Chapter 27

22K 428 6
                                    


Enjoy reading!

Allianah's PoV,

PAGDATING namin sa bahay ay pupunta na sana ako sa kwarto ko nang magsalita siya. "Wife, I'm sorry. It's not what you think. Nakita ko lang si Pauline sa labas ng restaurant na 'yon." Pagpapaliwanag niya. Naka-upo kaming dalawa sa sofa.

"Wife, please. Listen to me. Ikaw ang mahal ko. Please, don't leave me again. I love you." Nag mamakaawa niyang sabi at hinawakan ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako sa labi.

Matitiis ko ba ang lalaking 'to? Syempre hindi. Mukhang nagsasabi naman siya ng totoo. Pagkatapos ng halikan namin ay niyakap niya ako. Siguro nga mali ang iniisip ko. Siguro nga hindi niya na talaga mahal si Pauline.

May tiwala naman kasi ako sa kanya. Ganon nga siguro ang nagmamahal kapag mahal mo ang isang tao handa kang patawarin siya kahit ano man 'yong naging kasalanan niya o nagawa niya.

Mahal ko na kasi siya. Hindi ko alam kung kailan ko 'to na naramdaman basta bigla ko na lang na realize na mahal ko na siya.

"Wife, please 'wag ka ng magselos," sabi niya habang nakasubsob sa leeg ko. Teka! Ako? Nagseselos?

"Ako? Nagseselos? Hindi ah," tanggi ko sabay tulak sa kanya. Nakikiliti kasi ako. Hinalik-halikan ba naman ang leeg ko.

"Aminin mo na kasi para iwasan ko na siya." Nakangiti niyang sabi. Nagseselos nga ba ako? Siguro nga.

"Bahala ka nga riyan. Ayaw mo maniwala." Sabi ko at tumayo na at pumunta sa kwarto ko.

Ayaw kong magtagal doon. Baka ma amin ko pa na nagseselos nga talaga ako. Tapos pagtatawanan niya pa ako. Narinig ko pa na tinatawag niya ako pero hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy lang ako papunta sa kwarto ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para magluto. Wala kasi si manang pina-day off ni mommy Irene. Kaya ito ako nagluluto ng egg, bacon, at hotdog. Mga madali lang na lutuin. Nagluluto na ako ng hotdog nang may biglang humawak sa baywang ko.

"Morning, wife." Bati sa 'kin ni Zeke na naka patong ang mukha niya sa balikat ko.

"Morning," ako habang nagluluto ng hotdog.

"I love you." Paos niyang sabi. Kikiligin na ba ako? Huwag muna. Nakakahiya.

"Mamaya ka na lumandi sa 'kin. Maupo ka muna ro'n." Sabi ko.

Baka masunog pa 'tong hotdog na niluluto ko. Pagkatapos naming kumain ay pumunta ako sa sala. At si Zeke naman ay pumunta na sa company niya. Paano kaya kung dalhan ko siya ng lunch? Tama!

Ezekiel's PoV,

"Sir, may bisita po kayo." My secretary said. Hindi ko pinansin ang sabi ng secretary ko. Patuloy lang ako sa pag-ayos ng mga files sa table ko. Hindi pa nga ako kumakain ng tanggalian dahil tambak na naman sa table ko.

"Hi babe, I miss you." Nagulat ako sa nag salita. Si pauline. Damn! Bigla akong napaangat ng mukha. Ano na namang ginagawa niya rito?

"What are you doing here?" Inis kong tanong.

"Why? Masama bang bisitahin ang babe ko?" Sabi niya at lumapit sa 'kin.

"Stop this nonsense Pauline. I'm busy. Leave." Sabi ko sabay turo sa pinto. Tiningnan ko siya ng masama.

"Babe please. Mahal pa rin kita." Nagulat ako nang bigla niya akong halikan. Shit! Pilit ko siyang tinutulak palayo.

"Please bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon. I love you." Sabi niya at hinubad ang damit niya. Damn! At hinalikan ako ulit. Itutulak ko na sana siya nang may nagbukas ng pinto. At laking gulat ko nang malaman ko kung sino iyon. Fuck! Si Allianah!

"Sorry naka istorbo pala ako." Akmang lalabas na siya nang tumayo ako at hinawakan siya sa braso. No! No!

"Wife, mali ang nakita mo. Let me explain, please." Nagmamakaawa kong sabi.

"Nasabi mo na 'yan e. Pinakinggan ko na 'yang explaination mo. Naniwala ako. Ngayon ba maniniwala na naman ako sa explaination mo na 'yan?" Umiiyak niyang sabi. Bullshit! Nasaktan ko na naman siya.

"Mabuti pa maghiwalay na tayo." Fuck! No! Iyan ang ayaw kong marinig sa kanya.

"No, wife. Please don't leave me. Mahal mo ko 'di ba?" Sabi ko. Damn it!  Hindi ko kayang mawala siya. Ayaw ko!

"Hindi na kita maha. Sorry." Sabi niya at tumakbo. Tangina. Ang sakit marinig. Sa kanya pa mismo nanggaling na hindi niya na ako mahal. Napakuyom ako ng kamay ko humarap kay Pauline na ngayon ay nakabihis na.

"You bitch! Get out here in my office before I kill you right here!" Sigaw ko kay Pauline.

Dahil sa kanya nasira ang pagsasama namin ni Allianah. Nang dahil sa kanya nakipaghiwalay sa 'kin si Allianah. Dali-dali naman siyang lumabas ng office ko. Damn! Sisiguraduhin kung sa 'kin ka pa rin babagsak, Allianah. At hindi na kita papakawalan pa.


•••••••

Thank you for reading.

©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2016

Married To The Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon