27- Embracing Adversities

143K 3.8K 174
                                    


Dahil sa mga paliwanag at pangungumbinsi sa akin ni Lander, inamin ko sa Chanel ang totoong lagay ng hinihingi ng immigration na dagdag dokumento. I had a secrecy clause on their contract kaya nakadagdag ito ng lakas ng loob para ipagtapat ko sa kanila ang katotohanan tungkol sa aking civil status. I explained that it wasn't my intention to lie. All throughout I thought I was single sapagkat menor de edad pa ako nung nagpakasal and everything appeared to be not serious at all kung kaya't hindi ko inaasahang lalabas pa rin palang legal ang lahat. 

I asked for their reconsideration. Humiling ako na kung pwede nila akong payagang tapusin muna ang pagwawalang bisa ng aming kasal para maisumite ko ang compliance. Though I was asking for favor, a portion of me was hoping na sana ay tanggihan nila ako.  O kaya'y sana ay gawan nila nang ibang paraang ma-approve ang visa ko kahit walang certificate of no marriage na maibigay.I narrated to them the whole story except for one important fact... that I'm deeply in love again with my husband.

Now I'm currently reading their response. Nanlalabo na naman ang aking mga paningin sanhi ng pamumuo ng luha habang nakatitig sa laptop. I don't know if I'll be glad or sad on their reply. Pinayagan nila akong tapusin muna ang aking problema. They gave me six months to clean my record. It's not only because of my visa requirements but also for the interest of their company. They've chosen me for the fact that I'm a single well-known designer in my country. To build up a promising designer, they prefer uncommitted one. A designer who could focus mostly on work and who got no huge burden left at home.

Pinahiran ko ng kamay ang aking mga mata at pagkuway mabibigat ang mga daliring sumagot ng pasasalamat.  Everytime I face the reality of my world, I get reminded that I'll be leaving Lander soon. Bilang na lamang ang mga araw ng pananatili ko sa Villa Rafael. Sa tuwing naiisip ko ang bagay na ito, nahihirapan akong huminga. Pinanghihinaan ng loob na makakabalik pa ako sa dati kong mundo na hindi mahahalata ng mga taong may kulang na sa buhay ko. I'm afraid if I can still be that confident and fearless Anya.

Gumagaan lang ang pakiramdam ko tuwing sumasagi sa aking isipan ang pangakong binitawan ni Lander. That whatever happens, we are still going to be husband and wife again in the end. Ito ang pinaghuhugutan  ko ng lakas upang maibsan ang pinagdadaanan kong kalungkutan at sakit. Someway, his promise is becoming an inspiration. It drives me on putting everything in the right places as soon as possible so we could finally have the freedom to love each other again. Yung hindi sekreto at pwedeng ipagmalaki sa lahat.

Narinig ko ang pagpihit nang pinto and Lander walked inside the room. Kadarating niya lang galing trabaho.

Natukso akong isarado ang e-mail ko ngunit naisip kong mas makakabuti kung wala akong ililihim sa kanya. He approached me on the desk and kissed my forehead.

"Gusto mo na bang mag-dinner?" tanong ko.

"Magpapahinga lang muna ako at maliligo," he replied while taking off his shirt.

Tumayo ako upang kunin ang hinubad na t-shirt to put it on the dirty clothes basket.

"O bakit matamlay ka na naman? Did you overwork yourself again?" puna niya habang inihahanda ko siya nang malinis na damit.

I sighed. Nagdadalawang-isip pa rin ako kung sasabihin ko sa kanya ang balita. Ngunit nang mapatingin siya sa laptop, agad niyang nahulaan ang dahilan nang pananamlay ko.

"May sagot na ang Chanel?" he quickly asked.

"Y-Yes..."

"Was it a negative response?"

"You can read it." I gestured the computer.

Mabilis siyang lumapit sa mesa at kunot noong nagbasa. Pagkatapos ay bumuntong-hininga siya nang malalim. Tumingin siya sa akin nang unti-unti na namang nagiging blangko ang mukha. I'm starting to learn something from this expression, that he's actually hurting but opting to keep it to himself.

The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now