20- Behind His Door

141K 4.5K 482
                                    


Ang lakas ng aking hang over. Nakapagbabad na ako sa shower ng halos isang oras pero nanunuot pa rin ang sakit ng aking ulo. Kung pwede lang bumalik sa higaan ay gagawin ko ngunit kailangan kong magtrabaho. I need to supervise my people. Ang mga yun kasi kapag matagal-tagal mong pinabayaan, masyado nang nagrerelax  lalong-lalo na ang mga naka-assign sa koprahan.

Napasarap kami ni Melvin ng inom kagabi. Di ko namalayan kung anong oras kami natapos pero tiyak kong madaling araw na. Naubos namin ang isang malaking Johny Walker. Bukod dun ay nalimas pa ata ang mga stock kong beers sa ref. Nalasing ako ng matindi. Ang mga huling natatandaan ko ay inalalayan pa ako ni Anya paakyat ng hagdan.

Tsk. Thinking about that woman, she proved herself right. Magaling na ngang kumilatis ng lalaki. I was impressed on how she smartly rejected my friend. Kaya ayun tuloy ginanahang uminom yung tao. 

Napapangiti ako habang nagbibihis. 

Kahit may hangover, maganda pa rin ang araw ko. I feel proud of that woman.Slowly, I'm starting to witness her strengths. Unti-unti na akong naniniwalang kaya niyang pangalagaan ang sarili sa anumang sitwasyon. Kunsabagay, she wouldn't be in her shoes now kung hindi siya madiskarte't magaling. Pero iba pa rin sa pakiramdam na personal mong nasasaksihan ang mga positive sides niya. It gives different level of placidity thinking that she'll be fine wherever she goes.

Lumabas ako ng kuwarto. 

Pababa pa lang ako ng hagdan ay naamoy ko na ang niluluto ni Anya. Amoy pa lang ay tila naibsan na ang pananakit ng ulo ko. Naabutan ko siya sa kusina na nakaharap sa stove at seryoso sa paghahalo.

"Bango ah," komento ko.

Nilingon niya ako nang may maaliwalas na mukha.

"Good morning!" she greeted with a wide smile.

"Good morning," medyo garalgal pa ang boses na sagot ko. Tumikhim ako at diretsong inom agad ng tubig. Nakadalawang magkasunod na baso ako sa tindi ng panunuyo ng aking lalamunan.

"Huwag ka ng magcoffee, I made you a hangover soup," wika ni Anya. "Maupo ka na, sandaling-sandali na lang ito," nguso niya sa mesa.

Nakahanda na ang almusal maliban sa niluluto niya. Pagkaupo ko'y kasunod niya nang inilapag sa harap ko ang mangkong ng sopas.

"Try it. Effective na pantanggal sa sakit ng ulo yan," komento niya nang mapansing medyo pinag-aaralan ko muna kung anong klaseng soup ba ang ginawa niya. "Don't worry, hindi nakakalason yan," biro niya sabay upo sa tabi ko.

"Ano bang mga halo nito?" usisa ko.

"Tsk. Huwag ka ng maraming tanong." She grabbed the spoon from my hand and gently scooped the soup. Walang pag-aatubiling itinapat niya ang kutsara sa aking bibig. "Try it," nakangiting saad niya nang may namimilog na mga mata.

Bigla akong natigilan. Napatitig ako sa kanya habang nakangiti lamang siya sa akin. It definitely moved me. Subalit sa bawat araw na nagpapamalas siya ng kakaibang pag-aasikaso, I always wonder how long her sweetness could last. I wanted to enjoy it as much as I could pero ayokong masanay baka pag-alis niya ay isa na ito sa mga bagay na hanap-hanapin ko. 

I'm glad that we're comfortable with each other but I'm not at ease of being extra comfortable. Emotions are like business. You must not invest more than what you can gain.

"Nangangalay na ang kamay ko. Kakainin mo ba ito o hindi?" she pouted.

Asiwang tinanggap ko ang subo niya.

"Aw! Ang anghang!" napapapikit na bulalas ko. Biglang naglaho ang kaseryosohan ko sa pag-iisip. Napainom agad ako ng tubig. "Ilang dosenang siling labuyo ba ang hinalo mo diyan?"bumubuga ng hingang sabi ko.

The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now