Chapter 19

22.3K 460 2
                                    


Enjoy reading!

Allianah's PoV,

KINABUKASAN, alas diyes na akong nagising. Linggo naman ngayon kaya ang gagawin ko ay mag mall. At tungkol doon kahapon, hindi ko alam kung sasabihin ko ba ngayon o hindi  ewan! Bahala na. Bumaba na ako para magpaalam kay Zeke. Sana payagan niya ako. Matagal-tagal na rin na hindi ako nakapag shopping.

Pagkababa ko nakita ko siya sa sala na naka upo sa sofa habang hawak-hawak ang kanyang laptop. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Tiningnan niya lang ako saglit at binalik din agad ang atensyon sa laptop.

"Ehem..." Para-paraan ko para pansinin niya ako. Busy lagi e.

"What?" Walang emosyon niyang tanong. Habang hindi inaalis ang paningin sa laptop niya.

"Ahm...pwede ba akong mag--" hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko.

"No." Sagot niya agad.

"Agad-agad? Hindi mo pa nga alam kung saan ako pupunta," sabi ko. 'Relax lang Allianah, 'wag ka munang mainis. Baka hindi ka na payagan niyan'.

"Saan ka ba pupunta?" Tanong niya habang busy pa rin sa pag ta-type sa laptop niya.

"Sa mall. Mag sa-shopping," sagot ko naman. Please pumayag ka na.

"No." Sagot niya. Letche! Wala ba siyang ibang sasabihin kundi 'No' na lang. Hindi ba pwedeng 'yes' naman. Nakaka inis na.

"Please. Please naman," pagmamakaawa ko sa kanya. Lahat na ng pagpapa-cute ginawa ko na.

"I said no, and that's final." Matigas niyang sabi. At dahil sa sinabi niya ay padabog akong tumayo at umakyat na lang ulit sa kwarto. Nakakainis na talaga. Bahala siya sa buhay niya hindi ko siya papansinin. Manigas siya.

Minsan na nga lang ako makakagala. Ano naman gagawin ko rito sa mansion niya? Ang boring kaya rito. Walang magawa.


Buong araw ay hindi ko pinapansin si Zeke. Naiinis pa rin ako sa kanya. Kapag magkasalubong kaming dalawa ay hindi ko siya pinapansin na para bang isa lang siyang hangin. Manigas siya ayaw niya akong payagan.

Habang kumakain kami ng hapunan ay hindi ko pa rin siya pinapansin. Habang siya ay patingin-tingin sa 'kin at minsan nagpapapansin. Hanggang sa natapos kaming kumain ay wala pa ring kibuan. Pumunta na kaagad ako sa kwarto ko at naglinis ng katawan at pagkatapos ay humiga na sa kama.

Nagulat ako dahil biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at niluwa roon si Zeke. Bigla akong napabangon nang pumasok siya at lumapit sa akin.

"A-anong g-ginagawa mo rito?" Nauutal kong tanong. Umupo siya sa kama at tumingin sa akin.

"Sorry na," mahina niya sabi. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.

'Relax Allianah inhale, exhale. 'Wag mo muna siyang patawarin. Pahirapan mo muna siya'.

"Look, I'm sorry, sweetheart. Gusto lang kasi kitang ma-solo kaya hindi kita pinayagan," paliwanag niya. Shit. Kinilig ako roon.

"Fine..." Sagot ko. Bigla namang sumilay ang ngiti sa labi niya. Damn it! Bakit ang gwapo niya kapag naka ngiti? Kaya lalo akong na iinlove sa kanya e.

"Really?" Masaya niyang tanong.

"Yes,..but in one condition," sabi ko naman. Bigla naman nawala ang ngiti niya sa sinabi ko.

'Gantihan lang 'to. Lagot ka sa 'kin ngayon Ezekiel.'

"What?" Takang tanong niya.

"Kumanta ka," nakangiti kong utos sa kanya. Napahilamos naman siya sa mukha niya dahil sa inutos ko.

"Pwede iba na lang. I can't do that," nagmamakaawa niyang sabi.

"Ayoko. Gusto ko kumanta ka." Matigas kong sabi.

"Sorry sweetheart, I can't do that," sabi niya habang hawak ang kamay ko.

Kinuha ko ang kamay ko sa kanya. "Ayaw mo? E 'di hindi pa tayo bati," sagot ko naman.

Tumayo siya. "Fine I'll sing. What song?" Sabi niya na parang napipilitan.

"More than words." Sabi ko. Favorite song ko 'yon. Bigla siyang umayos ng tayo.

Saying I love you,is not the words I want to hear from you.

It's not that I want you, not to say but if you only knew.

How easy it would be to show me how you feel,

More than words is all you have to do to make it real,

then you wouldn't have to say that you love me, 'cause I'd already know

What would you do, if my heart was torn in two,

more than words to show you feel, that your love for me is real,

What would you say if I took those words away, then you couldn't make things new, just by saying I love you

"Satisfied?" Tanong niya sa 'kin. Tumango lang ako.

"Ang galing mo pa lang kumanta ano?" Puri ko sa kanya.

"Yeah. Ganon talaga ang mga gwapo magaling kumanta." Pagmamayabang niya. Sarap batukan. Inirapan ko na lang siya. Dapat pala hindi ko na lang siya pinuri.

"So bati na tayo?" Tanong niya habang naka ngiti.
Tumango na lang ako. Hindi ko rin naman siya matiis.

"Kaya pwede ka nang umalis kasi matutulog na ako," pagtataboy ko sa kanya.

"Ok. Good night, wife." Sabi niya at mabilis na hinalikan ako sa labi at lumabas na ng kwarto ko. Naisahan ako roon. Hinawakan ko ang labi ko habang nakangiti. Makatulog na nga baka antok lang 'to.


••••••••

Thank you for reading.

©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2016

Married To The Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon