Chapter 20

24.9K 455 4
                                    


Enjoy reading!

Allianah's PoV,

KINABUKASAN ay back to school na naman. Kaya maaga akong gumising at ginawa na ang morning ritual ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. Dumiretso agad ako sa kitchen.

Nakita ko roon si Zeke na naka upo at hinihintay ako. Kaya umupo na ako at kumain na rin. Pagkatapos naming mag breakfast ay umalis na kami. Nagba-byahe na kami papunta sa school ko. Gusto ko na talagang aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Paano ko ba sasabihin 'yon? Takte naman.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya sa 'kin. Halata bang kinakabahan ako? Ano ba 'yan. Ganito ba talaga kapag aamin?

"May problema ba?" Tanong niya ulit. Paano ba 'to? Paano ko sasabihin sa kanya? Lord, tulungan niyo naman ako.

"Ah, a-ano k-kasi...." Nauutal pa ako. Kailangan ko na talaga kasing sabihin 'to sa kanya. Habang maaga pa. Baka kasi agawin pa siya sa 'kin ni Pauline. Kapag naiisip ko 'yon parang ang sakit isipin na mawawala siya sa 'kin.

"Spill it," sabi niya. This is it.

"M-mahal k-kita Zeke," nahihiya kong sabi sa kanya sabay yuko. Damn, sigurado ang pula na ng mukha ko sa hiya. Okay lang 'yan, Allianah. Nasabi mo rin sa wakas.

Bigla siyang tumingin sa akin. Nakita kong nakangiti siya. Bigla niyang hininto ang kotse sa tabi at niyakap ako ng mahigpit.

"Z-zeke h-hindi ako makahinga," sabi ko. Agad din naman niya akong pinakawalan.

"Sorry. Masaya lang ako sa sinabi mo." Nakangiti niyang sabi.

"I love you, Sweetheart. Promise, I will never hurt you. I love you," sabi niya at hinalikan ako sa labi. Pagkatapos ng paghahalikan namin ay yumuko na lang ako dahil sa hiya. Pagkaraan ay pinaandar niya na ulit ang sasakyan at hinatid ako sa school.

Ezekiel's PoV,

Fuck, ang saya ko. Mahal niya na ako. Sobrang saya ko talaga. Hindi ko inaasahan na aamin siya sa 'kin. Ako na yata ang pinakamasayang tao sa mundo dahil sa sinabi niya. Pagdating ko sa company ay dire-diretso lang ako at binabati naman ako ng mga empleyado ko.

At dahil ang saya ko ngayon nginingitian ko sila. Halata namang nababaguhan sila sa ginawa ko. Kasi araw-araw na binabati nila ako hindi ko sila pinapansin at dire-diretso lang ako. Pero ngayon nakangiti ako habang papunta sa office ko. Pati nga secretary ko naninibago sa akin.

"Ms. Reyes, what is my schedule for today?" Tanong ko sa secretary ko.

"Sir, you have a meeting with Mr. Shin. The owner of Shin Academy," sabi ng secretary ko.

Oo nga pala kailangan kong maka-usap si Mr. Shin para ma kick out sa school na 'yon si Ivan.

"Okay, thank you." Sagot ko naman. Pagkatapos ay lumabas na siya sa office ko. Agad akong lumabas ng office ko para makipagkita kay Mr. Shin sa isang restaurant.

Kailangang ma kick out sa school na 'yon si Ivan. Alam ko may binabalak ang lalaking 'yon na agawin sa akin si Allianah. At ayaw kong mangyari 'yon.

Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Mr. Shin ay wala na akong ginawa sa office ko. At sabi niya gagawin niya raw lahat para mapatalsik sa school na 'yon si Ivan.

At napagpasyahan kong sunduin na si Allianah sa school nila. Dahil tumawag kanina si mommy sa 'kin. May pupuntahan daw kaming resort para raw makapag relax ako at si Allianah. Pagdating ko sa school ni Allianah ay sakto namang pagdating niya kasama ang dalawa niyang kaibigan.

"Let's go?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang siya at pumasok na sa passenger seat. Papunta kami ngayon sa resort na sinabi ni mommy. Nakita ko namang nangunot ang noo ni Allianah habang naka tingin sa daan.

"Saan tayo pupunta?" Takang tanong niya.

"Sa isang resort," sagot ko habang naka tingin sa daan.

"Ha? Bakit tayo pupunta roon?" Tanong niya ulit.

"For vacation," sagot ko.

"Vacation? E hindi pa naman bakasyon. At saka ilang days tayo roon?" Taning niya ulit.

"One week tayo roon. At excuse ka na sa school mo. Kasama natin sina mommy." Paliwanag ko. Tumango lang siya at hindi na nagtanong pa ulit.

Ilang oras din ang byahe namin bago makarating sa resort. Gabi na kami nakarating dahil naabutan kami ng traffic. Pagmamay-ari namin ang resort na ito. Si daddy ang nagma-manage nito at minsan lang kami pumupunta rito. Tiningnan ko sa tabi ko si Allianah na tulog. Ang ganda niya talaga. Ang tangos ng ilong, at ang mapupula niyang labi, ang sarap halikan.

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. At dinampian ko ng mabilis na halik ang labi niya. Bumaba na ako ng sasakyan at lumipat sa passenger seat at binuksan ito. Tinapik ko ng mahina ang balikat niya at bumulong sa tainga niya.

"Sweetheart, we're here. Wake up or else....I'll kiss you," paos kong bulong sa tainga niya. Bigla siyang napamulat at tumingin sa akin.

"A-anong g-ginagawa mo?" Gulat niyang tanong sa 'kin. At dahil doon napangiti ako. Ang pula na kasi ng mukha niya.

"Ginigising ka," nakangiti kong sagot. Inirapan niya lang ako at kinalas ang seatbelt niya.

"Alis nga diyan. Bababa ako." Sabi niya. Umalis naman ako sa harap niya at bumaba na siya sa sasakyan.

"I love you, wife." Sabi ko sabay kindat. Inirapan niya lang ako ulit at naglakad na. Pagdating namin sa kubo nina mommy ay sinalubong nila kami.

"Hija, how are you?" Masayang tanong ni mommy kay Allianah.

"Okay lang po," sagot ni Allianah.

"Inaalagaan ka ba nitong anak ko?" Tanong ulit ni mommy sabay tingin sa akin. Tss! Napakadaldal talaga ni mommy.

"Po?...ah opo." Sagot ni Allianah.

"Mom, saan ang kubo namin?" Singit ko sa kanila. Baka kung saan pa mapunta ang pag-uusap nila.

"Doon, anak." Sabi niya sabay turo sa pangatlong kubo. Hinila ko na kaagad si Allianah papunta sa kubo namin. Gusto kong masolo ngayon ang asawa ko.

••••••

Thank you for reading.

©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2016

Married To The Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon