Chapter 45 - Completely Puzzled

1.3K 24 8
                                    

" And to whom do I owe this visit?." nakangiting salubong ng Mommy ni Tin sa kanya. Pagka galing sa bakeshop ay deretso sya sa bahay nila.

" Mommy naman!.. nakalabing aniya rito.. niyakap ito ng mahigpit. Na miss nya ito ng sobra. Parang ang tagal na ng nagdaang linggo ng huling magkita sila ng Ina.

" Hmm.. may poblema ba? At bigla kang napadalaw?" tanong nito.

" Mommy? hindi ko na po ba kayo pwedeng bisitahin ngayon?.." hinampong aniya sa Ina, para kasing hindi ito masayang makita sya roon.

" Just kidding Iha, of course I'm you're here. Asan ang asawa mo?" anito at nagpalinga linga kung kasama nya ba si Slater.

" Nasa work po, di ba at pareho silang busy ni Daddy... may poblema ang kompanya ni Dad.... at, eehhr . . ." natigilan sya hindi pa pala alam ng Mommy nya ang tungkol doon.

" Problema? Aong problema sa kompanya?.." nakakunot noong tanong nito.

" Wala yun My... bakit hindi na lang natin pagsaluhan itong cake na dala ko? favorite mo to hindi po ba?.." aniyang pagliligaw ng usapan.

 " No Christine, you don't give me that alibi... may hindi kayo sinasabing mag ama sakin." hindi nito pinansin ang sinabi nya... nagpatuloy pa rin ito sa pag usisa. Even her Dad didn't know na alam nya ang problema ng kompanya. Kabilin bilinan iyon ng Daddy nya kay Slater, her husband was just honest to tell her the truth kaya nga sila nagpakasal dahil gusto ng asawang tulungan sya. Napakagat labi sya hindi nya alam kung paano ililigaw ang Ina.

" Mommy teka maupo muna po kayo at ako na ang kukuha ng plato." pag iwas nya rito. Tatalikod na sana  sya ng mag salita muli ang Ina.

"Christine I'm asking you... what's the problem with the company?" mahinahon at nagpipigil na tanong muli ng Ina.

" Mom.. there is nothing to talk. Minor problem lamang iyon at wala dapat ikabahala..." aniya ngunit hindi makatingin ng deretso rito. Hindi sya sanay na magkaila sa Ina at alam nyang alam nito na hindi sya nagsasabi ng totoo.

" Christine? Kilala kita simula't sapul I know when you are hiding something or not." parang batang pagbibigay ng warning ng Ina sa kanya. Napapikit sya, hindi makapg desisyon kung sasabihin ba dito ang nalalaman o hindi. Ngunit pag sinabi nya ang totoo malalaman din nito ang rason kung bakit nagpakasal sila ni Slater.

" Christine!!!" untag ng Mommy nya sa pananahimik nya, alam nyang pag ganoon na ang boses nito ibig sabihin ay galit na ito at hindi sya nito titigilan kung hindi sya magsasabi ng totoo rito. Hinarap nya ang Ina tanda ng pagsuko.

" My... maupo po muna kayo. Ipapaliwanag ko po sa inyo ng maayos." mahinahing mungkah nya sa Ina. Sumunod naman ito.. naupo ito sa isa sa mga silya roon. Naupo na rin sya katapat ng silya nito.

" Mommy kasi ganito po iyon... nasa ilalim po ng crisis ang kompanya ni Dad for over a year now." panimula nyang paliwanag rito, wala itong sinabi maliban sa tila naguguluhan ito at di makapaniwalang mukha bilang reaksyon sa sinabi nya. " Isa rin ang pagkalugi ng kompanya ni Dad sa nalalapit na merging ng dalawang kompanya." aniya pa tukoy sa kompanya ng Ama at kompanya ng Tito Alfie nya na Ama ni Slater.

" Iyon ba ang sinabi ng Daddy mo sayo Iha?.." ang tanging tanong lamang ng Mommy nya.

" No... Mom. Wala po syang sinabi. Ang totoo ay ayaw nya rin ipaalam sakin ang tungkol doon si Slater ang nagsabi sakin..." humina ang kanyang boses pagkabanggit sa asawa.

" Sabihin mo nga sakin anak, may kinalaman ba ang pagpapakasal nyo ni Slater sa problema ng kompanya?" seryoso at walang kangiti ngiting pang huhuli ng Mommy nya sa kanya. Natigilan sya.. paano nya sasagutin ang tanong ng Ina ng hindi sya lalabas na nagsisinungaling?

SOMEONE LIKE YOUWhere stories live. Discover now