8-The Man Who Can't Be Moved

139K 4.2K 329
                                    

Kinikilatis ko ang maamong mga matang nakatingin sa akin. Sino ang mag-aakalang ang kaninang babaeng kasing taas ng eiffel tower ang tingin sa sarili ay ngayo'y tila anghel nang may sinag sa ulo. Ngayo'y naniniwala na akong gagawin niya nga ang lahat para makaiwas sa eskandalo.

"I'm sorry about my behavior earlier." She apologized modestly but sincerity is nowhere to be found in her eyes.

I remain blank face while weighing her words.

"It was only a defense mechanism on my part. Alam mo kasi sa working environment ko, you need to show some toughness para hindi ka apak-apakan at samantalahin ng mga taong nakapaligid sayo. Pasensiya ka na kung pati sayo ay nai-apply ko," dugtong niya.

Nangangahulugan lamang ito na ang unang naisip niya ay sasamantalahin ko ang sitwasyon. Her action was not a defense mechanism bagkus ay pagmamaliit sa taong ni hindi niya pa nga lubusang kilala. Her ego was hurt. Naisip niya siguro na ang simpleng presensiya niya ay sapat na para pagbigyan ko ang demand niya.

At dahil pumalag ako she starts to see me differently. For her, I'm nothing now but a huge threat to the image and reputation. And right now, she's approaching me with different strategy.

She's a tv personality but she could also pass as an actress. Pero hindi ako madadala ng pagbabait-baitan niya. Nung iniwan niya ako ay parang dinurog niya ang buong pagkalalaki ko. Ngayong bumalik siya'y minaliit niya naman ang pagkatao ko.

Sa totoo lang, wala na akong makitang bakas ng dati niyang sarili. Wala na siyang konting bahid ng Anyang nakilala at minahal ko. A biggest proof that the only constant in this world is change. I tried to preserve the image of the girl I loved. Pero sa kanyang pagbabalik, binura niya ito ng tuluyan sa aking isipan.

The young and bright Anya is gone. And the changes she had doesn't impress me at all. Napakalaki nga ng iginanda niya pero napakalaki naman ng ipinagbago ng ugali niya. Malas niya lang sapagkat ang taong pinapakiusapan niya ngayon ay mas pinahahalagahan ang pag-uugali kesa panlabas na kaanyuan.

Ngayong ibang tao na ang kaharap ko, lubusan nang naglaho ang natitirang malambot na bahagi ng puso ko para sana sa pagbabalik ng babaeng minahal ko. All I want now is purely revenge. Ibibigay ko ang gusto niya pero kailangan niya itong paghirapan. I want to teach her a lesson na hindi lahat ng bagay ay madaling makuha ng buong-buo. Lalo na't ikaw rin ang nagkulang kung bakit ito nawala at nasira.

She gave me a smile. The sweetest possible she could make. "So, Lander pwede na ba tayong mag-usap ngayon nang mahinahon? Yung walang nagtataas ng boses."

Nanatili akong tahimik habang nakatingin pa rin sa kanya nang walang reaksiyon. She laughed softly upon seeing my unresponsive face. Mahinhin ang kanyang tawa ngunit dama ko ang pagtitimpi niya sa likod nito.

Let's see if how far her acting could go.

"I'm eager to listen to your side. I'm even willing to accept whatever demands and conditions you have...." lumunok siya. "...as long as it reasonable of course," malumanay niyang pahayag.

Ngumisi ako. I looked at her from top to bottom while gently tapping my fingers on the table between us.

"Nasabi ko na sayo kanina ang kondisyon ko. Wala na akong ibang hihingin maliban doon," seryosong sagot ko nang bahagyang napapaangat ang isang sulok ng aking bibig.

Napaisip siya ng ilang sandali. Halatang binalikan niya ang aking mga sinabi ko during our heated arguments.

She chuckled.

"Don't tell me you're referring about that 'wife' thing." Tumawa siya nang malutong. "You were just joking right? Nasabi mo lang yun kanina dahil galit ka di ba?"

The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now