utang namin sa kanila.

"Z-zeke," pangalan niya na lang ang tangi kong nasabi.
Inaamin ko mahal ko na siya at hindi ko na 'yon maipagkaila. Sa ilang buwan naming magkasama sa iisang bubong imposibleng hindi ko siya mahalin.

"I love you, Allianah. I'll do everything para mahalin mo rin ako at hindi mo ako iiwan." Sabi pa niya.

"Zeke, bukas na lang tayo mag usap. Lasing ka na hindi mo alam ang pinagsasabi mo," sabi ko sa kanya.

"No. Alam ko ang sinasabi ko, Allianah. Totoo lahat 'yan." Tiningnan ko siya kung totoo nga ang pinagsasabi niya. Nakita kong nakatingin siya sa 'kin. Sana nga Zeke totoo lahat ng mga sinabi mo. Pero alam ko may nararamdaman ka pa kay Pauline.

Huwag kang mag-alala mahal na kita Zeke. Pero natatakot ako. Natatakot akong masaktan. Natatakot akong agawin ka sa 'kin ni Pauline.

Tiningnan ko siya. Nakita kong tulog na siya. Kaya kumuha ako ng kumot para hindi siya lamigin sa sala. Bago ako pumunta sa kwarto ay sinabi ko sa kanya ang mga katagang ngayon ko lang sasabihin sa kanya.

"Mahal din kita, Zeke." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay naglakad na ako paakyat papuntang kwarto.

-
Kinabukasan, nagulat ako kasi may mabigat na nakapatong sa tiyan ko. Tiningnan ko kung ano 'yon. Isang braso! Nagulat ako nang makita ko si Zeke sa tabi ko na nakayakap sa 'kin.

Teka! Lasing siya kagabi at tulog sa sala. Dahan-dahan kong inaalis ang braso niya sa baywang ko at nagtagumpay ako sa pag-alis ng braso niya. Bumangon na ako at pumunta sa banyo para mag-ayos.

Habang siya ay mahimbing pa rin ang tulog. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako. Nakita ko si Zeke na nakaupo sa kama. Gising na pala siya. Ang hot niyang tingnan sa white t-shirt niya at sa suot niyang boxer short. Damn! Ano ba 'yang pinag-iisip ko.

"Baka matunaw ako niyan," paos niyang sabi sabay ngiti. Damn it! Bakit ang gwapo ng nilalang na ito.

Inirapan ko na lang siya. Hindi pa rin siya tumayo sa kama. Agad kong kinuha ang medicine kit sa ibabaw ng cabinet at kumuha ng isang gamot at ibinigay sa kanya.

"What is this?" Tanong niya. Tsk! Slow naman nito! Batukan ko kaya para magising?

"Are you blind? Gamot 'yan." Sagot ko sabay batok sa kanya pero mahina lang.

"Alam kong gamot 'yan. What I mean is, anong gagawin ko rito? And you'll pay for what you did to me," inis niyang sabi. Lagot, na wrong move ako sa pag batok sa kanya. Binatokan ko ba naman ang bagong gising. Lagot!

"Para mawala 'yang hang over mo," sagot ko naman sa kanya. Hindi ko na lang pinansin ang huli niyang sabi na magbabayad daw ako sa ginawa ko sa kanya na pambabatok. Baka kung ano pang gawin niya sa 'kin.

"Okay. But first, you'll pay for what you did for me a while ago," sabi niya at tumayo. Damn! Lagot na talaga ako nito! Bigla akong napaatras nang bigla siyang lumapit sa 'kin.

Kinabahan ako nang nahawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa kanya. Kaya napahawak ako sa malapad niyang dibdib. Nakayuko lang ako at kinakabahan. Shit, ang puso ko ang bilis ng tibok kapag ang lapit ko sa kanya.

Iniangat niya ang mukha ko at tiningnan ko siya. Nakangiti siya habang nakatitig sa mga mata ko. Nakikita ko sa mga mata niya ang saya. Nagulat ako nang dumampi ang labi niya sa labi ko. The kiss was passionate and sweet. Lumalalim ang paghahalikan namin at hindi ako nag re-respond dahil hindi ko alam kong paano humalik.

Napaawang ang mga labi ko nang kinagat niya ang ibabang labi ko at dahil doon ay nakapasok ang malikot niyang dila. Hanggang sa nagapang na rin ang kamay niya sa katawan ko. Bigla akong napa-ungol nang bigla niyang hawakan ang isang dibdib ko.

"Ugh.." I moaned. Napahawak ako bigla sa leeg niya. Nagulat ako nang bigla siyang tumigil sa paghalik. Bakit ganon? Parang na bitin ako. Shit! Allianah, anong ginawa niyo?

"I'm sorry. hhndi ko sinasadya," paghingi niya ng sorry. Ako naman ay hindi maka tingin ng diretso sa kanya dahil sa hiya. Shit! Sigurado ang pula ko na ngayon.

"I'll take a bath," sabi niya at naglakad papuntang banyo habang hawak-hawak ang puson. Anong nangyari roon? Damn! Allianah, anong ginawa niyo? Nakakahiya 'yon! Napa-ungol pa kaya ako. Shit!

At parang nabitin pa ako roon. Damn it! Ano ba 'tong pinanggagawa ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at pumunta sa baba. Nakakahiya talaga ang ginawa ko. Nalaman niya tuloy na hindi ako marunong humalik. Parang wala na akong may ihaharap na mukha sa kanya. Nakakahiya talaga.




•••••••••

Thank you for reading.

©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2016

Married To The Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon