Chapter 15

24.6K 444 28
                                    


Enjoy reading!

Ezekiel's PoV,

Fuck! Kinabahan ako kanina nang sabihin kong isasama ko siya sa office ko. Baka kasi magalit siya dahil hindi siya papasok ngayon o 'di kaya tanggihan niya ako. Mabuti na lang pumayag siya. At saka may deal kasi kaming dalawa. Susundin niya lahat ng gusto ko. Kaya 'yon lang ang naisip kong paraan.

Ang saya ko kasi makakasama ko siya buong araw. At ngayon, nandito kami ng asawa ko sa office ko. Tambak kasi ang mga files sa table ko kaya kailangan ko 'tong tapusin. Minsan sinusulyapan ko si Allianah kung anong ginagawa niya. Nakita ko siyang naka titig sa 'kin. Bigla akong napangiti.

"Baka matunaw na ako niyan," naka ngiti kong sabi. Bigla naman siyang umiwas ng tingin sa 'kin. I like when she's blushing. She's beautiful.

"You're blushing," naka ngiti kong sabi sa kanya.

"Che! Tumahimik ka nga dyan Mr. Saavedra." Masungit niyang sabi.

"Okay Mrs. Saavedra." Sabi ko sabay kindat. Inirapan niya lang ako.

"Are you hungry?" Tanong ko sa kanya. It's already 11:30 am. Baka gutom na siya. Tumingin siya sa 'kin at tumango. Tumayo ako at hinila siya palabas ng office ko. Mag la-lunch break muna kami. Gutom na rin ako.

Habang naglalakad kami palabas ng company ay may biglang tumawag sa phone ko. Si Paul. Baka ibibigay niya na ang information tungkol doon sa lalaking kasama ni Allianah. Pinauna ko na si Allianah papunta sa parking lot kung saan naka park ang sasakyan.

"Hello?"

"Hello pare, may information na ako tungkol doon sa pinagseselosan mo," sabi niya at tumawa. Tsk!

"What his name?" Tanong ko.

"Ivan Santiago pare, at nag-aaral sa Shin Academy. Sa school ni Allianah 'yon 'di ba? At close raw sila ng asawa mo. At ito pa pare, crush daw 'yon ng asawa mo." Mahabang sabi ni Paul sa 'kin. Crush siya ni Allianah? Fuck!

"Okay pare, thanks for the information," sagot ko.

"Okay welcome pare, bye." Paalam niya.

Binaba ko na ang cellphone ko at naglakad na ako papuntang parking lot. Kailangan kong mag isip ng paraan para mawala ang Ivan na 'yan. He's studied in Shin Academy? I have a share on that school. Kung sine-suwerte ka nga naman! Kalahati ng school ni Allianah ay binili ko noong nalaman kong doon si Allianah nag-aaral. Papatalsikin kita sa school na 'yan Ivan Santiago.

-

Ivan's PoV,

Hi everyone my name is Ivan Santiago. I studied in Shin Academy. Siguro naman kilala niyo si Allianah. Kaklase ko siya. At minsan sabay kaming umuuwi. Pero nagulat ako isang araw sabay kaming pumunta sa parking lot. May isang lalaki na lumapit sa 'kin at bigla na lang hinigit si Allianah sa 'kin. At sinabi niyang asawa niya raw si Allianah. Sayang.

Married To The Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon