Chapter 6

30K 604 20
                                    


Enjoy reading!

Allianah's PoV,

PAGKAGISING ko kinaumagahan nagulat ako dahil bakit ang lambot ng higaan ko. Minulat ko ang aking mga mata. Teka! Bakit na sa kama na ako? Paano ako na punta rito? Naglakad ba ako papunta rito habang tulog? Imposible naman kung si Ezekiel 'yong nag buhat sa 'kin papunta rito.

"Good morning. Gising ka na pala," nakangiting sabi ni Ezekiel na kaka-pasok lang sa kwarto. Damn it! Hindi talaga uso sa kaniya ang kumatok.

"Bakit narito na ako sa kama?" Tanong ko sa kaniya.

"Syempre binuhat kita papunta riyan. Ang bigat mo nga e." Nakangiti niyang sagot. Nakakahiya binuhat pa talaga ako. Sigurado namumula na ako!

"You're blushing," sabi na nga ba.

"H-hindi ah." Tanggi ko. Damn! Ang aga-aga nagba-blush ako.

"You're cute when you're blushing. And by the way breakfast is ready. Sumunod ka na lang." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay lumabas na siya. Teka, ano raw sabi niya? Cute raw ako kapag nag ba-blush? Mas lalo tuloy akong namula.

Pumunta na ako sa banyo para maghilamos at mag-ayos. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. Pagdating ko sa kusina nakita ko agad si Ezekiel na naka-upo na. My god! Nahihiya kasi ako sa kaniya. Paano kung bumalik na lang kaya ako sa kwarto? Ayaw ko talaga sumabay sa kaniya kumain. Pero gutom na rin ako. Hindi ko na nga kaya.

"Iha, halika na rito kakain na," sabi ni Mommy Aileen. Kaya wala akong nagawa kundi ang umupo sa tabi ni Ezekiel.

"Let's eat." Sabi ni Mr. Zach. Ngumiti lang ako at nag umpisa ng kumain.

"Zeke, huwag mo munang buntisin si Allianah ha. Nag-aaral pa 'yan." Nabulunan ako sa sinabi ni mommy Aileen. Bakit buntis agad ang pinag-uusapan? Ang bata ko pa para riyan. Agad naman akong binigyan ni Zeke ng tubig. Zeke pala ang tawag sa kaniya ng mga magulang niya.

"Iha, are you ok?" Nag-aalalang tanong sa 'kin ni Mr. Zach.

Tumango lang ako bago nagsalita. "Ok lang po ako." Sagot ko at uminom ng tubig. Nakakagulat ba naman ang sinabi ni mommy Aileen.

"Mom, don't worry. Makakapaghintay naman ako." Sagot naman ni Zeke habang nakatingin sa 'kin. Umiwas na lang ako ng tingin. Pagkatapos ng breakfast ay pumunta ako sa sala at nanuod ng tv. Ang boring kasi rito. Si Zeke naman ay nasa kwarto. Habang nanunuod ako ng tv ay biglang tumunog 'yong cellphone ko.

Calling jessa....

Dali-dali kong sinagot ang tawag. Lagot ako hindi pala ako pumasok ngayon. At hindi pa nila alam na ikakasal na ako. Biglaan ba naman.

"H-hello Jessa?"

"Hoy babae bakit ka absent ha?" Sabi na nga ba at itatanong niya sa 'kin 'yan.

"Ha? Ah ...ano masakit kasi ang ulo ko." Pagsisinungaling ko.

"Talaga? Basta pumasok ka bukas ha." Sabi niya sa kabilang linya.

"Oo papasok ako bukas. Sige bye." Kinabahan ako dahil doon. Mabuti pinatay ko agad. Baka kung ano-ano pa ang itatanong. Maya-maya ay may nag doorbell. Sino naman kaya ang bisita ni Zeke? Ako na lang ang nagbukas ng pinto kasi busy sina manang Tess. Pagbukas ko ng pinto ay isang matandang lalaki ang nakita ko.

"Sino po sila?" Tanong ko sa kaniya.

"Hi. I'm Lucas Buenavista. Nariyan ba si Mr. Ezekiel Saavedra?" Grabe ang pormal naman magsalita nito.

"Tuloy po kayo. Tatawagin ko lang po si Ezekiel." Pina-upo ko muna siya at umakyat na para tawagin si Zeke. Pagdating ko sa pinto ng kwarto namin ni Zeke ay agad akong pumasok. Nakita ko siyang nakahiga at naglalaro sa cellphone niya.

"Zeke, may maghahanap sa 'yo sa baba." Sabi ko.

"I dont care. He disturbed me." Malamig niyang sagot. Minsan sarap batukan nito.

"Ano? Zeke naman baka importante 'yong pag-uusapan niyo." Nakakainis naman 'to.

"Sino ba 'yon?" Tanong niya habang hindi inaalis ang tingin sa cellphone.

"Si Mr. Lucas Buenavista raw siya," pagkasabi ko ng pangalan ay agad siyang tumayo at lumabas ng kwarto. Agad naman akong sumunod. At nakita kong may inabot si Mr. Buenavista na papel kay Zeke. Lumapit ako sa kanila. Nakita ko na pumirma si Zeke sa papel na binigay ni Mr. Buenavista. Pagkatapos pumirma ni Zeke ay binigay niya rin sa 'kin 'yong papel. Nagulat ako kasi isa palang marriage paper 'yon.

"Sign that paper Ms. Hovers." Sabi ni Mr. Buenavista. Tiningnan ko si Zeke. Ang sakit ng tingin sa 'kin. Pipirmahan na nga. Baka kainin pa ako ng buhay nito. Pagkatapos kong pumirma ay nagsalita si Mr. Buenavista.

"Congratulations Mr. And Mrs Saavedra," hindi ko talaga inaasahan 'to. Pagkatapos no'n ay nagpaalam na si Mr. Buenavista. Ako naman ay pumunta na lang ng kwarto. Sa edad kong seventeen ay may asawa na ako. At akala ko yung pormal talaga na kasal. Bakit ganon? Pirmahan lang?



••••••••

Thank you for reading!

©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2016

Married To The Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon