Chapter 19

3.2K 20 12
                                    

Maagang nagising si Tin kinaumagan alas singko pa lang ng umaga ay gising na sya inihanda na nya ang susuotin para sa naturang okasyon simpleng dress lamang ang suot nya para di naman agaw eksena sa mga naroon at hindi naman sya ang bida sa naturang okasyon na iyon. Bumaba sya at naabutan nya ang kanyang Mommy na naghahanda ng almusal.

" Good Morning Ma!.." bati nya rito... 

" Good Morning Iha, sya nga pala tuloy ba ang out of town vacation natin ng mga Tita Lucy mo?.. ngayon daw kami luluwas." anang kanyang Ina sa plano nila ng kanyang Tita Lucy.

" Ah opo, mauna na ho kayo at susunod na lamang ako bukas na ko luluwas. Saan nga ba ang balak nyo?.." aniya na bagamat sila ang nagplano wala syang alam kung saan ang mga ito balak pumunta.

" Sa Cebu sa private resort nila. Naka punta ka na doon hindi ba?.." anang kanyang Ina.

" Ah yeah, bata pa po ako noon. Ang layo naman po, mukhang hindi lang simpleng out of town trip ang gusto ng Tita, vacation grande na talaga." aniya biglang nagulat at sa Cebu pala gusto ng mga ito. She was expecting na sa Batangas o malapit lang but Cebu kulang ang tatlong araw doon, but anyway pwede naman nya iwan ang mga ito kung gusto pa nito mag extend pero sya hanggang tatlong araw lang sya pwede.

" Pagbigyan mo na, matagal tagal din naman na di nakauwi ang mga Tita mo dito mas masaya lang talaga pag madami kasama. Ako man excited na din. Siya na bahala sa ticket nakakuha sya agad. Baka sabay na lang kayo ni Slater at ng mga kaibigan mo bukas, kasi kami mamayang gabi ang nakuha niyang flight for us." paliwanag ng kanyang Ina.

" Oh okay, segi Ma maghahanda lang ako bawal ma late 2pm ang kasal. Pupunta pa ko sa bahay ng kliyente ko." aniyang paalam sa Ina at umakyat na para maligo at maghanda. Pagkaakyat nya sakto namang tumutunog ang kanyang cellphone. It's Pinky naka register sa screen ng cellphone nya.

" Hello.. good morning Pinky.." aniya na tila nabahala sa pagtawag nito.

" Ah hello Tin, may poblema." anito sa kabilang linya.

" What is it?.." aniya rito.

" My maid of honour she can't make it biglaang may business trip ang ate ko today. Pwede bang ikaw na lang ang mag substitute for her?." pakiusap nito sa kanya.

" Who.. me are you sure wala na bang iba?.." aniyang biglang nagulat though sanay na sya sa ganun, pero ang isipin pa lamang na ang makakapareha nya ay si Slater ay di na katanggap tanggap. But anyway its her job so wala sya magagawa kundi sumang ayon na lang. " Okay no problem. Segi I'll be there in an hour." aniya rito tila nakahinga naman ito ng maluwag dala na rin ng tensyon sa naturang okasyon.

" Oh thank you Tin." anito at nagpaalam na. Matapos ang tawag na iyon ay tila nawala sya sa hulog at parang di na nya alam kung ano gagawin, napa isip sya kung ano isusuot kaya kelangan makapunta na sya sa bahay ng mga ito para isukat ang damit na dapat ay para sa ate nito. Dali dali syang naligo at nag bihis dun na lamang sya mag aayos. Nang matapos ay kinuha na nya ang mga gamit at bumaba di na rin sya nag breakfast sa kakamadali.

SOMEONE LIKE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon