Chapter 26

2.9K 18 17
                                    

Nagising si Tin bandang alas diyes na ng gabi naririnig na nya ang malakas na tugtog sa labas. Sumilip sya sa bintana ng kanyang kwarto at mula roon ay tanaw nya ang nagkakasiyahang magulang kasambahay at kanyang mga kaibigan. Napapitlag sya ng may magsalita sa kanyang likuran. Si Slater.

" I was about to wake you up, good thing gising ka na. Hinahanap ka na nila sa baba." ani Slater.

" Ah, sige susunod na lamang ako." aniyang tipid na nginitian ito.

" Okay then, we'll wait for you outside." anito at muling sinara ang pinto. Naupo muna sya saglit, maya maya lamang ay tumayo na at nag refresh. Nagsuot sya ng summer dress na hindi lalagpas hanggang tuhod at pinaresan nya iyon ng cardigan, hinayaan nyang nakalugay ang mahaba nyang buhok. Saka lamang sya bumaba at nakihalubilo sa mga nagkakasiyahan roon. Sinalubong sya ng kanyang Mama.

" Tin, finally bumaba ka na. Did you had a good sleep?" anang kanyang Mama na sinalubong sya ng halik sa pisngi.

" Yap, Ma.." aniyang ngumiti rito, lumapit naman ang kanyang Ama sa kanya.

" Iha, I missed you." anito at niyakap sya.

" Hmm.. Dad missed you too." aniya at yumakap rito.

" Oh tama na muna yan, at pakainin nyo na muna si Tin." basag naman ng kanyang Tita, sinalubong nya rin ito at niyakap.

" Tita..!!" hinalikan nya ito sa pisngi, inabutan naman sya nito ng plato.

" Sweet naman ng inaanak ko. O sya hito kain ka muna Nak." anito sa kanya. 

" Thank you Tita!.. by the way Tita baka next morning mauna na akong lumuwas, aasikasuhin ko yung party mo next week." aniyang paalam ng maaga rito.

" Hay naku Iha, I'm not that demanding. Forget about work habang andito ka." pagsita naman nito sa kanya. Nagkibit balikat na lamang sya at di na nakipagtalo sa Tita Lucy nya. Saka naman lumapit si Slater sa kinaroroonan nila.

" Oh Iho, kumain ka na rin sabayan mo na si Tin." napatingin naman sya sa gawi ni Slater nagtama ang kanilang mga mata ngumiti ito sa kanya, nginitian naman nya ito ng tipid. Natutuwa sya kahit papano naging okay na sila sa isa't isa.

" Okay lang ba Tin, kung sabay tayo kumain?" anito sa kanya.

" Hmm.. why not? Kain! kain kain!!.." aniya rito na nagingiti, napatingin naman sa kanila ang kanyang Tita Lucy na nangungunot ang noo.

" Did I hear it right? bati na kayo?" anito.. " I mean... anyway.." hindi na itinuloy ng Mama nito ang sinasabi at iniwan na sila. Lumapit ang Tita Lucy nya sa kanyang Mama at tila may pinag uusapan at tumitingin sa gawi nila ni Slater, habang ang Mama naman nya ay tila kinikilig. Napailing na lamang sya.

" Ang Mama talaga." ani Slater sa kanya at ngumiti. " Oh kain na Tin!." at kinuha nito ang kanyang plato para lagyan iyon ng pagkain.

" Thank you, ako na. Kumain ka na rin." aniya rito at kinuha rito ang sariling plato. " Ano gusto mo ito?.." turo nya sa mga pagkain na naroon at sinandukan ito. Nasa ganoon silang eksena ng sumingit si Georgy na may hawak na camera.

" Sweet, harap nga kayo rito. Smile!!" ani Georgy tumalima naman sila at humarap sa kaibigan. Pareho silang may hawak ng plato at nag pose at parehong nakangiti. 

Nang tapos na kumuha ng pagkain ay naghanap sila ng pwesto, sila lamang dalawa habang kumakain ay nag usap sila. Madami sila napag usapan about sa kahit ano lang. Di nila namalayan na ubos na ang kanilang pagkain.

" Oh napahaba kwentuhan natin. Kuha lang ako ng canned beer. Ikaw ba gusto mo?" alok sa kanya ni Slater.

" Ah no, thank you." aniyang tanggi hindi naman kasi sya umiinom.

SOMEONE LIKE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon