Chapter 33

2K 16 18
                                    

Kanina pa si Tin nakaupo sa harap ng table nya at nakatunganga, inihahanda na nila ang mga papeles na kakailanganin nila ni Slater na ipapasa nila sa munsipyo ng araw na iyon. Inaantay na lamang nya ang binata na dumating upang sunduin sya at sabay na silang tutungo roon. Kasabay niyon ang pagharap nila sa isang marriage council para sa ilang katanungan. Ngayon na lamang nag sink in sa sarili nya ang realization na hindi pala ganoon kadali ang papasukin nila ni Slater taliwas sa inaakala nya. Nag o-organize siya ng ilang libong kasal sa bawat taon ngunit kung tutuusin wala syang alam talaga tungkol sa processo niyon, hindi niya mapigilang magtanong sa sarili. " Handa na nga ba siyang pakasalan ang binata?" silly her, of course hindi. Napapikit sya tuwing maiisip nya ang bagay na iyon, kung tama nga ba ang ginagawa nilang iyon. Hindi nya namalayang dumating na pala si Slater na hindi na nag abalang kumatok sa kanyang opisina.

" Are you having second thoughts?" anang nakatayong Slater na nagsalita habang nakatungo sa kanya. Nilingon nya ito mula sa pagkakatunganga, hindi nya alam kung nakitaan nya ba ito ng lungkot ng itanong nito iyon.

" Bakit mo naitanong? Hoping I might change my mind?.." sa halip na sagutin ang tanong nito, ay ibinalik nya ang tanong.

" Nope, we already agreed.. and I had a word with you. Bakit parang feeling ko nagdadalawang isip ka na?.." tanong muli ng binata.

" Bakit ang dami mong tanong? Parang iniisip ko lang naman kung tama nga ba itong gagawin natin? I'm over thinking things.. anyway, forget it. In 4 days ikakasal na tayo. Ganito siguro ang feeling pag malapit ng ikasal, let us say pre-wedding jitters lamang ito." parang ngumiti naman ito ng mapakla sa huli nyang tinuran. Hindi nya sinsadya at di nya namalayang natamaan nya ang alter ego nito, wala syang kaalam alam na napagdaanan na nito ang iwanan sa harap ng Altar sa sarili mismo nitong kasal. Inayos na nya ang mga dadalhin at tumayo na. Inaya na nya itong umalis. "Let's go." aniya sa tahimik na si Slater na matamang nakatitig lang sa kanya. Tumango ito at inalalayan sya hanggang sa makalabas sila ng shop at makasakay sa kotse nitong nakaparada sa parking lot. Tahimik na sila pareho habang nasa daan. Si Slater naman ang unang bumasag sa katahimikan pumapagitan sa kanila.

" Are you sure you're okay? Pwede ka pa naman mag bago ng isip eh." mahinang sabi ni Slater habang nagmamaneho. Tumawa sya ng mapakla, hindi  nya alam kung bakit tila binibigyan pa sya nito ng chance na pag isipan ang bagay na iyon habang hindi pa nila naipapasa ang mga papeles na hawak niya.

" I'll be fine Slater. I might not like the idea of marrying you, pero buo na ang loob kong magpakasal sayo (para sa Daddy ko at sa kompanya)." aniyang walang gatol na sabi rito ngunit sa sarili na lanag nya sinabi ang huling mga kataga. Hindi na muli ito pang nagtanong, simula ng magpasya silang magpakasal lagi sya nitong tinatanong tungkol doon. At iisa lang naman lagi ang sinasagot nya sa binata. Muli nitong binalik ang atensyon sa pagmamaneho, hanggang sa makarating sila sa pupuntahan nila ay di na muli pa silang nag usap.

Bago nila ipasa ang mga papeles na magpapatunay na pwede sila maikasal ay kinausap muna sila ng isang marriage council. Tinanong sila kung gaano sila kasigurado sa pagpapakasal at sa kung ano ano pa. Hindi nila maiwasang mag imbento na lang ng kwento, halos hindi sya nakapagsalita at hinayaan na lamang na si Slater ang sumagot ng mga tanong na ibinabato ng nagtatanong na sinasang ayunan na lang nya. 

SOMEONE LIKE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon