Chapter 17

2.9K 14 5
                                    

Sinalubong sya ng kanyang Tita Lucy sa bahay ng mga ito. Matapos nyang iwan si Slater na nakatanga sa daan ay hindi nya alam kung sumunod ba ito sa kanya o pauwi pa lamang ito ngayon sa mansion ng mga ito.

" Good evening Iha." anito at nakipag beso beso sa kanya. " Hindi ba kayo magkasama ni Slater?.." anitong tanong sa kanya.

" Ahm, No Tita. Pero kasama namin sya kanina, siguro may pinuntahan lang." pagkakaila nya.

" Nakuh, talaga naman yung batang yun. Never mind, come in Iha. Buti at pinag bigyan mo ko sa imbitasyon ko na dito ka na mag dinner despite your busy schedule." anito at iginiya na sya sa dining area kung saan naka handa na ang mga pagkain sa hapag at mukhang sya na lamang at si Slater ang inaantay nito.

" Tita, salamat!.. nag abala pa po kayo." aniya rito.

" Alam mo namang, always welcome ka dito. Kung hindi ka lang nag iisang unica iha ng Mommy at Daddy mo eh inampon na kita sa kanila." anito na pabirong sabi.

" Si Tita talaga.. " aniya lamang dito. Bothered pa rin sya sa eng-kwentro nila ni Slater kani-kanina lamang. Hindi nya alam kung bakit nagkakaganoon ang binata, simula't sapul ay ganoon na ito sa kanya. Lately okay nanaman ito pero bigla na lamang kanina ay nag suplado at naging weirdo nanaman ito. Biglang binasag ng kanyang Tita Lucy ang kanyang pananahimik.

" Are you okay, Iha?.." tanong nito sa kanya.

" Ah, yeah Tita. I'm okay.." sagot nya dito at pilit na ngumiti.

" I'm sorry Iha, I shouldn't been bothering you.. since your busy with your work." anito na may halong lungkot ang tinig. Niyakap nya ito at kinunsola.

" Aww Tita, No.. may iniisip lang ako kaya bigla akong nag space out. Am sorry po, I never mean to offend you." paglalambing nya rito.

" No, Iha. Dapat nagpapahinga ka na ngayon. Kung nag a-asawa ka na kasi para naman may nag aalaga sayo." anito. " But anyway, halika na sa dining mag hapunan na muna tayo at pinag handa kita ng paborito mo, huwag na nating antayin ang mag-ama ko." dugtong pang sabi nito.

" Asan nga po pala si Tito?.." magalang na tanong nya rito.

" May out of town meeting sya sa isang client nya, baka hating gabi na yun umuwi o baka bukas na." anito at iginiya na sya sa hapag kainan kung saan nakahanda ang mga pagkaing paborito nyang luto nito.

" Tita ang dami naman nito, tayong dalawa lang po. " aniya rito.

" Ewan ko ba kasi kung asan si Slater, I was expecting him to be here at akala ko nga magkasama kayo dahil tumawag pa ako sa inyo kanina." takang turan ng kanyang Tita." But anyway as expected busy nanaman yun." turan na lang ng kanyang Tita at inanyayahan na syang maupo at umpisahang kumain. Kumakain na sila ng mag open up ito ng topic sa kanya.

" By the way Iha, gusto ko sana na mag out of town tayo somewhere kung okay na ang schedule mo." anito na tanong sa kanya.

" Hmm.. out of town? Why not Tita?.. saan nyo po ba gusto?.. " balik tanong nya rito.

" Resort or beach kung saan nyo gusto, as long as makapag bonding tayo and unwind man lang." suhestiyon nito.

" Kayo po, kelan nyo ba gusto?.. and by the way Tita 2 weeks from now anniversary nyo na ni Tito, wala po ba kayong balak ipabago ang napag usapan nating detalye?." magalang na tanong nya rito.

" Let's set aside that first Iha, mas gusto ko pag usapan yung out of town natin. Can we do that this coming weekends?." anito.

" Oh, am sorry Tita.. kasal po ni Pinky this Sunday." aniya rito.

SOMEONE LIKE YOUWhere stories live. Discover now