Chapter 37

22.9K 365 1
                                    


Enjoy reading!

Allianah's PoV,

UMUWI na sina mommy Aileen at daddy Zach. Kaya ako na lang ulit mag-isa ang nagba-bantay kay daddy. Inaayos ko na rin ang libing ni mommy. Tinutulungan din naman ako ng mga tita ko para asikasuhin 'yon. Tinawagan ko na rin ang dalawa kong kaibigan para samahan ako rito. Mamayang gabi pa raw sila makakapunta dahil may kanya-kanya rin silang trabaho.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. Baka nurse 'yon para i-check si dad. Hinihintay kong bumukas ang pinto pero hindi niya binuksan. Sino ba 'yan? Baka hindi nurse.

Tumayo na lang ako at binuksan ang pinto. Laking gulat ko nang makita ko kung sino iyon. Nakatingin lang siya sa 'kin ng diretso. Akmang isasarado ko na ang pinto nang harangan niya ito ng katawan niya.

"Why are you here?" Walang emosyong tanong ko. Dire-diretso siyang pumasok at umupo.

"Bakit? Masama bang dalawin ang father-in-law ko?" Sarcastic niyang sagot.

"Pwede ba Zeke, umalis ka na rito hindi kita kailangan." Inis kong sabi at humalukipkip.

"Oo, hindi mo ako kailangan ngayon. Pero balang araw ikaw na mismo ang kusang lalapit sa 'kin, baby." Seryoso niyang sabi na nakatitig pa sa mga mata ko. Hindi ako nakapagsalita sa narinig ko. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Ano bang ibig niyang sabihin?

"W-what do you m-mean?" Nauutal kong tanong sa kanya. Tumayo siya at lumapit sa 'kin.

"You will know soon. But for now, kailangan mo munang magpahinga. Let's go." Sabi niya at hinila ako palabas ng room ni dad.

"Teka lang. Walang magbabantay kay daddy." Sabi ko.

Huminto siya at humarap sa 'kin. "May kinuha akong nurse para bantayan siya. Don't worry." Sagot niya at hinila na naman ako.

Nagpupumiglas ako dahil baka i-uwi niya na naman ako sa dating bahay namin. Tinitingnan na nga kami ng mga nurse. Pero lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Pagdating namin sa parking lot ng hospital ay wala akong imik.

"Hop in." Utos niya at binuksan ang front seat. Hindi ko sinunod ang utos niya nanatili lang akong nakatayo.

"Sasakay ka o bubuhatin kita?" Banta niya. Dali-dali naman akong sumakay at padabog na sinara ang pinto ng kotse niya.

Tinanong ko siya kung saan kami pupunta. Sabi niya sa office raw niya kasi may nakalimutan lang siyang kunin at pagkatapos ay uuwi na kami.

Pagdating namin sa company niya ay pumasok na kami sa loob. Matagal na rin na hindi ako nakapunta rito. Huling punta ko rito noong nakita ko sila ni Pauline na naghahalikan.

Maraming nakatingin na mga employee sa 'min ni Zeke. Nakasunod lang ako sa kanya. May mga bumabati sa kanya minsan at sa 'kin din.

Pagdating namin sa office niya ay binati rin siya ng secretary niya. Iba na ang secretary niya. Dalaga na ngayon. Siguro mga kasing edad ko rin. Mga twenty one.

Grabe siya. Hindi man lang ako binati. Kung alam mo lang kung ano ako ng boss mo. Hindi lang 'yon. Tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. Kung makatingin akala mo ang ganda niya. E halos gawing sketch book ang mukha sa kapal ng make up. Inirapan ko na lang siya at pumasok sa loob ng office ni Zeke. May kinuha siya sa ibabaw ng table niya na brown envelope.

"Let's go?" Tanong niya. Tumango lang ako at lumabas na kami ng office niya.

Kahit na nahihiya ako sa mga tingin ng mga employee ni Zeke ay naka sunod lang ako sa likod niya na naka yuko. Nang nasa basemant na kami ay huminto ako sa paglalakad.

"Doon ako sa condo ko uuwi." Sabi ko sa kanya. Huminto naman siya at humarap sa 'kin.

"Why? May bahay tayo kaya doon ka uuwi." Sagot niya. Sabi na nga ba. Doon niya na naman ako i-uuwi.

"Ayoko. Hindi ko na 'yon bahay." Sagot ko naman.

"Fine! Pero ihahatid kita." Sabi niya. Nag-isip muna ako kung papayag ba ako. Kung papayag ako malalaman niya na ang condo ko. Kapag tatanggi ako pipilitin naman ako nito na i-uwi sa bahay niya.

"Fine, tara na." Sagot ko at nauna ng naglakad. Narinig ko pang tumawa siya.

Habang nagba-byahe kami ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Nangangalay na nga ang leeg ko. Kasi naman panay tingin sa 'kin ni Zeke. Ewan ko ba. Nakaka-ilang.

"Left or right?" Tanong niya.

"Left." Sagot ko na hindi nakatingin sa kanya.

Pagdating namin sa labas ng building ng condo ko ay dire-diretso lang ang lakad ko. Hindi na ako nagpasalamat pa sa kanya. Baka kasi ihatid niya pa ako sa loob ng condo ko. Sumakay na ako ng elavator at pinindot ang number ng floor ng condo unit ko.

Pagdating ko sa condo ko ay pumunta kaagad ako sa ref at naghanap ng pwedeng kainin. Pagkatapos ay naupo sa sofa. Saglit lang naman ako rito.

Magpapahinga lang ako saglit tapos babalik ako sa hospital. Dahil sasamahan naman ako roon ng dalawa kong kaibigan dahil sabi nila sasamahan nila ako mamayang gabi. Pagkatapos kong kumain ay natulog muna ako saglit.

Nagising ako nang tumutunog ang cellphone ko.

"Hello?" Sagot ko.

"Hello po. Ma'am, gising na po ang daddy niyo. Hinahanap po kayo." Sabi mlng nurse sa kabilang linya. Napabangon naman ako sa narinig ko.

"Talaga? Sige po papunta na po ako. Salamat po." Iyon lang at pinatay ko na ang tawag.

Dali-dali akong lumabas ng condo ko at sumakay ng elavator. Paglabas ko ng elavator ay napamura ako dahil iniwan ko pala ang sasakyan ko sa hospital dahil hinatid ako ni Zeke kanina. Damn it! Kaya pumara ako ng taxi at sinabi kung saang hospital.



•••••••

Thank you for reading.

©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2016

Married To The Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon