7- Pride and Paris

136K 4K 219
                                    


Tumingala ako upang pigilan ang mga luhang gustung-gusto nang tumulo.


He's worse than a beast! How could he talk to a woman that way?!


Nanginginig ang mga kalamnan ko sa galit. May ideya ba siya kung sino ang sinisigawan niya?! No one ever treated me like this before! Not even my family. But there he is, a nobody who freely yelled at me without even an amount of hesitation.


Di maibsan ang galit na humakbang ako papaalis. Ngunit natigilan ako nang mapansin kong tahimik na nakatayo lang pala si Maureen sa isang tabi. Guilt is all over her face. She must have heard everything.


Napangisi ako.


"Did you enjoy the show?" sarkastikong tanong ko. "Your man is ridiculous. Saying nonsense and stupid things even in front of her woman."


"M-Miss Anya-"


I didn't let her finish her words. Malalaki ang hakbang na naglakad ako pabalik ng sasakyan. Ibinulagsak ko ang pinto nito. Pagkaupo ko'y agad akong pumikit at paulit-ulit na huminga ng malalim. My teeth are still grinding in anger.


Nanginginig ang mga kamay na pinihit ko ang susian. When I'm about to step on the gas, biglang nagbukas ang kabilang pintuan. Nagulat ako nang basta na lamang sumakay si Maureen at naupo sa aking tabi.


"What are you doing here?" I asked with a very unwelcoming voice.


Tumungo siya at kiming pinagdikit ang mga kamay."Miss Anya... alam kong malaki ang posibilidad na baka hindi na tayo magkita ulit...kung kaya't sasamantalahin ko na ang pagkakataong ito na humingi ng tawad sa pagkakamaling nagawa ko-"


I laughed sarcastically. "Wala kang dapat ihingi ng tawad. In fact, ako pa nga ang dapat magpasalamat. If not for you, maybe I won't be who I am now."


"D-Di ako umaasang patawarin mo agad..." malumanay na wika niya. "Pero tungkol kay Lander, sana mawala na ang galit mo sa kanya. Nagkakamali ka ng iniisip tungkol sa kanya. Hindi siya masamang lalaki."


Tumaas ang isa kong kilay. "Of course you're here to defend him. Get out. I need to leave now. Kalahating araw pa ang ipagmamaneho ko."


Maamong tumingin siya sa akin. "Wala kaming relasyon ni Lander," mabilis na sabi niya.


Bigla akong natahimik. I looked her in the eyes but eventually I chuckled. "Sa tingin mo maniniwala ako? May anak kayo, nagsasama sa isang bahay tapos ngayon sasabihin mo wala kayong relasyon?"


She shook her head. "Hindi anak ni Lander si Harvey."


My brows furrowed.


"P-Patay na ang tatay ni Harvey."


Natahimik ako. I felt sorry to the kid for a while.


The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now