4- This Is My Territory

136K 4.1K 317
                                    

"Ang ganda ng kotse mo ah! Mukhang bigtime ka na," kaswal na komento ni Lander habang napapahimas sa hood ng aking sasakyan. He looked at me without any sign of unusual reaction. "Okay lang ba na sumakay ako dito?" ngiti niya. "Pawisan ako baka mangamoy sa loob."


Nginitian ko siya nang abot tenga ngunit ubod ng plastik. Of course it's not okay! Pero dahil may kailangan ako sayo kaya hindi ako pwedeng magmaldita.


"Don't worry, I'm not that sensitive. Besides, kailangan na nating makapag-usap agad so we should head to your house now," malumanay na sabi ko.


"Alright," he shrugged and open the front door for himself. Kahit pakitang taong pagka-gentleman wala man lang.


I took a very deep breath bago pumasok ng sasakyan. I must stock some air to my lungs baka magpigil ako ng paghinga habang katabi siya. I hate the smell of sweat.


Peke ang mga ngiting sumakay ako at patay malisyang hinayaang bukas ang aking bintana. But while driving, I realized that he doesn't smell bad at all.


Panakaw ko siyang sinusulyapan. He's too comfortable sitting beside me at walang anumang bakas ng intimidation. I still couldn't believe na hindi niya ako nakilala. Siguro naman kahit sinong may pinag-aralan at nagmamay-ari ng TV sa bahay ay kilala ako.


"What do you do now?" he asked out of the blue habang tinututok ang aircon sa kanya. His accent is not bad. Hindi mo aakalaing namimitas lamang siya ng mga niyog.


"I'm a fashion designer.... and a TV host."


"Oh I see... kaya pala iba kaagad ang impact ng personality mo. You are some sort of a celebrity now," napapatangong komento niya.


That's it? He's not even impressed at all?


"Anong klase ng show ang pinaghohostan mo?" he asked again.


"Hmmm ...'Prettier in Purple'. Never heard of it?" taka ko.


He shook his head. "Nope. I only watch news and sports."


"O-Okay," I said with a wry smile.


"Is your show a popular one?" dagdag tanong niya.


"S-Sort of..." Parang nahiya naman akong sabihing sikat kung hindi niya nga alam ang tungkol dito.


"So you're popular too?"


I secretly flipped my hair. "Maybe..." kunway mapagkumbabang sagot ko habang inosenteng nakatingin sa side mirror.


"We're here, "aniya.


"O-Okay."


Ipinarada ko ang kotse sa gilid ng kalsada. Nauna siyang bumaba samantalang inabot ko muna ang aking bag sa backseat na pinaglalagyan ng mga dokumentong papipirmahan ko sa kanya. Pagbaba ko ay nagulat ako sa hinintuan naming bahay.

The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now