21- Listen To His Heart

137K 4.6K 521
                                    


It's 9:05 in the evening. Lander isn't home yet.

Limang minuto pa lang naman ang pinaghihintay ko pero di na ako mapakali. Ayaw kumalma ng aking dibdib habang nagkakandahaba-haba ang leeg ko sa kakasilip sa bintana at katatanaw sa gate.

Nagpaalam siyang gagabihin sapagkat dadalawin niya sa bahay ang isang tauhang nagkasakit. Originally, he said he'd be home by seven pero pinilit siyang doon na maghapunan kaya muli niya akong tinawagan to have dinner by myself.

Lumingon ako sa dining table. Regarless sa lakad niya ngayong gabi, I still prepared something. Sliced fruits and roasted chicken. A bottle of wine with two glasses.

Ngayong gabi, napagdesisyunan kong kausapin na siya nang masinsinan tungkol sa bagay na aking natuklasan.

He's keeping videos of my shows from the first episode up to the last one. Magazines and prints that have my name on it.

Pinalipas ko ang dalawang araw na nagtitiyaga lamang sa walang katapusang mga haka-haka. I originally planned to ignore it. Just live my remaining days here as if everything would work normal. Pero sa bawat oras na dumadaan, nagbabanta ng pagsabog ang aking dibdib. Everytime I look at him, his eyes instantly connects me to his heart.

The more I ignore, the harder I fall.

Now, I want to dig out the remaining secrets inside his heart. Nakahanda na akong pakinggan ang mga bagay-bagay na mas pinili niyang sarilinin ng mahabang panahon.

Napaiktad ako nang makarinig ng ugong ng sasakyan.

Lumakas ang tahip ng aking dibdib nang maaninag ang ilaw ng paparating sa sasakyan. Medyo nataranta ako. Nagmamadaling inayos ko ang aking damit. I dressed up a bit for the night.

"Hi!" bati ko nang pinagbuksan si Lander ng pintuan. I smiled sweetly in a way that he couldn't notice my uneasiness.

"Hi," he answered in huskiness.

Natigilan siya at napatingin sa aking hitsura. But instead of giving any comment, itinuloy niya ang pagpasok sa loob ng bahay. Muli siyang napahinto nang mapadako sa kusina. Kunot noong tiningnan niya ang dining table sabay lingon niya sa akin.

"Anong meron?" diretsong tanong niya.

"Happy Monthsary!" masayang bigkas ko nang may ngiting abot-tenga.

"M-Monthsary?! What are you talking about?"

"Monthsary! Hindi mo ba natatandaan? Ngayon ang pang-isang buwan ko dito. We're living together for one whole month already. So let's celebrate!" I exclaimed in excitement.

Tumahimik siya ng ilang saglit at tumitig sa mesa. Unti-unti siyang napangisi. "Is that something to be celebrated by you? Hindi ba dapat ay parusa para sayo ang pagtira mo dito?"

"Ikaw naman!" sabay hampas ko nang marahan sa hangin. "That's a thing of the past. Kalimutan na natin ang hindi magandang umpisa ng muli nating pagkikita. There's still a reason to celebrate, yung unti-unting pagbalik ng magandang turingan natin sa isa't isa. Kasama na yung pagkawala ng mga misunderstandings natin."

Napalunok siya. Bakas ang pag-aalinlangan sa mukha.

"Sige na samahan mo na ako. I'm a person who loves to celebrate even simple things like this," napapangusong lambing ko.

Nag-isip siya ng ilang sandali sabay buntong-hininga ng malalim. "Okay. Give me minutes to tidy up myself."

My eyes quickly sparked. "Okay! I'll wait here!"

Pagkaakyat niya ay nagmadali muna akong humarap sa salamin. Mabilisan akong nag-retouch ng makeup. Inayos ko ulit ang mesa. Inilagay ko muna dito ang fresh flowers na nasa sala. Maganda rin sanang lagyan ng mga kandila kaso baka somobra naman yung dating sa kanya.

The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now