Chapter 4

3.1K 10 0
                                    

Tahimik lamang na kumakain si Slater habang nakikinig sa kwento ng kanyang ina at ng kanilang bisitang si Tin. Hindi pa rin talaga nagbabago si Tin lalo pa itong gumanda lalo na sa paningin ng mga kasama sa hapag kainan. She is the type of girl who can catch any mans attention, smart, sporty but feminine type, she could be classy if she wants to. "Come to think of it, bakit ngayon lang nya napapansin ang mga katangian nito?..." tanong nya sa sarili. Ipinag kibit balikat na lamang nya ang mga nakikita sa dalaga.

Samantala si Tin naaliw sa mga kwento ng kanyang Tita Lucy. Masyado syang abala sa pakikinig sa kanyang Tita at di na namalayan na may isang tao na nakatingin lang sa kanya at pinagmamasdan sya. Bigla syang napalingon sa gawi ni Slater, nahuli nya itong nakatingin sa kanya. Tinanguan nya lamang ito. Sa totoo lang ay naiilang sya dito, everytime na magtatama ang kanilang mata ay tila may kung ano.. at parang napapaso sya sa mga tingin nito.

" Iha, maiba ako ng usapan." anang Tita Lucy nya na nakapag pabalik sa kanyang atensiyon dito.

" Hmm.. ano po yun Tita?.." tanong nya dito.

" Kelan mo balak kami bigyan ng apo ng Mommy mo?.." seryosong tanong ng kanyang Tita na nakapag pasamid sa kanya.

" Tita naman, seryoso po ba kayo?." aniya rito na natatawa.

" Aba Iha mukha ba akong nagbibiro?... but seriously Iha.. you don't get any younger, balita ko di ka pa nagkaka boyfriend sabi sakin ng Mommy mo nung nasa States pa kami ng Tito Alfie at madalas kami magkausap sa telepeno." mahabang sabi ng kanyang Tita Lucy. 

" Really Iha?...abah asan na ba ang mga kalalakihan ngayon at di makita ang kagandahan mo?." singit naman ng kanyang Tito Alfie.

" Oh my... nakuh naman po si Mommy talaga, na-ikwento pa yan." aniya na habang mahinhing tumatawa.

" Sagutin mo kaming bata ka.. abah, huwag mo naman Iha seryosuhin masyado itong trabaho mo. You don't have to take all the burdens of your business Iha after all ..may mga business partners ka..am I right?" mahabang litanya ng Tita Lucy nya.

" Hmm.. I just don't have time with that matter Tita, bata pa po ako. In all honesty I don't really think about that "marriage thingy" as of the moment or soon enough. I'm still happy and contented with my status." natatawa na lang na paliwanag nya rito.

" Oh baka naman Iha masyado kang choosy?.." sita sa kanya ng kanyang Tito Alfie.

" Of course not, Tito. Hindi pa lang siguro dumadating yung right guy." aniya sabay kibit balikat.

" Nakuh, Iha huwag sayangin ang lahi nyo. Nag iisa ka lang anak ng Mommy at Daddy mo, of course they also wish to have grandchildren with you. Besides, your stable enough. Ito ngang si Slater eh minamadali na rin namin, pero mukhang matatagalan pa...akala ko nga by this year eh magkaka apo na kami kundi lang sana... ahmm." naudlot na kwento ng kanyang Tita ng sikuhin ito ng kanyang Tito Alfie.

" Hon...shhhut up!!" masuyong bulong ng kanyang Tito Alfie sa asawa at tumikhim.

" Uhmm.. Mom and Dad, tapos na kong kumain.. excuse me!" na tila naman umiiwas sa kwentuhang iyon na paalam ni Slater.

" Iho.. am sorry." habol ng Tita Lucy nya. Nagtataka man pero nanatili na lamang syang walang kibo at ipinag patuloy ang pagkain.

" Iha sorry for that... am though I can't say something about it, my apology. Anyway, ipagpatuloy na lamang natin ang pagkain." hinging paumanhin nito.

" By the way Iha, kindly tell your Dad i'll invite him on sunday sa golf club... nakakamiss makipag laro sa Daddy mo. Let's have a family day on Sunday Lucy with them is that okay?." pag-iiba ng usapan ng kanyang Tito upang mawala ang kaninang tensyon sa harap nila. Sumang ayon naman ang kanyang Tita sa suhestiyon ng kanyang Tito Alfie.

" That's nice Al.. let's have family day on Sunday at para magkaroon kami ng bonding time ng Mommy mo Iha." wikang sang ayon naman ng kanyang Tita.

