Chapter 23

21.9K 407 2
                                    


Enjoy reading!

Allianah's PoV,

NAGISING ako sa ingay na naririnig ko sa labas ng kwarto. May nagtatawanan na babae at lalaki. Teka?..babae? Paanong may babae sa kubo namin ni Zeke? At teka! Kilala ko ang boses na 'yon. Hindi! Imposible na pupunta sila rito.

Dali-dali akong bumangon at nag-ayos. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko ang dalawa kong bestfriends na nagtatawanan habang naka-upo sa sofa. What the fuck! Bakit sila narito?

"Besprend! Namiss kita!" Sigaw ni Carlo sabay takbo papunta sa 'kin at niyakap ako. Ganon din ang ginawa ni Jessa.

"Hoy bruha, bakit hindi mo sinabi na maaga kang nagbakasyon ha? Alam mo bang nag-aalala ang beauty ko sa 'yo," si Carlo. Tsk! Kahit kailan talaga ang ingay nito.

"Teka nga. Paano niyo nalaman na nandito ako?" Takang tanong ko sa kanila. Nagka tinginan silang dalawa at tumingin sa 'kin.

"Sino pa ba? E 'di si fafa Zeke. Tinawagan namin siya at sinabi niyang nag bakasyon kayo rito. At pinayagan niya rin kami na pumunta rito. O 'di ba ang bait ni fafa Zeke," pagpapaliwang ni Carlo.

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umupo kami sa sofa at nag kwentuhan. Okay na 'yong narito ang dalawa para may kasama naman ako.

Pagsapit ng gabi ay napag pasyahan namin na mag bonfire kaya narito kami ngayon naka paikot sa apoy at naka-indian sit. Katabi ko si Zeke sa right side at sa left side ko naman ay si Brent. Nakita ko na naka-kunot ang noo ni Zeke na para bang gustong manuntok. Laging beastmode.

Hinayaan ko na lang siya. Maya-maya ay dumating si Paul na may dalang bote na walang laman. Umupo siya sa tabi ni Zeke at ni Carlo. At aba't si Carlo todo kilig naman.

"Okay, let's have a game," pagsisimula ni Paul habang hawak-hawak ang bote.

"Anong laro?" Tanong ni Brent.

"Truth or dare," naka ngiting sagot ni Paul.

"Game ako diyan, fafa Paul. Ang pogi mo talaga! Kyaaah." Sagot naman ni Carlo sabay yakap kay Paul.

Bigla siyang tinulak ni Paul kaya napabitaw siya sa pagyakap. Tumawa na lang ako sa pinanggagawa ni Carlo.

"Game. Ako muna ang magpapaikot ng bote." Sabi ni Paul at pina-ikot na ang bote. Sana huwag ako.

Dahan-dahang tumigil ang bote at naka-tutok kay Carlo. Si Carlo naman todo kilig pa rin.

"Truth or Dare?" Tanong ni Paul.

"Dare," kinikilig na sagot niya.

Ngumiti ng nakaka loko si Paul at nagsalita. "Halikan mo sa pisngi si Allianah." Utos niya kay Carlo.

Si Carlo naman ay nawala ang ngiti. At napalitan ng pangdidiri. Kukutusan ko talaga ang baklang 'to. Alam ko nandidiri 'yan humalik sa mga babae.

"What? Ew, pwede bang lalaki na lang?" Nagmamakaawang sabi niya kay Paul.

"Hindi pwede." Sagot ni Paul. Tumayo na si Carlo at Pumunta sa 'kin. Pero bago siya humalik sa pisngi ko ay nagsalita si Zeke.

"Pwede bang si Jessa na lang ang i-kiss niya?" Inis na sabi ni Zeke. Nagseselos ba siya?

"Hindi pwede, pare. Isa lang naman e." Pamimilit ni Paul.

Bumuntong hininga si Zeke. "Fine. Mabilis lang." Sagot niya. Lumapit sa 'kin si Carlo at mabilis na hinalikan ako sa pisngi at bumalik na siya sa tabi ni Paul.

Napansin ko ang tahimik ni Jessa. Hindi siya tumatawa. Hayaan ko na nga baka pagod lang siya. Pinaikot na ulit ni Paul ang bote at dahan-dahang huminto kay Zeke. Muntik na ako roon. Katabi ko 'di ba si Zeke.

"Truth or Dare?" Tanong ni Paul.

"Truth." Simpleng sagot niya.

"Okay, gaano mo kamahal si Allianah?" Nagulat ako sa tanong ni Paul kay Zeke. Naghihintay kami ng magiging sagot niya.

"More than in my life. Yung tipong okay lang na ako ang masaktan 'wag lang siya. And I will make her my queen. And no matter what happen, I'll protect her." Sabi niya habang naka tingin sa akin. What the fudge! Kinikilig ako! 

"Aw, ang sweet naman!" Kinikilig na sabi ni Carlo. Tumawa lang kami. Pinaikot ulit ni Paul ang bote at dahan-dahang huminto sa kanya. Tumawa kami ulit dahil sa mukha niya.

"Truth or Dare?" Tanong ni Carlo.

"Truth." Sagot niya. Sumingit ako at ako na ang nagtanong kay Paul.

"May sineryoso ka na bang babae?" Tanong ko sa kanya. Biglang nagseryoso ang mukha niya sa tanong ko.

"Yes, meron. The one and only girl in my life. Kaso nakipag break siya sa 'kin kasi pupunta raw siya ng Korea. At dahil sa kanya kaya ako naging womanizer. Hindi ko alam kung mahal niya pa ako. Pero, ako, mahal ko pa siya." Sabi niya.

Nakita ko na nakatingin siya kay Jessa habang sinasabi niya 'yon. May nakaraan ba sa dalawang 'to? Halata e.

"Excuse me." Nagulat kami sa pag walk out ni Jessa. Confirm! May tinatago talaga ang kaibigan ko sa 'kin. May nakaraan talaga sila ni Paul. Nagkatinginan nalang kaming lahat. Napagpasyahan na namin na matulog na lang. Kaya pumunta na kami sa kanya-kanya naming kubo. Hindi ko talaga alam na may something pala kina Paul at Jessa. Tatanungin ko na lang si Jessa bukas.




•••••••

Thank you for reading.

©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2016

Married To The Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon