Chapter 35

23K 403 1
                                    

  
Enjoy reading!
  

Allianah's PoV,

HAPON na nang magising ako. At dahil gutom na ako ay napag pasyahan kong bumaba na at pumunta sa kusina. Hindi naman kasi ako dinalhan ni Zeke ng pagkain katulad ng sinabi niya kanina.

Kahit kailan talaga napaka sinungaling niya. Nakakapagtaka dahil ang tahimik ng bahay. 'Sira ka talaga Allianah, tatlo lang kayo ang nakatira rito' singit naman ng utak ko. Pero parang hindi ko nakita si Zeke. Nasaan kaya siya? Pagdating ko sa kusina ay nadatnan ko si manang Tess na nagpupunas ng mga plato.

"Magandang hapon po manang Tess," masigla kong bati.

"Magandang hapon din, hija. Kakain ka na ba?" Nakangiting tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot.

"Ito pinabibigay ng asawa mo." Binigay niya sa 'kin ang isang tray na may lamang kanin at ulam.

"K-kay Z-Zeke po galing? Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango lang siya.

"Nasaan po ba siya, manang?" Tanong ko.

"May pinuntahan lang saglit. Nagmamadali nga 'yon kaya sa 'kin na lang iniwan ang pagkain mo." Sagot ni manang.

"Ganon po ba?" Sabi ko.

Bumalik na rin si manang sa pagpunas ng mga plato at ako naman ay inumpisahan na ang pagkain. Saan naman kaya pumunta 'yon? Damn! Bakit ko ba iniisip ang lalaking 'yon? Mas okay nga 'yon para makaalis na ako rito. Kasi alam ko hindi ako papayagang umalis no'n.

Dali-dali kong tinapos ang pagkain ko. Pagkatapos ay nagbihis na ako at kinuha ang maleta ko at lumabas na ng bahay at sumakay sa kotse ko. Pero kapag minamalas ka nga naman. May humarang pang guard sa gate.

"Ma'am, bawal po kayong lumabas sabi ni Sir Zeke." Sabi ng guard. Nak ng tokwa talaga. Kumuha pa talaga siya ng guard para bantayan ako.

"Manong guard saglit lang naman po ako. Babalik din po ako kaagad." Pagsisinungaling ko.

"Pero, ma'am bawal po talaga." Sabi niya ulit. Damn it!

"Manong naman. Saglit lang naman ako. 'Tsaka ako na bahala sa Sir mo," pagpupumilit ko.

"Sige po. Basta saglit lang po ha. Balik po kayo kaagad," napipilitan niyang sabi. Mabait naman pala e.

"Thank you po manong guard. " Nakangiti kong sabi at pinaandar na ang kotse ko. Sorry ka na lang manong guard.

Binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng sasakyan ko. Siguradong nagtataka na ang guard na 'yon kung bakit wala pa ako hanggang ngayon. Baka masundan pa ako.

Naisipan kong doon muna ako sa condo na binigay sa 'kin ni dad.  Kung saan ako dati hinatid ni Ivan matapos kong makita ang paghahalikan ng dalawang haliparot.

Pagdating ko sa condo ko ay umupo ako sa sofa sa sala. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa para tingnan kong may tawag ba o text. Then I saw one message from Zeke.

From: Zeke

Where the hell are you wife? I will find you wherever you are. You're mine remember that.

Bakit niya pa kasi ako pinapabalik sa buhay niya kung may Pauline na siya. Ayaw kong makihati sa pagmamahal niya. Dinala ko na lang ang mga gamit ko sa kwarto ko. Pagkatapos ay naglinis na ako ng katawan at humiga sa kama.

Ezekiel's PoV,

Pagdating ko sa bahay ay sinalubong kaagad ako ng guard na nagbabantay kay Allianah. Yes, I hired security Guard for her. Isa lang naman.

"S-sir s-sorry po talaga. " Nauutal niyang sabi. Anong ibig niyang sabihin?

"Why?" Takang tanong ko.

"S-si Ma'am A-allianah po k-kasi naka t-takas po." What the fuck!

"Damn you! Bakit mo hinayaan na makatakas? Iyon na nga lang trabaho mo hindi mo pa magawa ng maayos!" Galit na sabi ko sa kanya.  Nakayuko lang siya. Paano niya natakasan ang gagong 'to? Nawala lang ako sandali naka takas na siya?

"Sorry po, sir." Nakayuko niyang sabi.

"I don't need your sorry asshole! Find her!" Sigaw ko sa kanya. Dali-dali naman siyang umalis.

Nagmamadali ako kanina kasi tinawagan ako ng daddy niya para raw ako muna ang pansamantalang mag manage ng company nila kasi mag out of town silang mag-asawa ng isang buwan. Pati si Allianah ay pinagbilin sa 'kin. Bukas ng umaga ang alis ng mag-asawa. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinext si Allianah.

To: Wife

Where the hell are you wife? I will find you wherever you are. You're mine remember that.

Pagkatapos kong i-text 'yon ay pumunta ako sa bar counter at kumuha ng alak.
Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi ka na muling tumakas, Allianah. Ayaw kong mawala ka ulit sa 'kin.


•••••••

Thank you for reading.

©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2016

Married To The Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon