Chapter 26

21.1K 406 7
                                    


Enjoy reading!

Ezekiel's PoV,

DAMN! Hindi ko alam na naroon pala sina Allianah sa restaurant na 'yon. Nakita niya kami ni Pauline na magkasama. Kaya lang kami magkasama ni Pauline kasi nakita ko siya sa labas ng restaurant na 'yon. Makipag kita kasi ako sa daddy niya para sa isang business deal ng company ko at ng company nila. Hindi ko naman alam na pupunta rin pala si Pauline roon.

Hindi ko rin alam na naroon din pala ang asawa ko kasama ang dalawa niyang kaibigan. Gusto ko nga sanang mag-explain sa kanya kaso hindi niya ako hinayaang magpaliwanag. Gusto ko nga sana siyang habulin nang lumabas siya ng restaurant pero nakakahiya naman sa daddy ni Pauline.

Pagkatapos nang pakikipag-usap ko sa daddy ni Pauline ay agad na akong umuwi ng bahay. Nag-aalala ako sa asawa ko. Gusto kong mag paliwanag sa kanya na mali ang iniisip niya sa amin ni Pauline.

Mabilis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan para lang maka-uwi agad. Pagdating ko sa bahay ay dali-dali akong pumasok sa loob. Wala si Manang Tess ngayon dahil pina day off siya ni mommy.

Hinanap ko si Allianah. Pumunta ako sa kwarto niya pero wala siya. Pangalawa kong pinuntahan ay ang banyo wala rin siya. Hinanap ko siya sa bawat sulok ng bahay pero walang Allianah. Napamura kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang private investigator ko.

"Hello,Mr. Saa---"

"Hanapin mo kung nasaan ang asawa ko." Pagputol ko sa sasabihin niya. Fuck! Dami pa kasing sasabihin.

"O-ok,Mr. Saa----" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya binaba ko na ang cellphone ko.

Ilang beses ko ng tinawagan siya pero hindi niya sinasagot. Where are you Allianah? Don't leave me. Tinawagan ko na ang parents niya kung naroon siya pero wala raw. Tinawagan ko na rin ang dalawa niyang kaibigan pero hindi sumasagot. At dahil sa galit ko kinuha ko ang vase sa tabi ko at hinagis sa sahig.

Ayaw kong iwan ako ni Allianah. I love her. I will do everything para manatili siya sa akin. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko.

"Where is she?" Tanong ko agad.

"Nasa bahay po ng kaibigan niya sir," sagot ng private investigator ko.

"Damn it Kent! Anong pangalan?" Sigaw kong tanong sa kanya. Mag bibigay lang ng information kulang-kulang pa. Tangina!

"S-sorry po s-sir. K-kay Jessa Lopez po s-sir." Takot na sagot ni Kent sa 'kin. Tsk! Pinatay ko na kaagad ang tawag at pumunta sa sasakyan ko at pinaharurot papunta sa bahay ni Jessa.

Damn it, wife. Wether you like it or not uuwi ka kasama ako. Mabilis akong nakarating sa bahay ni Jessa. Bumaba ako ng kotse. May guard na humarang sa 'kin sa gate nila.

"Sir, sino po hinahanap niyo?" Tanong sa 'kin ng isang guard.

"Si Jessa, where is she? Sabihin mo ilabas niya ang asawa ko." Galit kong sagot. Tinawagan naman ng isang guard si Jessa gamit ang telepono. Maya-maya ay binaba niya na ang telepono at lumapit sa 'kin.

"Sir, bawal po kayong pumasok sabi ni ma'am Jessa," sabi ng isang guard. Fuckshit! Gustong-gusto ko na talagang suntukin ang dalawang guard na 'to.

"What? Why? Susunduin ko lang ang asawa ko!" Sigaw ko sa dalawang guard. Tangina naman!

Papasok na sana ako kaso hinawakan ako ng dalawa. Sumisigaw ako para lumabas si Allianah. Maya-maya ay lumabas na siya kasunod si Jessa.

"Wife, please let me explain." Pagmamakaawa kong sabi. Pilit kong makawala sa pagkakahawak ng dalawang guard sa 'kin.

Lumabas siya ng gate. "Huwag dito." Malamig niyang sabi.

"Let's go home." Pagmamakaawa ko.

Hindi siya sumagot. Sinabihan niya ang dalawang guard na pakawalan ako. Pagkatapos ay bumaling siya sa likod at niyakap niya si Jessa. Pagkatapos ay nauna na siyang sumakay sa kotse.

Sumakay na rin ako. Habang nagba-byahe kami ay walang may nagsasalita sa amin. Minsan ay sinusulyapan ko siya.

Aayusin ko 'to. Ayaw kong iwan niya ako. Siya lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Yes, I'm obsessed to her. At ayaw kong mawala siya sa 'kin.

••••••

Thank you for reading.

©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2016

Married To The Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon