6 - The Things You Owe

141K 4K 539
                                    

Naalimpungatan ako sa sunud-sunod na tawag sa aking cellphone. Pagmulat ko'y tumama sa aking mukha ang sikat ng araw. Muli akong napapikit at nakadapang sumubsob sa unan. Kinapa ko ang aking maingay na telepono.


"Hello," antok na antok pang sagot ko.


"Ma'am Anya ba't ganyan ang boses niyo? Parang nanggaling sa hukay! May masama bang nangyari sa inyo? Ano na? nasaan ka na?!!!! Bakit mo ako pinatayan ng cellphone?! Alam mo bang muntik na akong  magpadala ng SOCO diyan!"


"Andito pa ako kina Lander," nakapikit na sagot ko.


"Ba't andiyan ka pa?!!! Anong petsa na akala ko ba mapapapirma mo rin siya kaagad?!!!"


Biglang nagising ang aking diwa nang marinig ang salitang pirma. Dali-dali akong nag-angat ng mukha at pinutol ang tawag. Napalingon ako sa bintana. Tirik na tirik na ang sikat ng araw. Tumingin ako sa oras, pasado alas diyes na ng umaga.


"Shit!" agad akong bumangon.


Madaliang tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Kinuskos ko ang aking mga mata. Nagtali ng buhok at tumungo sa banyo para magsipilyo.

Pagkatapos makapag-ayos ng bahagya sa sarili ay nagmamadali akong bumaba.


"Lander!" tawag ko.


Naabutan ko si Maureen sa kusina. "Nasaan si Lander?" nagmamadaling tanong ko sa kanya.


"Nasa kiskisan."


"Did he left some papers?"


"A-Anong papers?"


Napaisip ako. Bakit nga naman iiwanan ng lalaking yun sa kinakasama niya ang annulment niya sa ibang babae?


"Nevermind," sambit ko.


"Mommy sino siya?"


Napalingon ako sa pinagmulan ng boses. Saka ko lamang napansin na meron palang batang lalaking nakaupo sa mesa't kumakain. Wait what did he call her, Mommy?


"S-Si Tita Anya,"may ngiting sagot ni Maureen.


"Your son?" tanong ko.


She nodded.


"How old is he?"


"I'm five years old!" kusang sagot ng bata.


Napangiti ako. "What's your name cutie?"


"Harvey!"


"Hi Harvey!"


The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now