Chapter 47 - Still A Monthsary

1.4K 21 31
                                    

Nagmamadaling nilisan ni Slater ang hospital. Wala syang magandang idea kung paano i su-surprise si Tin. Kung bakit naman kasi at hindi nya naalala ang araw na iyon. Nagpasya syang tawagan si Georgy na kaibigan ni Tin para magpatulong.

" Hello Georgy, where's Tin?.." bungad nya rito, ng sagutin nito ang tawag nya.

" Hello, ohh.. papa Slater! Bakit may nangyari ba? bakit mo sakin hinahanap?.." tila nagulat na ito sa tanong nya.

" Wala naman.. ahm ano kasi. I need your help, I want you to set up a date for us. First monthsaru namin... I wanna surprise her." hinging tulong nya rito.

" Aww... kaya naman pala bad mood ang isa.. Sweet mo naman Papa Slater. Of course, may alam akong lugar very romantic. Hmm... ipapa reserve ko na ba kayo?..." tuloy na tuloy na sabi nito at tanong sa kanya.

" May I know the place...? baka di magustuhan ni Tin." balik tanong nya rito.

" Have you heard Fernwood Gardens? maganda dun, at magugustuhan ni Tin yun eh.. kasi pagkakaalam ko dati gusto nya once na ikasal sya dun ganapin ang dream wedding nya.. anyway, tatawagan ko na ngayon.. okay?" pahayag nito. Napa isip sya sa sinabi nito... kung nalaman lamang nya ang bagay na iyon dati... e di sana doon sila ng asawa ikinasal.

" The place sounds familiar... Ikaw na bahala Gy. Siguraduhin mong magugustuhan ni Tin. Thank You! And by the way don't tell her, sabihin mo kliyente ang makikipag kita sa kanya." tugon at bilin nya rito.

" Sure basta para sa maganda kung friend. Ako na bahala. Mag pa pogi ka na lang, okay!" bilin pa ni Georgy, natawa na lamang sya at nagpaalam na dito.

Matapos tumunganga ng halos buong araw na iyon ni Tin ay nagpasya syan libangin na lamang ang sarili. May mangilan ngilan ng drafts na design na syang natapos. Gumuguhit na muli sya ng panibagong design ng biglang sumulpot si Georgy sa loob ng opisina nya.

" Wala ka bang balak umuwi?" tanong na bungad nito sa kanya. Tiningnan nya ang suot na relo para lamang magulat na uwian na pala nila. 

" Mauna na kayo, tatapusin ko lang ito." sa halip ay pagtataboy nya sa mga ito. Ang totoo ay parang ayaw nya munang umuwi... malulungkot lamang sya.

" Gusto mo mag shopping?" biglang alok naman nito, napatingin sya rito.

" Shopping?" ulit nya sa sinabi nito. Napaisip sya, parang bigla ay gusto nyang gumastos dala na marahil ng nararamdaman ng mga oras na iyon.

" Yeah shopping, samahan mo na ko.. please! Hindi naman siguro magagalit ang asawa mo kung gagabihin ka ng uwi." pagsusumamo pa ng kaibigan. Itinigil na nya ang ginagawa at di na nagdalawang isip pa na pumayag sa suhestiyon nito.

" Okay.. let's go! " aniya at nagligpit na, kinuha nya ang bag at sabay na silang pumanhik sa baba nito. Kotse nito ang ginamit nila at ito na rin mismo ang nagmaneho niyon.

Nasa isang mall na sila ni Georgy, sila lamang dalawa dahil hindi pwede si Collete at may mahalagang lakad ito samantalang si Myta naman ay kailangang umuwi ng maaga dahil sa baby nito. Ngunit lingid sa kaalaman ni Tin ay kakuntiyaba ni Georgy ang dalawa para sa planong surpresa ni Slater para sa first monthsary nila.

" Tin halika bagay to sayo oh.." turo ni Georgy sa isang damit evening dress iyon na naka display sa isang boutique.

" Yeah, maganda." hindi interesadong sang ayon niya rito.

" Gusto mo isukat? Tara dali try mo." hindi na sya nito inantay na tumanggi at basta na lamang sya nito hinila. Rinig nyang hiningi nito ang size nya sa sales lady na naroon. Hindi naman nagtagal ay bumalik muli ang sales lady at inabot sa kanila ang naturang damit, agad agad syang tinulak ng kaibigan papasok sa dressing room. Gusto naman nya ang tabas ng damit kaya sinukat na rin nya at di nga nakamali si Georgy bagay nga iyon sa kanya. Lumabas sya at ipinakita ang suot sa kaibigan.

SOMEONE LIKE YOUWhere stories live. Discover now