FALL (New Story Alert)

Magsimula sa umpisa
                                    

Nawala ang pag-iisip ko nang padabog na nagbukas sara ang pinto ng kwarto sa itaas at lumabas mula doon si daddy na nagpupuyos sa galit. Bitbit ang isang bag na may nakalaylay na damit. Nagulat ako. Kasunod niya ay si mommy na umiiyak at tila hinahabol si daddy.

"Tumigil ka na, Christina! Nakakasawa ka na! Ilang beses na 'diba? Ayoko na! Sawa na ko!" Sigaw ni daddy habang pababa ng hagdan. Sa kalagitnaan ng pagbaba niya ay napansin niya kami. Sandaling nawala ang galit sa kanyang mukha. Ngunit agad din itong nagbalik.

"Daddy..." Mangiyak-ngiyak kong tawag sa kanya. Tinapunan niya ako ng nag-aalalang tingin. Nagtiim ang bagang niya atsaka niya hinarap si mommy na patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Franz, ano ba? Tigilan mo na ito. Nandito na ang mga bata." Sinubukan ni mommy na hawakan ang braso ni daddy pero agad niya itong hinawi. Biglang bumigat ang pakiramdam ko.

I hate seeing them like this.

"Dad!" Sigaw ni Forest pagkakita sa ginawa ni daddy. Agad na lumapit ang aking kapatid sa tabi ni mommy at inalo ito. Masamang tingin ang binaling niya kay daddy.

"Hindi niyo kailangang ganituhin si mommy, dad! Kung ayaw niyo na, you can leave this house. Bakit kailangan pang saktan si mommy?" Nakita ko kung paanong nagkuyom ang kamao ni daddy sa tinuran ng kapatid ko. Agad ko siyang dinaluhan para pigilan ang panibagong emosyon.

"Wala kang alam, Forest! Damn." Hinawi rin ni daddy ang kamay kong nakahawak sa kanya at mabilis na sinikop ang bag na kaninang hawak niya at nagmamadaling lumabas ng bahay.

Napaupo ako sa sofa dahil sa bigat na nararamdaman ko. Tiningnan ko kung paanong parehong nanatili ang mata nina mommy at Forest sa pinto na pinaglabasan ni daddy. May luhang kumawala sa mga mata ko.

"Are you okay, mom?" Alalang-alalang tanong ni Forest kay mommy. Tumango si mommy at niyakap ng mahigpit ang aking kapatid habang patuloy siya sa pag-iyak.

Ang sakit. Ang sakit makakita ng ganitong pangyayari.

Akala ko pa man din pagkarating namin dito sa Amerika ay maayos na ang lahat. Muli nang maayos ang relasyon ni mommy at daddy. Ngunit akala ko lang ang lahat. Hindi iyon pwedeng mangyari. Bakit ba umasa pa ako?

Ilang taon na ring away-bati sina mommy.  Noong nasa Pilipinas ay madalas ang sigawan at hindi pagkikibuan ng dalawa. Hindi ko alam ang rason ng pag-aaway pero alam ko sa sarili ko na mag-kakaayos din naman agad sila. Hanggang sa isang araw, dumating sa punto na maghihiwalay na sila pero napigilan naming magkapatid. Hindi namin pare-parehong gusto ang sirang pamilya kaya nanatili pa rin kaming magkakasama. Buo pa rin naman kami pero ibang-iba na. Wala na ang dating masayang hangin sa loob ng bahay. Wala na ang mga ngiti tuwing araw ng pamilya dahil hindi na kami nagsasama-sama. Wala na ang bagay na nakasanayan namin dati. Pero mas maigi na ito. Kaysa tuluyang masira ang pamilyang dating kinaiingitan ng lahat.

Nitong isang buwan bago matapos ang school year ay naisipan ni daddy na dito sa Amerika manatili para mapagtuunan ng pansin ang negosyo niya rito. Pumayag kaming lahat kaysa makitang pareho silang nahihirapan na magkasama ni mommy. Susunod din kami sa kanya matapos ang klase. Isang linggo bago tuluyang magtapos ang klase ay nauna na si mommy dito para makipag-ayos kay daddy. Umasa akong maayos pa nila kaya sabik na sabik ako na makarating dito.

Pero iba ang nadatnan ko...

Hindi kami nagkibuan matapos umalis ni daddy. Wala ni isa samin ni Forester ang nagtanong kay mommy kung ano ba talaga ang problema. Sanay kaming hindi makialam sa problema nilang dalawa. Pero sa tingin ko'y hindi ko na kaya pang magsawalang kibo ganitong sira na pamilya namin.

