39- The Drunkard

123K 3.5K 529
                                    




Ayaw paawat ni Melvin sa pagtagay sa aking baso. Ayaw ko mang sabayan siya sa pag-inom pero hindi ko siya kayang iwanan matapos ang walang kaabog-abog na ginawang rebelasyon ni Anya. Kailangan kong ikondisyon ang aking kaibigan upang matiyak na ligtas sa kanya ang aming sekreto.

"Ibig mong sabihin bro. Ang babaeng una mong minahal na hindi matanggal-tanggal sa puso mo at hindi mo magawang ipagpalit kahit kanino pang chicks... ay si Anya Tejero?" Namumungay ng salita niya.

"Yes Bro. Pasensiya ka na kung pinaglihiman kita," medyo may pagkamalumanay na sagot ko.

Tumawa siya at napapalo sa kanyang hita. "Kaya naman pala! Mahirap naman talagang maghanap ng babaeng hihigit pa sa kanya."His cheeks gone redder. "Pero pare aaminin ko dun palang sa babaeng nagpakilalang Annie malakas na ang pakiramdam kong may tinatago kayo. Nagdududa na akong siya talaga si Anya Tejero. Kaya lang posible na imposible."

"Sorry bro kung nadisappoint kita. I know how much you admire Anya. Isa rin siguro yun sa dahilan kung ba't di ko mabanggit banggit sayo ang tungkol sa amin," salita ko pagkatapos niya ulit lagyan ng alak ang baso ko. Tinatamaan na rin ako. Malapit na naming maubos ang isang Johnnie Walker. Binibilisan ko na rin ang pag-inom upang matapos na at maasikaso ko na si Anya. Kung kelan gustong-gusto ko siyang masolo saka naman maiipit sa ganito.

He burst out laughing again but slowly shifted into crying. Humawak pa siya sa kanyang puso. He was totally drunk this time. "Lander, parekoy, masakit eh... masakit! Ang tagal kong pinangarap yan si Anya." Dinuro niya ako. "Pero alam mo pare kung ano ang mas masakit? Yung hinayaan mo akong pagpantasyahan ang babaeng mahal ng kaibigan ko!"

Hindi ako nakapagsalita. I was somehow moved by what he just said.

"Alam ko kilala mo akong babaero. Pero pare kahit ganito ako, hindi ako tumatalo ng kaibigan kahit sa isang Anya Tejero pa...Kung si Anya ay kay Lander, kay Lander siya...at hindi para kay Melvin!"

We toasted.

"Salamat pare," ngiti ko.

"Proud ako! Proud na proud ako sayo! Putsa napataob mo yung mga kagaya ng Hayward Cruz na yan! Wala sila sa kaibigan kong si Lander!"

"Thank you pare." I appreciated his effort to make me feel comfortable. Alam kong kahit papaano may pait pa rin sa kanyang dala ang nadiskubre pero sinusubukan niyang iparamdam sa akin na okay lang ang lahat. Kahit marami kaming pinagkaiba ni Melvin sa ibang bagay, our friendship remained intact because he was really a good friend in lot of aspects.

Tumitig siya sa akin. "Pero kahit proud ako, hindi ko ipagsasabi. Irerespeto ko pa rin ang privacy niyo. Salamat at pinagkatiwala mong ipaalam sa akin ang totoo sa inyo ni Anya."

I chuckled. It was a combination of relief and flattery. That's what I was waiting , ang manggaling mismo sa bibig niya na safe sa kanya ang impormasyong nalaman. The conversation was getting fun hanggang sa unti-unti kong nakalimutang hinihintay pala ako ng asawa ko. We opened another bottle of brandy and shared non-stop stories.

"Love matagal ka pa ba?" biglang sulpot ni Anya.

Nakahalukipkip siya sa tabi ko nang may nababagot na mukha. "Malapit na love. Ubusin lang namin to. This is the last."

Nakita ko si Melvin na nakatanga habang nai-starstruck sa asawa ko. "Pumasok ka na sa loob," matigas na utos ko.

"No. I'll stay here babantayan na kita baka magbukas na naman kayo ng bagong alak."

Melvin couldn't take his eyes off her.

"I said this is the last." I firmly said.

"I don't believe you anymore!" she insisted.

The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now