9- It Takes A Man And A Woman

136K 3.9K 205
                                    


It's all about his ego!

Akala niya hindi ko alam na ginagawa niya ang lahat ng ito para makapaghiganti. Gusto niya lang akong pahirapan. Pero sige okay lang! Sasakyan ko anuman ang gusto niya pasasaan ba't bibigay din siya. 

That guy was unbelievable! How could he think of getting revenge? Sa palagay niya siguro ay siya lang ang nasaktan sa aming dalawa? Wala siyang alam sa mga pinagdaanan ko bago ko siya nakalimutan! Sabi nga nila ang first love ang pinakamahirap burahin pero nagawa ko yun. At nagawa ko yun ng walang natitirang bitterness sa aking puso!

"Miss Anya nakikinig ba kayo?"

Napatingin ako kay Maureen. Patay malisyang inikot ko sa aking daliri ang dulo ng aking buhok.

"W-What were you saying?" pilit ang ngiting sabi ko.

She was touring me around the house and I couldn't just tell her that there was no need for that because the whole place was still very familiar to me. Pinapakuwento ko sa kanya ang routine niya dito. Naninimbang pa rin ako kung kailangan ko bang gawin ang ilan sa mga bagay na ginagawa niya. Tutal andiyan pa rin naman si Maureen para magtrabaho sa bahay, I guess my presence alone was already enough to show Lander that I was sacrificing my precious break for him.

"Sabi ko, sa umaga ay alas siyete nag-uumpisang magtrabaho si Lander. Dapat alas sais pa lang ay nakahanda na yung almusal niya. Gusto niya heavy breakfast."

"Okay," tipid na sagot ko.

"Ayaw niya rin ng maalikabok ang bahay-"

"Me too," sabat ko.

"Kaya lagi kong pinupunasan ang mga gamit at winawalisan itong buong bahay."

Napakunot ako ng noo. "Is he treating you like a slave just because your husband is not around anymore?"

Tumawa siya ng mahina. "Hindi naman. Sa totoo lang bibihira niya akong utusan kaso kapag nakakakita siya ng dumi siya na mismo ang naglilinis. Pagod na siya sa pagtatrabaho sa labas kaya iniiwasan kong may gawin pa rin siya dito sa bahay."

"Oh I see."

Huminto kami sa tapat ng isang nakasaradong pintuan. It's the master bedroom formerly occupied by my grandparents.

"Eto yung kuwarto niya. Simula nang tumira ulit siya dito, walang ibang pwedeng pumasok diyan maliban kay Harvey. Masyado kasing pribadong tao si Lander. Di siya komportableng pinapakialaman ang mga personal na gamit niya. Kung kukuha ng labada, sasabihin sa kanya ng mas maaga para mailabas niya. Eto din lang ang parte sa bahay na hindi ko pwedeng linisin. "

"Well mabuti naman kung ganun at least kabawasan yan sa trabaho mo dito," komento ko.

Maureen halted and looked at my clothes.

"Miss Anya mga ilang araw pa ba kayo magtatagal dito?"

"W-Well..." I ran my fingers through my hair. "...siguro pinakamatagal na yung isang linggo. Bakit?"

"Meron ka pa bang gagamiting mga damit?"

Napaisip ako. Isang ekstrang outfit na lang ang natitira sa baon kong mga gamit. "M-Meron pa naman. But in case kulangin, I saw from my old room na may mga damit pa naman ako doon. Wala naman pinagbago ang katawan ko kaya malamang kasya pa rin ang mga yun sa akin."

"Pag kailangan niyo ng pambahay sabihin niyo lang sa akin. Pahihiramin ko kayo."

I looked at her get up. "Thank you." But no.

Firstly, I don't wear old fashioned outfit. Pangalawa, hinding-hindi ako gumagamit ng damit na isinuot na ng iba.

Maureen brought me to the kitchen. She opened the refregirator. Marami itong stock ng pagkain but mostly foods that I don't always encounter.

The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now