" Okay po.." sabi na lamang nya at tinapos na ang pagkain. Nang matapos kumain ipinag patuloy na nila ang usapan tungkol sa nalalapit nitong wedding anniversary. Kung ang kanyang Tito Alfie lamang daw ang masusunod eh kahit simpleng handaan lamang ay pwede na, pero naisip nyang pag bigyan na lamang ang kahilingan ng kanyang Tita Lucy tutal ay Silver anniversary naman daw iyon. Pinapili nya ang kanyang Tita Lucy ng design ng gowns na isusuot sa naturang okasyon hanggang sa motif at design ng souvenirs at invitations hanggang sa concept na gusto nito.

Hanggang sa matapos sila ay di na rin nya napansin si Slater, na offend ata ito sa tinuran ng Ina nito habang kumakain sila. Tila may kinaharap itong problema  sa kung kanino man at parang ilag na ilag itong pag usapan ang tungkol sa nabanggit ng Ina nito. Bigla ang pag ahon ng curiousity nya sa bagay na iyon. Pero saka na muna nya aalamin ang tungkol doon. Kung magkaroon sya ng pagkakataon.

" So paano po Tita, final na po yun pero kung may gusto po kayong ipabago you can call me anytime at the office.. and by the way Tita on the following days babalik na lang ako dito para sukatan ko kayo. Since hindi naman kayo mag re-renew ng inyong vows mas madali sa amin ito kasi unti lang yung gagawing detalye." business like niyang paliwanag sa Tita nya.

" Okay, Iha...your good at that so I'll leave it to you.. i trust you anyway, forte mo yan." nakangiting turan sa kanya nito.

" So pano po Tita at Tito mauna na rin ho ako, thank po you sa masarap na dinner.. baka hinahanap na ko nina Mommy late na po masyado, though nagpaalam naman po ako na papunta ako rito." magalang na paalam nya sa mga ito.

" Nakuh talaga ang Mommy mo, super strict sabagay kung ganyan ba naman kaganda ang anak ko at nag-iisang unica iha pa eh magiging mahigpit rin ako. But they're lucky to have you, napaka bait masunuring bata. O cge na Iha, ihahatid ka na namin ng Tito Alfie mo sa garahe." turan nito at giniya na sya papunta sa kinaroroonan ng sasakyan nya.

Habang si Slater naman ay nasa balcony at tinatanaw ang mga magulang na inihahatid ang dalaga sa sasakyan nito. Kaya sya umalis sa hapag kainan kanina dahil ayaw nya mapahiya sa dalaga. Hindi sa kung ano pa man, kundi dahil ayaw nyang kaawaan sya nito because he was jilted by his girlfriend at the day of his supposedly wedding day. At lalong lalo na ang babaeng yun ay si Jessica who's apparently the rival of Tin in so many things. Ayaw nyang mapag tawanan sya nito, at nakakahiya nga naman. He... Slater Saavedra iniwan sa araw ng ng kasal ng girlfriend nya at ipinagpalit ng dahil sa modeling career lamang nito. That's sucks and shameful not just to him but also to his family. Kaya ganun na lamang kalamig ang ama nya sa kanya, he disappointed him in so many ways.. wrong choice of career though yeah he run his own company and the company itself is doing well.. wrong choice of woman, kahit kasi magkakaibigan ang mga magulang nya at magulang ni Jessica alam nya at matagal na nyang pansin na ayaw ng mga ito sa dalaga, malayo ang loob ng mga ito kay Jessica hindi katulad ng pagtrato ng mga ito kay Tin na kulang na lang ampunin ng kanyang mga magulang si Tin o mas gugustuhin pa atang maging anak ng mga ito ang dalaga kesa sa kanya. Tin is too perfect for them and he hated it. 

Sa kanyang pag iisa at pag tanaw sa palayong kotse ng dalaga, may namumuong plano sa isip nya. Ano kaya kung kaibiganin nya si Tin and made the lady fall for him. Sa narinig nyang usapan kanina, the very beautiful Christine Ranollo never fall in love yet. And that's exactly what he wants to do, to break the woman's heart. Nang maramdaman mo naman ang sakit ng mga taong nagiging pader na lang sa paningin ng iba. Minsan kelangan mo din maranasan ang mabigo. Though its a scary thing in a way, but he think he will enjoy the ride.. after all he will never fall inlove with someone like Tin. Hindi nya alam kung saan galing ang ideang iyon, sabihin na nyang insecurity eats him at the moment but yeah, he is looking forward to watch Tin having a heartache becasue of him. " What made you think the girl will like you?.." sulsol naman ng munting boses sa utak nya. "He will..." pagbibigay kompiyansa nya sa kanyang sarili. Natatawa na lamang sya sa kalokohang naiisip... "ohh boy! this will gonna be fun.." aniya at nag pasyang umalis na lang ng gabing iyon upang mag night out at magpalipas ng mga hinanakit sa buhay.

SOMEONE LIKE YOUWhere stories live. Discover now