17- Troubled Hearts

131K 4.3K 359
                                    

I'm quietly digging into my vegetable salad while gracefully sipping my wine from time to time. Mag-isa lang ako sa table. Lander left me all by myself matapos may bigla na lamang sumulpot na babae sa table namin at pumulupot sa kanya.

Nagpakilala itong si Blanca, a younger cousin of Melvin. Sa wari ko'y mga nasa early twenties pa lamang ito. She bravely admitted in my face na patay na patay siya kay Lander at matagal niya na itong inaasam-asam maging boyfriend. Kasabay ng paglalandi niya ay malugod din naman siyang nakipag-usap sa akin na obvious na nagpapalakas ng papel sa paniniwalang pinsan nga ako ni Lander. She expressed her embarrassment and apologized for her behavior, admitting na hindi niya mapigilang huwag lapitan ang lalaki kapag nakikita niya ito.

Nahiya pa siya sa lagay na yun ha! Desperada ang peg para lang mapansin. Ito namang si Lander ay halatang nahiya rin sa asal ng dalaga kaya kusa na lamang itong sumama sa table nito kesa maasiwa na sa tabi ko nakikipaghuntahan. Bakas sa mukha na napipilitan lamang siyang sakyan ang babae in consideration to the fact na pamangkin ito ng gobernador at malapit na pinsan ng kanyang kaibigan. Mabait naman si Gov. Lim pero baki parang lumihis yata ang pag-uugali ng iba niyang kapamilya?

Ninanakawan ko ng sulyap ang dalawa. Hanep din itong si Blanca kung makakapit at ipakilala si Lander sa mga kaibigan, akala mo ay boyfriend niya na ang pinapakilala.

Sa una ay maluwag sa aking pakiramdam ang pakikihalubilo ni Lander sa umpukan ng mga kababaihan. Naintindihan ko na na kabastusan naman kung ipagtabuyan at tanggihan niya si Blanca. Pero habang tumatagal ay nakakaramdam na ako ng pagkairita na may kasamang pagkainip.

Akala ko ay sandali lamang siya doon pero tila natatagalan na ata. Magkakalahating oras na akong mag-isa dito. Lalo akong nabwisit nang mahuli ko pa siyang nakikitawa sa maharot niyang kasama. Aba teka! Napipilitan nga lang ba ito?

Nagtitimping tinitigan ko ang mga gulay sa aking pinggan. Pagkuway gigil na tinusok ko ito ng tinidor. Nakalimutan na yata ng mokong na may kasama siya!

"Are you bored?"

Napaangat ako ng mukha. I saw Melvin standing beside the table.

I responded with a fake smile. "N-Not really, "mahinhing sagot ko nang may kaunting pag-iba sa aking boses.

"Would you mind if I join you?" may ngiting sabi nito.

"S-Sure," walang magawang sagot ko.

Naupo siya. He was holding a bottle of wine and poured some into my empty glass.

"I noticed you like this wine kaya nagdala na ako ng isang bote para di ka na maya't mayang humihingi sa waiter," aniya.

"Err... t-thank you," kiming sambit ko.

He leaned comfortably on the chair at tinitigan niya ako ng ilang saglit nang nakahalukipkip. "Kanina pa kita pinagmamasdan. Your facial expressions and some of your movements are really very similar to Anya. Even the way you sip your wine is as elegant as hers."

"T-Talaga? M-Madalas ko ngang naririnig yan na kamukha ko siya," kabadong bigkas ko. "Pero hindi talaga ako siya!" I suddenly exclaimed with wider eyes.

Melvin laughed. "Of course you're not her." He stared at my clothes. "Anya Tejero is a very stylish woman. She'll definitely won't wear clothes like that in a party. No offense meant," tarantang bawi niya. "I'm not saying that you have awful style. Magkaiba lang kayo. Yes, magkamukha kayo, in fact you could pass as her twin but I believe you two has total opposite personalities. And plus the fact na impossibleng magkakilala sila ng kaibigan kong si Lander."

I gave him a wry smile. But deep inside I felt a great relief.

"Mukhang kilalang-kilala mo si Anya ah," kunway pabirong sabi ko.

The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now