Chapter 38 - A Good Start

1.4K 17 16
                                    

Nauna na silang nag shopping ni Tin, wala kasi silang matinong sapin sa paa, suot pa rin ng asawa ang hi-heeled shoes na suot nito sa kasal samantalang suot naman nya ang tsenilas na provide ng hotel. At kanina pa sya umaani ng pangangantiyaw ng asawa. He like what he's seeing now, although naninibago sya kay Tin dahil hindi naman ito ang usual na scenario nila mas madalas pa silang di nag-uusap noon o di kaya nagbabangayan pag nagtatagpo ang landas nila. Medyo nawawala na ang wall na nakapagitan sa kanila. Napaka bubbly and childlike nito and she's really fun to be with. At na e-enjoy nya ang side nitong iyon.

Nasa loob sila ng isang kilalang department store ngayon. Hila hila nito ang isa nyang kamay habang hawak nya sa kabila ang basket na iniabot nito kanina. Hinahanap nila ang shoe section. Kanina pa ito nag rereklamo sa suot nitong heels at masakit na raw ang mga paa nito. Sinalubong sila ng isang sales lady na naroon.

" Good afternoon Sir, how may I help you?" masiglang bati ng petite na sales lady, maluwang ang pagkakangiti nito sa kanya na tila nagpapa cute. Mukhang hindi nito napansin na may kasama sya at sya lamang ang sinalubong at binati nito. 

" Ahm... Saan ang mga slippers dito? masakit na kasi ang mga paa ng Misis ko." aniya rito sabay turo sa kasamang si Tin. Bahagyng umawang ang labi ng kausap sa pagkadismaya. Saka naman bumalin si Tin sa kanila.

" Oh hi... Miss pwedeng pa assist naman kami kung saan ang slippers nyo rito." nakangiti namang baling ni Tin sa sales lady.

" Ah... ang ganda naman pala ng Misis nyo Sir. Bagay na bagay po kayo." sabay sabing bawi nito at tila nahiya sa inakto nito kanina." Doon po Ma'am, may mga couple items din po kami baka magustuhan nyo." at iginiya na sila nito sa isang rack na puno ng mga tsenilas .

" What was that...?" nagtatakang tukoy nito sa namumulang sales lady.

" Nagpapa cute sya sakin.. eh may asawa na ko." kindat naman nya rito.

" Hmm... feelingero!" sabay tapik sa braso nya ng mahina. Tumawa lamang sya. Hinayaan nya na itong ito ang mamili para sa kanya. Sa couple items ito ito namili dalawang pares ng pambahay at dalawang pares ng flip flop slippers na isusuot nila ngayon.

" O di ba cute?.." parang batang ipinakita nito ang mga pinili nito.

" Pink?..." tila nagpro protesta sa kulay na pinili nito.

" Mmm.. ayaw mo?.." habang tumatawang sabi nito. " Sige blue na lang.. pareho." sinuli muli nito iyon pumili ng ibang kulay.

" Much better..." sang ayon na nya. Tinanggal nito ang tag price at ipina suot na iyon sa kanya. 

" Miss.. we'll take this." baling nito sa sales lady na nakatayo lamang sa likod nila. Tumalima naman ito at iginiya sila sa counter.

" How did you know my size?.." takang tanong nya di man lang kasi siya nito tinanong kung ano ang size ng paa nya at basta na lang ito kumuha. Sakto sakto lamang ang napili nito.

" Hula lang..." tipid na sabi nito.

" Well, I'm impressed. " nakangiti nyang puri rito. Nginitian lamang sya nito bilang tugon at nagkibit balikat. Halos inabot din sila ng dalawang oras sa pag sho-shopping. Magbabayad na sana sya ng pigilan sya nito.

" Wait.. you'll pay for this all?.." biglang tanong nito.

" Yeah... may nakalimutan ka pa ba?" nagtataka namang tanong nay rito.

" Uhmm.. wala akong dalang wallet or purse babayaran na lang kita pag uwi natin." nahihiyang sabi nito. He roll his eyes.

" Tin, I'm now your husband by all means... ako na ang mag pro-provide para sayo. And besides wala ito." aniya rito napapailing. Tinatapakan nanaman nito ang pagkalalaki nya.

SOMEONE LIKE YOUOù les histoires vivent. Découvrez maintenant