Chapter 10

27K 516 3
                                    

Enjoy reading!

Allianah's PoV,

PAGKATAPOS naming kumain ay pumunta na lang ako sa kwarto. Mga ilang minuto pa ako sa kwarto nang mapasyahan kong bumaba na lang. Ang boring naman kasi kapag nasa kwarto. Pababa na ako ng hagdan nang may nakita akong isang babae na nakatalikod. Teka! Si tit--este mommy Aileen ba 'yan? Akala ko mamaya pa sila darating? Bigla siyang humarap kaya nakita niya ako.

"OMG! Iha." Sigaw ni Mommy Aileen at niyakap ako. Kaya niyakap ko rin siya.

"Namiss kita iha," nakangiting sabi niya.

"Namiss ko rin po kayo." Sagot ko.

Pagkatapos namin magyakapan ay umupo kami sa sala at nag kwentuhan. May binigay siya sa 'kin na regalo. At maya-maya ay nagsalita siya.

"Iha, ano may nabuo na ba?" Nakangiting tanong ni mommy Aileen. Bigla naman akong nagulat sa tanong niya. Kaya hindi ako nakasagot.

"Joke lang iha, alam ko bata kapa tapusin mo muna ang pag-aaral mo." Sabi niya at ngumiti. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.

"Pero gusto ko sa 'yo lang ako magkaka-apo." Nakangiti niyang sabi. Ang bata-bata ko pa para riyan. Tapos pinaplanuhan na kaagad.

Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya.

--

Kinabukasan, maaga akong gumising dahil may pasok na naman ako. Ayaw ko pa sanang bumangon pero kasiang alarm clock ko ang ingay. Kaya bumangon na lang ako. Tumingin ako sa tabi ko. Wala na si Zeke. Pumunta na ako sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Pagkaraan ay bumaba na ako. Ayaw ko na mag-umagahan. Busog pa kasi ako. Dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa nasa sala na ako nang may nagsalita.

"Where are you going?" Napalingon ako at nakita ko si Zeke.

"Papasok na sa school." Sagot ko. Bigla namang umiba ang ekspresyon ng mukha niya.

"Eat first before you go to school." Sabi niya.

"Ayaw ko. Busog pa ako."sagot ko. Akmang maglalakad na sana ako nang magsalita siya.

"Hindi ka papasok kapag hindi ka kumain. 'Wag matigas ang ulo, Allianah." Inis niyang sabi. Seriously? Ano siya daddy ko?

'Asawa mo lang naman siya Allianah.' Haist naman! Isa pa itong utak ko. Tiningnan ko siya. Parang mangangain ng tao. Nakakatakot naman magalit 'to.

I have no choice kundi ang pumunta sa kusina para kumain. Binigyan ako ni manang Tess ng plato. Naroon din sina mommy Aileen, daddy Zach at Ate Zellyn na kumakain. Nakangiti silang nakatingin sa 'kin at kay Zeke na nasa likod ko. Nagsandok na ako ng kanin at kumuha ng ulam. Nakita kong nakatingin si Zeke sa 'kin. Kaya hindi ako maka-kain ng maayos. Binabantayan niya kasi ako kumain.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya na hindi naka-tingin.

He smirked. "Nothing, mauna na ako sa sasakyan." Sagot niya pagkatapos ay naglakad na. Si Ate Zellyn naman ay nakangiti na nakatingin sa 'kin. Ngumiti na rin ako.

Pagdating ko sa school ay naglakad na ako papunta sa room ko. Habang naglalakad ay may biglang bumati sa 'kin.

"Hi," nagulat ako dahil si Ivan pala 'yon.

"H-hello," nauutal kong bati sa kanya. Ang gwapo niya.

"Papunta ka na ba sa room natin?" Tanong niya sa 'kin.

"Oo. Papunta na ako roon." Sagot ko naman. Habang pinipigilan ang kilig.

"Let's go? Papunta na rin ako roon," sabi niya. Tumango na lang ako.

Sabay kaming pumunta sa room namin. Nakita ko naman na maraming nakatingin sa 'min ni Ivan habang naglalakad. 'Yung iba ay masakit ang tingin. At syempre isa na roon si Kristine na kung makatingin ay parang papatayin ako.

-

Ezekiel's PoV,

Nandito ako ngayon sa office ko. I'm busy. Nakatambak kasi ang mga files sa table ko. Pero okay lang kasi pag nakikita ko 'yong magandang mukha ni Allianah ay nawawala lahat ng problem ko.

Ayaw kong mawala siya sa 'kin. Siya ang buhay ko. Ayaw kong maagaw siya sa 'kin ng iba. She's mine. Akin lang siya. Noong una ko siyang nakita ay akin na siya. Natauhan ako nang may kumatok sa pinto.

"Come in," sagot ko roon sa kumakatok. Bumukas ang pinto at iniluwa roon ang isang babae na ayaw ko ng makita pa.

"Hi babe," malandi niyang bati. Yeah! Pauline Mendez is a slut! She's my ex- girlfriend. Niloko niya ako. Nakita ko siyang may kahalikan. Minahal ko rin naman siya kaso niloko niya ako. Siya 'yong unang babae na sineryoso ko pero hindi ko aakalain na lolokuhin niya lang pala ako.

"Why are you here?" Malamig kong tanong sa kanya.

"Para makita ka. Because I missed you babe." Sagot niya.

"Pauline, lumabas ka na sa office ko kung wala kang magandang sasabihin." Galit kong sabi. Damn that woman!

"Oh Zeke, 'wag tayong maglukuhan dito. Alam kong pinakasalan mo lang 'yong Allianah mo para makalimutan ako, right?" Tanong niya.

Tangina! Ayaw ko sa lahat ang tinatawag niya akong Zeke. Pamilya ko lang ang tumatawag sa 'kin ng ganon.

"Damn you Pauline! I love her!" Sagot ko. Talagang ginagalit ako ng babaeng 'to!

"Really babe? Paano ako? Mahal pa rin kita Zeke." Sagot niya.

"Wala akong pakealam! At 'wag mo akong tawaging Zeke. Kaya lumabas ka na bago pa kita ipa-kaladkad sa guard." Galit kong sagot.

"Ok. Pero makinig ka sa sasabihin ko Zeke. Babalik ka rin sa 'kin. Sisirain ko ang relasyon niyo ng asawa mo." Galit niyang sabi at naglakad na palabas ng office ko. Damn! Subukan niya lang sirain kami.

Bakit pa siya bumalik? Mahal ko si Allianah. At walang kahit sino ang makakapigil sa pagmamahal ko sa kanya.


•••••••

Thank you for reading!

©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2016

Married To The Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon