Chapter 30

24.2K 433 12
                                    


Enjoy reading!

5 years later.....

Allianah PoV,

"Bessy, ma-mimiss kita sobra." Malungkot na sabi ni Kyla. Nakilala ko siya rito sa France. Naging kaklase ko siya. At hanggang sa maka graduate kami ng college ay magkaibigan pa rin kami.

At kasama ko rin siya sa restaurant ko. Yes. May restaurant na ako. Ako ang nagma-manage at tinutulungan ako ni Kyla.

"Ako rin, bessy. Mamimiss kita." Sabi ko at niyakap siya. Uuwi na kasi ako ng Pilipinas.

May ibibigay raw sa 'kin si daddy na isa pang restaurant doon. Kaya ang resraurant ko rito ay si Kyla na ang magma-manage. 'Tsaka may ime-meet daw kami na kasama ko na mag-manage ng restaurant. Hindi sinabi ni daddy kung babae ba o lalaki. Kaya ko namang i-manage ang restaurant mag-isa bakit kailangan ko pa ng katulong?

"Basta tawag ka sa 'kin kapag nakarating ka na sa pilipinas ha," sabi ni Kyla. Narito na kasi kami sa airport. Naghihintay ng flight ko pauwi ng pilipinas.

"Sige, tatawagan kita." Nakangiti kong sabi. Maya-maya ay tinawag na ang mga pasahero. Kaya tumayo na ako at niyakap si Kyla at naglakad na papasok sa eroplano.

Limang taon na ang nakalipas. Nawala na 'yong sakit. At hindi ko na siya mahal. Naalala ko na naman siya. Kumusta na kaya siya? May pamilya na kaya siya ngayon? Kaya ko na bang harapin siya muli?

Pero natatakot akong makita siya ulit. Baka bumalik na naman ang nararamdaman ko sa kanya kapag nagkita kami. Hindi ko alam kung kaya ko na nga ba siyang makita.

Nang lumapag na ang eroplano na sinakyan ko ay lumabas na ako at hinintay ang mga bagahe ko. Pagkatapos ay hinintay ko na ang sundo ko. Hindi ko alam kung sino ang susundo sa 'kin. Hindi kasi sinabi ni daddy kung sino ang susundo sa 'kin.

Mga ilang minuto na paghihintay ay may isang black na kotse ang huminto sa harap ko. Hindi ko nakikita ang nasa loob. Nagulat ako nang lumabas ng kotse ang may-ari.

Parang huminto lahat sa paligid ko nang makita ko kung sino 'yon. Bakit siya? Paano niya nalaman na uuwi ako? Hindi! Baka iba ang susunduin niya. Kaya hindi ko na lang pinansin. Naka tingin kasi siya sa 'kin.

"Tatayo ka na lang ba diyan?" Nagulat ako nang magsalita siya. Nasa harap ko na pala siya.

"Ha?" Bakit ganon? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. 'Tsaka bakit ang gwapo niya pa rin? Erase! Ano ba 'yang iniisip ko.

"Welcome back, wife." Sabi niya at hinalikan ako sa labi.  Damn! At dahil sa gulat ko tinulak ko siya.

"Let's go?" Tanong niya. Hindi ako sumagot. Ayaw kong sumakay sa sasakyan niya.

"Pwede ba umalis ka na at 'wag mo akong tawaging wife kasi wala na tayo." Inis kong sabi sa kanya sabay irap.

"Bakit ako aalis kung hindi naman sasama ang sinusundo ko," sabi niya na nakangiti sa akin. Ako ba ang sinundo niya rito? Pero sino ang nag-utos sa kanya?

"W-what do you m-mean?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa ba obvious? Kita mo naman na wala na ang mga bagahe mo rito. Naroon na lahat sa kotse ko." Sabi niya. Tiningnan ko naman sa gilid at wala na nga ang mga bagahe ko. Shit! Hindi ko napansin 'yon.

"No! Ayokong sumakay sa kotse mo. Magta-taxi na lang ako." Pagmamatigas ko. Baka kung saan pa ako dalhin niyan.

"You have no choice, baby. Nasa kotse ko na ang mga bagahe mo." Nakangiti niyang sabi. Shit! Paano na 'to? Wala nga akong choice kaya padabog akong sumakay sa kotse niya. Inaasar talaga ako nito.

Lord naman. Katatapak ko pa lang ng pilipinas tapos mukha niya kaagad ang sumalubong. Sadya ba ito o aksidente lang? Kanina iniisip ko pa lang siya tapos ngayon nasa harap ko na.

Habang nagba-byahe kami ay hindi kami nag-uusap. Nakatingin lang ako sa labas. Nang makita ko ang dinadaanan namin ay nataranta ako. No! Ayaw ko ng bumalik sa bahay namin.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Sa bahay natin. Why?" Sagot niya.

"No! Kina daddy ako uuwi. Kaya ihinto mo ang kotse. Bababa ako." Utos ko sa kanya. Pero hindi niya sinunod.

"Zeke! Ano ba sabing ihinto mo!" Sigaw ko sa kanya. Pero lalo niya lang binilisan ang pagpapatakbo. Gosh! Natatakot na ako sa sobrang bilis niyang magpatakbo.

Kaya pumikit na lang ako. Maya-maya ay huminto kami sa tapat ng bahay. Wala pa ring pinagbago. Ganon pa rin ang kulay.

Hindi ako bumaba ng kotse. Bahala siya riyan. Ayaw kong tumira ulit sa bahay na 'to. Kasi bumabalik lahat ng alaala nang nakaraan.

"Isa, Allianah. Huwag mong sagarin ang pasensya ko." Pagbabanta niya sa 'kin.

Binuksan niya na kasi ang pinto ng kotse. Bumaba na ako ng kotse at naunang naglakad papasok ng bahay. Bakit hindi man lang ako tumatanggi kapag siya na nagsalita. Dapat nga magagalit ako sa kanya. Pero bakit ganito?

"Allianah, hija, naku namiss kitang bata ka." Salubong ni Manang Tess at niyakap ako. Niyakap ko rin siya.

Namiss ko rin si Manang Tess. Wala kasi siya nang umalis ako rito dati. Dito pa rin pala nagtatrabaho si manang.

"Manang, kumusta po kayo?" Tanong ko.

"Okay lang ako, anak. Ikaw kumusta ka na?" Tanong ni Manang Tess.

"Okay lang din po, manang." Sagot ko. Ngumiti lang si Manang sa akin.

"Let's go." Si Zeke at hinila ako. Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at naunang umakyat sa hagdan. Nasa harap na ako ng kwarto ko nang magsalita siya.

"Hindi na 'yan ang magiging kwarto mo ngayon," sabi niya.

Tumingin ako sa kanya. "Saan?" Tanong ko. Pero paano? Ito dati ang kwarto ko.

"Sa kwarto ko." Sagot niya at hinila ako papasok. Ang hilig talaga manghila.

"Bakit dito? Hindi ko naman kwarto 'to." Mataray kong sabi.

"Dito na ang magiging kwarto mo. Kasama ako." Sabi niya at pumunta sa closet niya.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto niya. Wala ring pinagbago. Black and white pa rin ang kulay. Ang kwarto ko kaya red pa rin kaya ang kulay?

"Pahinga ka muna. May pupuntahan tayo mamaya." Napalingon ako sa likod ko nang magsalita siya. At ang hindi ko inaasahan ay wala siyang t-shirt at naka boxer short lang siya.

Damn! Kitang-kita ko ang six pack abs niya. Erase! Ano ba 'yang pinag-iisip mo Allianah!

"Don't worry, wife. Mahahawakan mo rin 'to mamayang gabi." Naka ngiti niyang sabi sabay kindat.

At dahil alam kong pulang-pula na ako ay tumakbo ako papasok sa banyo. Damn it. Bakit kasi nagkita pa ulit ang landas naming dalawa. Pero galit pa rin ako sa kanya. Hindi ko pa rin siya mapapatawad sa ginawa niya.

May daan naman dito sa banyo papunta sa kwarto ko. Kaya pagkatapos kong maghugas ng katawan ko ay pumunta ako sa kwarto at kumuha ng damit sa closet ko. May mga damit pa pala ako rito. Hindi ko pala nakuha rito nang umalis ako.

Kumuha lang ako ng manipis na white t-shirt at pink na pajama at humiga na sa kama ko. Kakapagod ang araw na 'to.

•••••••


Thank you for reading.

©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2016

Married To The Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon