29- Heading Back to Spotlight

133K 3.4K 252
                                    


Naalimpungatan ako nang parang may bumubulong-bulong sa aking tabi. Pagmulat ko ay nakita ko si Violet na nakaupo sa gilid ng kama, nagsasalita nang mahina't tila may kinakausap. Napakunot ako ng noo. Nang makita niyang gising na ako ay bigla niyang nilakasan ang boses.

"Sir Lander, gising na ang reyna niyo!"

Bigla akong napabalikwas ng upo. Si Lander? He has to go to work and I still need to prepare his breakfast!  Anong oras na ba?!

Kumurap ako nang ilang ulit at kinusot ng kamay ang aking mga mata. Saka ko lamang narealize na nasa sariling kuwarto na pala ako. "Sinong kausap mo?" taka ko kay Violet na nakahalukipkip habang tinitingnan ako. She pointed her lips to my right side.

Naalala kong naiwan ko nga palang bukas ang aking laptop. Tumingin ako sa aking kanan at nakita ang nakangiting mukha ng aking mahal. He looked like he was ready to leave for work. 

Dumapa ako sa kama at inilapit ang aking mukha sa laptop. I greeted him with a wide smile. "Good morning!"

"Good morning!"

 "Good boy you really didn't drop the call," saad ko.

"Yeah I enjoyed hearing your snore," he teased.

"Uy hindi ako humihilik ha!" tanggi ko agad.

"Anong hindi?! Ma'am Anya kanina lang dinig na dinig ko," singit ni Violet.

"See? I've got a witnessed there," he said.

"Totoo? Seryoso?" maamong tanong ko kay Violet.

"Oo nga! Hayaan mo next time ire-record ko!" she answered.

Muli akong tumingin sa monitor at ngumuso. "Well... I'm not embarrassed at all. Kung totoo man yan e di matagal mo nang alam yan... Nagbreakfast ka na ba?"

"Yap. I'm about to leave. Hinintay ko lang na magising ka so I can greet you a wonderful morning."

"Makita lang kita sa umaga, wonderful na ang buong araw ko." Kinikilig na sagot ko. Considering na nakabukas lang pareho ang video namin buong magdamag, para na rin lang kaming magkasamang natulog.

"I have to go. Let's talk again later," paalam niya.

"Okay," masiglang tugon ko.

"Have your breakfast now," pahabol na bilin niya.

"Okay."

"Bye."

"Wait! Wait! May nakakalimutan ka!" pigil ko.

He smiled. "Makakalimutan ko ba naman yun... I love you!" He gave me a flying kiss.

"Eh ayoko ng flying kiss lang." I pouted my lips to the monitor.

"Eto na po," lumapit siya camera at paulit-ulit na humalik.

I copied what he did and kissed the screen many times. "I love you," I said giggling.

"Okay na po ba? Pwede na ba akong pumunta sa trabaho?" he asked with a naughty smirk.

I nodded. "Have a great day! Ingat ka!"

"You too. Have a nice day! Bye!"

I didn't stop waving until he ended the call. Ngingiti-ngiting pinatay ko ang laptop. Nang lumingon ako sa aking kasama ay nahuli ko itong nakataas ang isang kilay habang ngunguso-nguso.

"O bakit na naman?!" sungit ko.

"Pahalik-halik pa kayo sa screen! Ano yan Aldub lang ang peg? Bat di ka mag-dubsmash para todo na?!"

The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now