19- The Closer We Get

140K 4.2K 352
                                    


Speaking of non-nature, I'm looking at the best view here in Villa Rafael. The shirtless Lander, in his worn and ripped boot cut jeans, who is taking grilling very seriously. Kontodo paypay at bantay sa ihawan na para bang masusunog ito anumang oras na lumayo siya. Ipinupunas ang likuran ng kamay sa pawisang noo habang nangingintab sa pawis ang katawan. His sweat is making his cuts more visible and appealing.

Walang dudang sanay na ang mga mata ko sa mga lalaking may magagandang katawan. Male models with hot bodies, well-toned muscles and perfect abs. I dressed them up for years kaya ang mga ganitong katangian ay ordinaryo na lamang sa akin. Hindi ito sapat para makuha ang atensiyon ko... But I couldn't help myself not to admire Lander at this moment. Iba kasi ang dating niya. Mostly, models are aware of their good looks and sexiness. Minsan ang iba sa kanila ay mas vain pa kesa sa mga babae. 

Lander is different...Time sculpted him naturally. Not just his body, also his gestures are seductive in very manly ways.

I splashed water on my face. Kahit kasi nakababad ako sa tubig ramdam ko ang pag-init ng aking mga pisngi. Muli akong lumangoy bago pa man ako mahuling nagnanakaw ng tingin. Napapangiti ako sa aking sarili. I can't describe how happy I am right now. Naglaho na ang anumang natitirang discomfort na nararamdaman ko sa pananatili ko dito sa Villa Rafael. 

Muli ko siyang ninakawan ng sulyap. Hirap pa rin akong maniwalang siya naman ang nagsisilbi sa akin. He allowed me to enjoy swimming habang siya ang nagpapakahirap sa paghahanda ng pagkain. He's crazy about fishing but this time he chooses not to do it. The flattery I'm feeling is overflowing inside my chest.

Tumaas ang isang sulok ng aking mga labi habang nakapako ang mga mata sa abala kong kasama. May pumasok na kapilyahan sa aking isip. Though natutuwa ako sa pagiging busy niya pero may bahagi sa aking kalooban na medyo naghahanap ng atensiyon sapagkat ilang minuto niya na akong di pinapansin.

Bigla akong nagkakampay ng malakas at nagkunwaring nalulunod. "Lander help! H-Help! Pinupulikat ako!" singhap ko.

Mabilis niyang binitawan ang pamaypay at tumakbo patungong ilog. He jumped into the water without single hesitation and swam hastily towards my direction. He grabbed my waist and held my arm.

"Humawak ka sa akin!" he said in panic.

Nakaramdam ako ng pagkaasiwa nang hinawakan niya ako kung kaya't tumigil agad ako sa pagkukunwari. Tumawa ako ng malakas to hide the awkwardness.

"Got yah!" halakhak ko sabay ayos ng tayo sa hanggang balikat ko lang naman na tubig.

Bumitiw siya sa aking braso. His face suddenly turned blank hanggang sa unti-unti itong nagseryoso at tumigas. Kinabahan ako nang tila medyo napikon siya sa aking biro. Subalit ang naturang kaba ay dahan-dahang humantong sa natutulalang pagkakatitig sa kanya when he wiped his face with his hand from the dripping wet hair. With his squinting pair of fierce eyes staring at me, gosh that was hot!

Nadagdagan ang pagkabog ng aking dibdib nang mapagtanto kong nakakawit pa rin ang isa niyang kamay sa aking beywang. Gumanti siya ng titig.

He pulled me closer. Sapat para magdikit ang aming mga katawan.

He gazed at me more intently as if checking every feature of my face.

Napalunok ako. Alin ba ang umiinit? Ang tubig o ako?

His face drew closer to mine. Biglang nagkaroon ng sariling isip ang aking mga labi at kusa na lamang ang mga itong bumuka. I slowly closed my eyes in contrast to how fast my heart was pounding. I waited... hanggang sa may dumapong mahinang pitik sa aking noo. Bigla akong napangiwi sabay mulat.

The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now