Chapter 2

3.4K 17 2
                                    

Kahit puyat maaga pa ring nagising si Tin ng araw ding iyon, napuyat sya kakatapos sa mga sketches na di nya nagawa sa opisina kahapon. 10 o'clock nagbubukas ang kanilang shop, 6 am ay gising na sya.. nag wo-work out pa kasi sya bago maghanda sa pagpasok sa shop. Ayaw na ayaw nya ng na le late, lalo na ngayon at wala syang assistant na maasahan. Pinag iisipan nya pa kung kukuha nga ba sya ng bagong assistant pansamantala o aantayin na lamang ang assistant nyang si Myta na naka leave ngayon. Kinuha nya ang kanyang organizer at tiningnan kung ano ang kanyang appointment sa araw na iyon. Ang una nyang appointment is at 11 am magkikita sila sa isang coffee shop ni Ms. Pinky ang kanyang kliyente at ipapakita nya rito ang mga designs na nagawa nyang magdamag kagabi, after that pupunta sya sa shop ng kanyang suki kung saan sya kumukuha ng tela at mag ca-canvass... gusto nya sya ang personal na nagpupunta sa mga kakailanganin nya sa mga designs nya, kahit gaano pa kalayo ito, dinadaan nya sa time management ang lahat para sa loob ng isang araw ay magawa nya ang lahat ng kailangan nyang gawin. After that, meron syang 5 hours na igugugol sa kanilang shop, check lang nya ang gawa ng kanyang mga mananahi, though marunong syang manahi ginagawa lamang nya yun sa gown na isusuot ng bride at suit ng lalaki pero sa mga brides maid at abay na lalaki ay ang mga mananahi na nya ang pinapagawa nya. Malaki laki rin naman ang shop nila, nasa 3rd floor ng building ang pagawaan nya ng mga damit at 2nd floor naman kung saan ang kanyang opisina at kung nasaan ang kanyang mga designs, 1st floor ay reception area at studio ni Georgy at opisina ni Collete. Although ang receptionist nila ay si Collete at syang gumagawa ng souvenirs pati na rin flower arrangements ay iisa. Muntik na nyang makalimutan ang usapan nila ng Tita Lucy nya, 7pm ng gabi sa bahay ng mga ito. 

Nag work out na muna sya for about an hour at inihanda na muna nya ang damit na isusuot bago maligo. Isang floral high waisted skirt na hindi lalagpas sa tuhod ang haba, at pinaresan nya ng white sleeveless top and red suede high heeled shoes, at di pwedeng wala syang cardigan pag nasa opisina sya at medyo malamig gawa ng aircon. Matapos maihanda ang isusuot ay naligo na sya. Thirty minutes din syang nagbabad sa banyo and afterwards nag bihis at nagputuyo lamang sya ng buhok at naglagay ng light make up, nude make up lang actually. Ng matuyo ang buhok kinulot nya ito at bumaba na para mag almusal. Halos isang oras at kalahati din syang nag ayos ng kanyang sarili, ganun na ang routine nya sa araw-araw. Nasa hapag kainan na rin ang kanyang butihing mga magulang at sya na lamang ang hinihintay. 

" Good morning Ma at Pa..." nakangiting bati nya sa mga ito at humalik sa pisngi ng mga ito.

" Good morning iha, maupo na at mag almusal.." turan ng kanyang ama. Isa itong retired Architect, though hindi pa man ito ganun katandaan nasa late forties pa lamang ito at ang kanyang ina naman ay six years younger dito. Maaga na itong nag retiro dahil tapos na rin naman sya at may sarili ng negosyo. Wala rin naman syang kapatid kaya minabuti na nitong mag retiro ng maaga. Pero may sarili rin naman itong negosyo na ipinagkatiwala na nito sa pinsan nitong mapagkakatiwalaan naman, surveilance na lamang ang ginagawa nito sa naturang achitectural firm na iyon. And daddy nya pa rin ang tumatayong CEO ng naturang kompanya, ngunit di na ito gaano ka hands on.

Naupo na sya at kumuha ng isang pirasong bacon, isang pirasong hotdog at isang slice ng bread..ayun na ang kanyang pinaka almusal at fresh orange juice. Habang ngumunguya ay naalala nyang ikwento sa Mommy nya si Tita Lucy.

" By the way Ma, nabalitaan nyo na bang andito na sina Tita Lucy and the rest of her family?"... turan nya sa ina na ikinagulat at ikinatuwa nito.

" Oh really... bat wala akong nabalitaan? Alam mo ba ito Vince?.." tanong ng kanyang ina sa kanyang Daddy.

" Yeah, pero i never thought last week pa pala sila dumating ang alam ko i-dadating pa lang." anang Daddy nya na parang di naman ganun nagulat. " Balita ko kasi yung anak nilang si Slater ay nagtatayo ng malaking construction firm dito sa atin. Actually matagal ng nakauwi si Slater a year ago, sumunod na lang sina kumpadreng Alfie at mareng Lucy." ang kanyang ama pa rin. Ikinagulat nya iyon, wala man lang syang balita na andito na pala matagal na sa Pilipinas si Slater, well sabagay hindi naman talaga nya mababalitaan. They have different circle of friends even before.

SOMEONE LIKE YOUWhere stories live. Discover now