Chapter 44

1.4K 21 18
                                    

REMINDER: This chapter may contain some scene not suitable for young readers.. please ang mga minors skip nyo na lang ang ilang SPG's na di angkop sa edad nyo.. ha.ha.ha eh part po ng story sareeh naman :)

" Wake up sleepy head...." nagising si Tin sa boses na iyon ng asawa. Tumingin lamang sya dito at nagtalukbong uli ng kumot.

" Maaga pa Slater, antok pa ko." reklamo niya rito sa panggigising nito.

"I know Hon... per di ba usapan natin sabay tayo gigising ng maaga.. mag jo-jogging tayo?.." anito at hinila na ang kumot na nakatabing sa kanya. Sinilip nya ang alarm clock alas singko pa lang at antok na antok pa sya.

" Antok pa talaga ako, tulog pa tayo." akmang babalik uli sana sya sa pagkakahiga ngunit binuhat sya nito.

" Slateeeer... ano ba? ibaba mo ko, saan mo ko dadalhin." antok na antok pa na aniya rito.

" Sa banyo kita dadalhin, papaliguan kita para magising ka." pananakot nito. Nagpumiglas sya hanggang sa ibaba sya nito sa tapat ng lababo ng banyo nila. It's been a week since magkasundo sila nito laging ganito ang scenario nila sa umaga, ewan nya ba simula ng maging asawa nya ito lagi na syang tinatamad, nasanay kasi syang pinagsisilbihan nito. 

" Slater ang aga aga pa oh, medyo madilim pa sa labas ..... 15 minutes pa please..." aniyang pagmamakaawa rito gusto nya pang bumalik sa higaan at matulog. 

" Ayy.. Hon, ang tamad tamad... huwag ganyan, halika dito ako na maghihilamos sayo." itinapat sya nito sa gripo at sinimulan nitong hilamusan sya sa mukha.

" Ikaw ha... pinapamihasa mo ko masyado. Pag ako nasanay sa na ginaganito mo.... lagot ka." nakalabing aniya rito.

" Eh di mabuti para di mo na ko iwan... para hanap hanapin mo ko." nakangiting turan nito, hypothetical lang naman iyon pero natigilan pa rin sya. Hindi naman talaga nya ito iiwan. Maliban na lang kung ito mismo ang magtaboy sa kanya. Ipinilig nya ang ulo, nag iisip na nanaman sya. ano ba talaga sya rito, mahal na kaya nya ko? tanong nya sa isip.

" Hmm.. ikaw talaga!" sa halip ay nasabi na lang nya... nakaisip sya ng kapilyahan.. winisikan nya ito ng tubig.. nagulat ito.

" Ayy... gusto mo ng ganyan ha." anito.. at gumanti ito.. hanggang sa basa na sila pareho ng tumigil.

" Kita mo basa na tayo pareho..." aniyang reklamo dito.

" Sino kasi pasimuno?..hmm." anito at hinalikan sya sa labi.

" Eeeh! di pa ko nag toothbrush... nanghahalik ka na." asik nya rito, samantalang ito langhap nya ang mabangong hininga nito pati na rin amoy ng after shave nito nanunuot sa ilong nya.

" Kahit di ka pa mag toothbrush buong araw hahalikan pa rin kita." pahayag nito. Pwede na bang mag assume na inlove na rin ito sa kanya kung ganoon ito ka sweet?

" Wooh... bola! sge na bihis na doon. Mag toothbruah lang ako, tas susunod na ko." nginitian nya ito at kinintalan ng halik sa pisngi.

" Okay, bilisan mo ha lalabas na ang araw... mainit na pag nag jogging tayo... kaw din." bilin pa nito. Binilisan na nga nya ang kilos nya at nagpalit na rin ng damit na pang jogging. Nang matapos magbihis ay nagmamadali na syang bumaba, naabutan nya ang asawa na nag i-stretch na.

" Tara na!" nakangiti nyang aya na rito.

" Let's go.." anito... at muwesnestra pa ang palabas ng gate. Inikot nga nila ang buong village ng umagang iyon. Isang oras din silang nag ikot ikot nito.

" Masaya to.. ulitin natin to Tintin ha." turan nito.

" Eh dapat maaga din tayong matulog, pinupuyat mo ko tas ang aga aga mo kung ginigising." reklamo nya rito. Alam nito ang tinutukoy nya.

SOMEONE LIKE YOUWhere stories live. Discover now