Sira na. Dahil ayoko nang umasa pa. Sira na. Dahil alam kong hindi na makikipag-ayos pa si daddy.

"Mom, ano po bang nangyari?" Tanong ko kay mommy habang pareho kaming nasa hapag at kumakain ng almusal. Tulog pa rin si Forest hanggang ngayon. Sa tingin ko'y ito ang tamang oras para malaman ang totoo.

Tiningnan ako ng namumugtong mga mata ni mommy. Ang lalim at ang itim ng kanyang mga mata. Nawala na rin ng tuluyan ang kakaunting saya sa kanyang mga mata. Wala ng buhay ang mga ito. Hindi tulad noon.

"Fall..." Turan niya sa malalim na boses. Ramdam ko ang muling paglabas ng emosyon sa kanya. Nag-iwas ng tingin.

Ayokong makitang nasasaktan si mommy. Ang sakit-sakit tingnan.

"I'm sorry if I failed you in keeping our happy family..." Nabasag ang boses ni mommy kaya napatingin ako sa kanya. Nagsimulang maglandasang muli ang luha sa kanyang mga mata.

"My... don't say that. Walang may kasalanan." Kinuha ko ang kamay niyang nasa mesa at pinisil ito. "Hindi niyo po dapat sisihin ang sarili niyo."

"Pero kasalanan ko. Hindi sana ganito." Awang-awa kong tiningnan ang aking ina. Labag man sa kalooban ko ay mukhang hindi ko pa malalaman sa ngayon ang nangyari. Masakit pa para kay mommy ang lahat. Hihintayin kong maging handa siya na sabihin ang lahat. At hindi pa iyon ngayon.

Ilang araw matapos kong mawalan ng komunikasyon kay daddy ay sa wakas tumawag siya sa akin. Tuwang-tuwa kong sinagot ang tawag. Gusto niyang makipagkita ako sa kanya sa isang coffee shop malapit sa kanyang negosyo at huwag ipaalam sa kapatid ko lalo na kay mommy.

"I missed you, dad." Bungad ko kay daddy pagkakita sa kanya. He looks fine. Kumpara kay mommy na hanggang ngayon ay lumong-lumo pa rin.

"I missed you too, anak." Hinalikan niya ang noo ko habang mahigpit kaming magkayakap sa isa't isa. How I missed to be hug like this. A father's hug is absolutely uncomparable.

"I'm sorry if we need to be like this, Fall." Tumango ako.

"I understand, dad. Alam ko pong nahihirapan na kayong dalawa ni mommy. Nananatili lang po kayo sa amin dahil sa amin ni Forest. Dapat pa nga po akong magpasalamat."

"Salamat at naiintindihan mo ako." Ngumiti ako sa kanya. Ngunit alam kong hindi ngiti ng purong saya iyon. Hindi mawawala na nanghihinayang ako. Dalawampung taon ang pinagsamahan nila. Nakapanghihinayang talaga.

"Hindi niyo na po mahal si mommy, dad?" Umaasang tanong ko.

Matagal bago tuminging muli sa akin si daddy. Seryoso ang mga mata niya. May halo ring lungkot.

"Sorry, Fall anak. Pero hindi na. Matagal nang wala..." Bumagsak ang mga mata ko sa mesa matapos marinig iyon mula kay daddy.

Nagbabadyang tumulo ang luha sa aking mga mata. Hindi ako ang sinabihang hindi na mahal pero nasasaktan ako. Paano pa kaya kung sa akin mismo sinabi iyon? Si mommy? Ano na lang ang magiging reaksyon niya kapag narinig niya ang mga ito?

Naaawa ako sa sarili ko. Ang lungkot na pinakita ni daddy sa akin kanina ay para sa akin. Lungkot dahil alam niyang masasaktan ako.

Namumuo man ang luha ay matapang kong sinalubong ang tingin ni daddy.

"Daddy, pwede ko po bang malaman kung bakit? Bakit kailangang mawala ang pagmamahal mo kay mommy?"

---

Read FALL (In Luv Series #2). Story of one of the member of Boy In Luv.

Boy In Luv members and their respective stories:

1. Rhein Gabriel Alcantara - Their Mischievous Heartbeats & Just One Day (TMH book II)
2. Niccolo Angelo Delos Santos - CHASED (In Luv Series #1)
3. Clarence Adrian Lopez - FALL (In Luv Series #2)
4. Suga Tolentino - COFFEE (In Luv Series #3)
5. Rendel John Ravena - Broken Promises (Soon)
6. Jefferson Sandoval - appearance on Just One Day & Royalties' Hearts
7. Vlademir Montareal - apperance on Just One Day

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon