31- All You Need Is Not Fame

159K 4.5K 647
                                    


I wanted to burst into tears after talking to Lander. Ang akala ko ay tuloy na tuloy na ang paghiyaw ko sa tuwa yun pala ay mapapasigaw ako sa sama ng loob sa bandang dulo. Partially I understand his reason kung bakit hindi siya matutuloy sa pagdalaw but I still couldn't help not to be disappointed. Why does he have to be so seriously focused on the plan? Di ba kami pwedeng magnakaw ng kahit saglit na kaligayahan? Argh! Minsan may disadvantage din ang masyadong maprinsipyo at righteous na karelasyon!

Ibinato ko ang telepono sa kama. Nahiga ako nang maya't mayang napapasipa sa inis. Ang dami ko pa namang plano. Pagkapack-up sa photoshoot ay dumiretso agad ako sa supermarket para mamili ng stock ng mga paborito niyang pagkain. I was too excited to cook for him again. Mag-isa kong binitbit lahat ng mga pinamili ko tapos pagdating dito sa bahay ay matatanggap ko ang tawag niyang pupunta na lang siya ng Manila kapag schedule na ng aming unang hearing.

He'll be busy with his lawyer reviewing the grounds for petition. Sumang-ayon naman siya sa phsycological incapacity. I really feel guilty for charging him with this ground but I have to follow my lawyer's advice. Though I asked Lander about his opinion on the case, he refused to answer. He didn't want to discuss any details of refutal. He believes that we are enemies when it comes to this matter. Kailangan namin itong  itanim sa isipan sa umpisa pa lamang ng proseso upang pagdating sa korte ay maging makatotohanan ang lahat.

He was very apologetic nung ipinapaalam niya sa aking hindi matutuloy ang pagbisita niya but when he started mentioning about the annulment, his voice became firmer and determine. Naiinis din naman ako sa sarili ko sapagkat hindi ko naiparamdam ang aking pagkadismaya. I still tried acting cool. Malambing pa rin ang mga sagot ko sa kanya kahit tinutusok na ng daang daang mga karayom ang dibdib ko. How could I show him my anger kung alam ko namang ang lahat ng pinagdadaanan namin ngayon ay dahil sa akin? I hate myself. Despite knowing these facts, my heart is still whining like a child.

My handphone rang. It was Lander again. I pouted and just stared at the mobile. Ayoko siyang sagutin. Kung hindi ko maipahiwatig ang inis ko kapag kausap ko siya, siguro sa paraang ito ay mararamdaman niya na. May phone kept ringing pero tiniis ko talaga ang mga tawag niya. He also called skype but I quickly went offline. Though his decision is always been for my sake pero hindi ba siya pwedeng gumawa ng extra effort para madalaw ako? Pag gusto may paraan naman di ba? Palibhasa sa aming dalawa parang ako na lang parati ang nagdidemand ng atensyon! Ang galing niya kasing magpigil ng nararamdaman niya pero paano naman akong hirap na hirap labanan ang kagustuhan ng puso?

Tonight I'll ignore him. Nagtatampo ako. Period.

He didn't stop calling. Ang ginawa ko ay inalis ko ang sound ng aking telepono. Sinadya kong huwag itong patayin upang maramdaman niyang ayoko lang talaga siyang sagutin. Maybe when he realized that I'm angry, baka sakaling magbago ang desisyon niya kinabukasan.

I successfully controlled myself from the great desire of hearing his voice. Nakatulugan ko na lamang ito at nang magising ako'y ang cellphone agad ang aking inatupag. I have thirty three miscalls. Ngumiwi ako nang wala man lamang natanggap ni isang text sa kanya. He could have just sent me a message of what he had to say. A simple sentence perhaps na nagbago na ang isip niya at tutuloy na lang muna siya ng Maynila. Pero wala ni isa mang letra! That's how hard hearted he is!

Nakasimangot akong bumangon at mabibigat ang mga yabag na tumungong kusina. Naabutan ko si Violet na nagkakape at maganang ngumunguya ng toasted bread.

"Good morning!"

I ignored her greetings. Dumiretso ako sa ref para kumuha ng malamig na tubig, baka sakaling lumamig din ang ulo ko. Muli na namang umatake ang kirot sa aking dibdib nang makita ang aking mga pinamiling pagkain.

The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now