Chapter 39

23.5K 382 4
                                    


Enjoy reading!

Allianah's PoV,

MAKALIPAS ang dalawang linggo ay na-ilibing na sina mom at dad. Sabay na silang nilibing. Mga ilang araw rin akong nagluksa sa pagkawala ng mga magulang ko. 'Tsaka hindi rin naman ako pinapabayaan ng mga tita ko. Papasok na ako sa loob ng company ni dad nang may sumalubong sa 'kin na isang babae.

"Good morning po, Ma'am Allianah." Bati niya sa 'kin. Kilala niya na ako kasi pinakilala ako dati ni daddy sa kanya. Siya kasi ang secretary ni daddy rito.

"Good morning din po Mrs. Atienza." Bati ko rin sa kanya. Ngumiti lang siya sa 'kin at naglakad na kami papunta sa elevator.

Siya na ang nagpindot ng botton kung anong floor kami. Paglabas namin sa elevator ay diretso kaming pumasok sa office dati ni daddy. Umupo na ako sa swivel chair at umupo naman si Mrs. Atienza sa kaharap ng table ko.

"Mrs. Atienza, kumusta po ang kompanya ni daddy?" Tanong ko sa kanya.

"Ma'am Allianah, sa totoo lang po nalulugi na po ang kompanya ng daddy mo," malungkot na sagot niya. Halos isang buwan na rin pala na hindi ko nabisita ang company ni dad dahil busy ako sa libing nila ni mommy.

Napahilamos ako sa aking mukha. Sa totoo lang wala pa akong experience sa ganito kalaking business. Isang restaurant lang talaga ang na manage ko roon sa France.

"Ma'am, nagrereklamo na nga po ang mga nagtatrabaho rito dahil kulang po ang sahod nila." Patuloy na sabi ni Mrs. Atienza.

Akala ko talaga okay na. Wala ng problema. Paano na 'to ngayon? Saan ako hihiram ng malaking halaga ng pera para maibangon ko ulit ang company ni daddy.

"Mrs. Atienza, pwede niyo po bang ibigay sa 'kin ang listahan ng mga ka share ng company ni dad?" Iyon lang ang tanging na isip ko ngayon. Maghahanap na lang ako roon sa mga ka share ni dad ng mauutangan para maibangon ko ang kompanya.

Binigay sa' kin ni Mrs. Atienza ang listahan. Binasa ko naman lahat ng mga pangalan na naroon. Pero hindi ko natapos ang pagbabasa ng mga pangalan dahil nakaramdam ako ng hilo. Hindi ko na lang pinansin 'yon. Siguro inaantok lang ako at idagdag pa sa pag-iisip nang mga problema ng kompanya.

"Ma'am, okay lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong sa 'kin ni Mrs. Atienza. Nakahawak kasi ako sa ulo ko at nakapikit na nakayuko.

"O-okay lang po ako." Sagot ko sa kanya. Pagkatapos kong magbasa ng mga pangalan ay nag set muna ako ng meeting sa mga employee ng company para humingi ng pasensya sa pagkulang ng mga sahod nila. At magme-meeting rin ako sa mga office staff ng kompanya. Sana mabangon ko pa ang kompanya ni daddy.

Kinabukasan, pagdating ko sa office ay masamang balita kaagad ang sumalubong sa 'kin. Sabi ni Mrs. Atienza ay marami raw ang umalis na mga investors ng kompanya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Unti-unti ng nalulugi ang company. Pagkatapos ng meeting ko sa mga office staff ay tumunog ang phone ko.

Jessa calling....

Agad ko itong sinagot.

"Hello?"

"Besty, tumawag sa 'kin si Zeke. May lagnat daw siya. Hindi ka raw niya ma-contact." Dire-diretsong sabi ni Jessa.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay binaba niya na ang tawag. Kaya pala hindi siya nagpapakita sa 'kin sa mga nakaraang araw dahil may sakit siya. Pupuntahan ko ba? Nagdadalawang isip pa ako kung pupuntahan ko ba siya o hindi. Pero sa huli ay napag desisyunan ko na rin na puntahan siya. Nakakaawa naman kasi siya. Ang alam ko mag-isa lang siya ngayon sa bahay niya. Kasi rinig ko pina bakasyon niya si manang Tess. Agad akong sumakay sa kotse ko at tinahak ang daan papunta sa dati naming bahay.

Huminto ako sa harap ng bahay namin dati. Nakita ko na bukod sa sasakyan ni Zeke ay may isa pang sasakyan sa garahe. Kaya hindi ko maipasok ang sasakyan ko. Kanino naman kaya ang sasakyang 'yan? No choice ako kaya sa labas ng gate ko na lang inihinto ang kotse ko.

Bumaba na ako ng kotse at pumasok sa loob. Ang tahimik ng sala pag pasok ko. Medyo makalat. Wala kasi si manang Tess. Agad akong umakyat sa taas sa kwarto ni Zeke. Medyo nakabukas ang pinto ng kwarto niya. Sinadya niya siguro 'to dahil alam niyang pupunta ako.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Pero laking gulat ko nang makita ko si Pauline na katabi si Zeke na natutulog. Parang napako ako sa kinatatayuan ko sa nakita ko. Bakit hindi ko man lang na isip 'yon? Bakit hindi ko man lang na isip na nariyan pa pala si Pauline para alagaan siya.

"Oh, the wife is here but late," nanunuyang sabi ni Pauline. At lalong nanlaki ang mata ko nang tumayo si Pauline. Naka bra at panty lang siya. What the heck! Tiningnan ko naman si Zeke na natutulog. May damit naman siya pang-itaas.

"Oh sorry, katatapos lang kasi namin ni Zeke kahit may lagnat siya." Nakangiting sabi niya.

Masakit na tingin ang pinukol ko kay Pauline. Alam niyang may asawa na ang tao nilalandi niya pa. Ang landi niya talaga. Pinulot niya ang mga damit niya sa sahig at sinuot.

"Bakit mo ba kami ginugulo Pauline? Tapos na kayo ni Zeke, matagal na!" Galit na sabi ko sa kanya. Alam ko namumula na ako ngayon sa galit. At may namumuo na namang luha sa mata ko.

"Akin siya, Allianah! Inagaw mo lang siya sa 'kin." Sagot niya.

"Hindi ko siya inagaw sa 'yo, Pauline! Siya ang nagpumilit sa 'kin na pakasalan siya." Sagot ko.

"Liar! You stupid bitch!" Sabi niya at sinampal ako.

Tumingin ako sa kanya. Hindi ko ininda ang sampal niya. Agad ko siyang sinampal pabalik.

"Wala kang karapatan na saktan ako!" Sabi ko at sinampal siya ulit sa kabilang pisngi. Akmang sasampalin niya ako nang may nagsalita.

"Don't you dare slap her, Pauline!" Sabay kaming napatingin kay Zeke sa kama.


•••••••••

Thank you for reading.

©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2016

Married To The Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon