3- Do You Know Me?

142K 4.3K 409
                                    

Tok.Tok. Tok.


Nagising ako mula sa aking pag-idlip. May matandang lalaking may hawak na kalabaw na kumakatok sa bintana ng aking sasakyan. Mabilis akong nagsuot ng sunglasses bago ko siya pinagbuksan ng bintana.


"Yes, manong?" tanong ko.


"Ineng pwede bang huwag mo dito iparada ang sasakyan mo kasi diyan ko sa punong yan tinatali itong kalabaw ko," he said while pointing his finger to the tree.


I was tempted to talk back. Teritoryo niya ba ang gilid ng kalsadang ito? Pagmamay-ari niya ba ang punong sinisilungan ko?


"Ah... o sige ho," sa halip ay nakangiting wika ko.


Napakunot ng noo ang matanda habang nanatiling nakatingin sa akin. Bigla akong kinabahan na baka nakikilala niya ako.


"Dayo ka ba dito ineng?" tanong niya.


Obvious ba? Normal lang ba sa lugar na ito na may nagmamanehong naka Jaguar?


"Ah... oho. Papunta ho akong Cabiguhan. Malayo pa po ba yun dito?"


"Medyo. Mga trenta kilometros pa. Hindi na Cabiguhan tawag dun ngayon kundi Villa Rafael."


"Ganun ho ba. Salamat," tugon ko. "Pasensiya na kung naabala ko kayo sa pagtatali ng kalabaw niyo," may kasarkastikuhang dagdag ko.


Yamot na pinaandar ko ang aking sasakyan. Mga ilang kilometro pa lamang na pagtakbo ko sa maalikabok na rough road ay muli akong napahinto. Napansin kong may putik ang parteng pinagkatukan ng matanda. Kumuha ako ng tisyu at ibinaba ng bahagya ang bintana para abutin at punasan ang maduming bahagi.


How dare him touch my expensive car with his dirty hand!


Biglang may dumaang motorsiklong mabilis ang takbo. Sumabog sa nakadungaw kong mukha ang makapal na alikabok mula sa kalsada.


"HEY!" pikong sigaw ko sa papalayong motor na dire-diretso lamang ang takbo.


I can't believe rude people like them still exist!


I'm tired. Really, really tired. I've been on the road for eleven hours. Umalis ako ng Maynila nang alas tres ng madaling araw tapos heto't nagmamaneho pa rin ako. I had meals in restaurants kung saan parang di ko kayang lunukin ang pagkain. I used dirty bathrooms. Everytime I return to my car, pinapaliguan ko ng alcohol ang aking sarili. Wala akong pagpipilian kundi tumigil lamang sa mga lugar na posibleng walang nakakakilala sa akin.


Alas dos na ng hapon. Dagdag sa inaalala ko ay ang pagpapalipasan ng gabi. I need to sleep. Hindi ko kakayaning magmaneho ulit pabalik ng Maynila nang walang sapat na tulog. Pero wala akong nadaanang kahit isa man lamang na malapit at matinong hotel. No. To be precise, wala akong nadaanan ni isa mang hotel.


My cellphone rings. Violet is calling again.


The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now