Ch2: Ang Aking Tagapagligtas

Start from the beginning
                                    

                “hi-hindi pwede”

                “kita mo na? duwag ka Patrick! Hindi mo magawang ipaglaban ang taong gusto mo! Pwes sabihin mo sakin pano mo maproprotektahan niyan si Maddy ha?!”

                “Hindi…..hindi ko alam”

Binuksan niya yung pinto ng clinic at sabay turo sa labas

                “Kung hindi mo siya kayang ipaglaban, makakaalis ka na……..sa buhay niya”

Tinignan ko si Maddy, ganun na lang ba yun? Simula pa lang ba wala na talaga? Talo na agad ako? bakit kasi ang duwag ko? hindi ko siya magawang ipaglaban

lumabas na ko ng clinic at sabay tingin kay Jake

                “hangga’t wala ka pang kakayahan para ipaglaban siya, ako muna ang magproprotekta sakanya, pero pag nahulog ang loob niya sa iba…….walang sisihan pre”

Tumango nalang ako sa mga sinabi ni Jake at naglakad na ko palayo. Ipagkakatiwala muna kita kay Jake pero pag naayos ko na ang lahat babawiin kita sakanya. Pangako Maddy….

Maddy’s POV

Araayy. Ang sakit ng ulo ko, pati yung mga kamay at paa ko. kitang kita yung bakat ng lubid sa mga ito at namumula pa, ang sakit talaga.

Teka! Nasan ako? inikot ko yung mga mata ko para tignan yung paligid..ahh.. nasa clinic..nakita ko naman si Jake na natutulog sa may kabilang kama.

Pagtingin ko sa labas. Shocks! Gabi na! tinignan ko yung orasan para malaman kung anong oras na. 7:30 na. 30 minutes nalang isasara na yung gate ng school.

Bumangon ako at ginising ko si Jake kaso pagkahawak ko sakanya ang init niya, sobrang init niya at muka siyang nilalamig.

                “HALA! Anong gagawin ko?! WOOOH! Wag kang magpanic Maddy! BAWAL MAGPANIC!”

Kinuha ko yung biogesic sa medicine cabinet kumuha narin ako ng tubig mula sa dispenser, ginising ko siya at pinainom sakanya yung gamot. Hindi lang pala si Patrick ang may mabuting puso dito. Marami pa palang iba.  

                “Hoy. Ayos makatitig ha?”

                “Ay so-sorry….ah..Jake…thank you ulit ha?”

                “Wala yun, salamat pala sa gamot”

Ngumiti lang ako sakanya at tumango. Nagkaroon pagkatapos ng katahimikan..ISANG KATAHIMIKAN! AWKWAAARD!

                “ah maddy…..geometry ka ba?”

                “eh?”

                “bayan! Ang KJ! Sabihin mo “BAKIT?” hindi ka ba nanunuod ng TV? tss”

                “Ayy. Sorry Jake. Sige sige.. bakit?”

                “Kahit anong kasing angle ang cute mo eh”

Nanlaki pareho yung mata ko, iniwas ko yun tingin ko sakanya kasi alam kong namumula ako. eto yung unang beses na sabihan ako ng isang lalaki na cute ako. >//////////<

                “ahh maddy mahilig ka ba sa asukal?”

Hindi pa rin ako makatingin ng diretso sakanya. Nakakainis naman kasi…eto ata yung tinatawag sa tv na mga banat kaso bakit parang kinikilig ako? halalala.. nakoo Maddy nagiging malandi ka na ha. Bad Maddy!

                “hi-hi-hindi…ba-bakit?”

                “ang tamis kasi ng ngiti mo eh”

OH.EM.JI! kinikilig ako! shocks! First time kong maranasan ang ganitong KV! As in kilig vibes! Shockss!!

Pagtingin ko kay Jake nakangiti naman siya. Yung ngiti na pag tinignan mo maiinlove ka. Yung pang heartthrob ba. kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang mapangiti na rin sakanya.

                “AYAN SA WAKAS! BUTI NAMAN AT NGUMITI KA DIN MADDY!!”

                “eh? Huh?”

                “lagi ka nalang kasi nakasimangot. Ngumiti ka naman. Alam mo ba na maraming gusting makipag-kaibigan sayo kaso natatakot sila kay Chelsea kasi baka madamay sila….oh…nakasimangot ka nanaman diyan? Wag kang mag-alala simula bukas ipapakilala ko sayo yung mga gusto kang maging friends”

Nagulat naman ako sa mga sinasabi niya. Friends daw? May kung anong saya akong naramdaman..naguumapaw yun sa sobrang saya ko.

                “Sa-sa-salamat talaga Jake”

                “Oh bakit ka naiyak diyan?”

Pinunasan ko yung mga mata ko. oo nga umiiyak nga ako. pero hindi dahil malungkot ako kung hindi dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko. ngumiti lang ako sakanya.

Hindi ko kasi alam kung paano ko maeexplain sakanya yung nararamdaman ko. words can’t tell how happy I am right now.

Inalalayan ko si Jake na tumayo, kahit paano hindi na siya ganun kainit tulad kanina. Naghintay kami ng taxi sa may tapat ng school para makauwi siya, gusto pa nga niya ako sumabay kaso sabi ko wag na. malapit lang naman kasi yung bahay naming sa school.

Magkatabi lang kasi yung village naming at yung school na pinapasukan ko kaya naglalakad nalang ako.

Hanggang pagdating ko ng bahay nakangiti pa rin ako. excited na ko bukas. Parang feeling ko, first day ko palang sa school bukas. Hindi na ko makapaghintay na mameet sila. \(>.<)/

Her Secret BoyfriendWhere stories live. Discover now