Chapter 9

2.9K 13 2
                                    

Busy si Tin ng mga sumunod na araw hindi na nya napag tuunan ng pansin ang truce nila ni Slater, nakaligtaan na nya ang bagay na iyon. Kaya naman nagulat sya ng makatanggap ng three sets of breakfast ng umagang iyon mula sa paborito nyang cafeteria, may kasamang note pagkatanggap nya ng delivery na iyon. " Have a nice morning =) ... slater!" ang nakalagay na sulat sa notes. Itatago nya sana agad yun ng maabutan sya nina Georgy at Collete.

" Hey, ano yan?.. kanino galing ang mga to?" bungad na tanong agad ni Georgy.

" Wala, halika mag agahan na muna tayo." pag aalok nya sa mga ito.

" No, unless ipakita mo samin yang papel na tinatago mo sa likod mo." ana man ni Collete.

" Ah ito?.. wala to.. cge lantakan nyo na yan." pag iwas nya sa mga ito, ngunit di sya tinantanan ng mga ito at inagaw ang papel mula sa likuran nya.

" Have a nice morning!..Slater.." pagbasa ng malakas ni Georgy sa nakasaad sa maliit na papel na iyon. " At sino naman itong Slater na ito aber?... suitor mo Neng?" sunod sunod na pag uusisa nito.

" Ano ka ba hindi nuh.. wala yan.. cge na kain na lang tayo." ayaw na nyang ikwento ang bagay na iyon sa mga ito.

" Wait, Slater?... parang familiar sakin ito." ana man ni Collete na parang may naalala. " OMG... Slater?.. as in Slater Saavedra?.." sabay na banggit ng mga ito sa pangalan ng binata. Si Georgy ang unang nakabawi.

" Are you guys dating?... exagerated na sabi nito.

" No..!" aniya rito at tiningnan ito ng nakakapangilabot na tingin.

" Eh bat ganyan naman ang reaction mo, parang multo naman yung tao kung maka react ka ng ganyan bakla!.." anito sa kanya.

" As if naman hindi mo alam nuh! Imposible yun.." aniya rito.

" Oo naman, alam ko yun.. eh di ba nga kababata mo yun. Ano nangyari bat may ganito? don't tell me nag iba na ang ihip ng hangin sa inyong dalawa." pag uusisa pa ni Georgy.

" Dami mong tanong, kainin mo na lang yan.. dahil sa totoo lang hindi ko din alam." aniya rito at kinuha na lang ang isang kape na naroon, wala syang balak kainin ang bigay ni Slater kape pwede pa. At iniwan na ang mga ito, marami pa din syang gagawin sa araw na iyon. Sa third floor sya mag lalagi at kailangan nyang mag hands on sa patahian ngayon at mayron syang tatlong gown na kelangan tapusin sa lalong madaling panahon. 

Habang ang kanyang mga kaibigan naman aya nagtataka sa sagot nya. Nagka tinginan na lamang ang mga ito ng makahulugan.

" Ano nangyari dun?.." si Collete.

" Abah ewan.. ko diyan." ana man ni Georgy. Hindi pa sya nakakalayo sa mga ito kaya rinig pa nya na pinag uusapan sya ng mga ito.

" Narinig ko yun...hmm! let's start working, ang deadline!!.." aniya sa mga ito. Sa totoo lang hindi na nya inaasahan ang pag papadala ng agahan ni Slater, its been three days since that truce happened at wala syang ginawa para gawin nito ang consequence sa pagkatalo nito. Same as she wasn't expecting that the guy was that serious about that truce. Wala naman talaga sya balak seryosohin iyon, makita nya lang na natalo nya ito ay okay na. "Huh!!.. bahala sya!" aniya na tila bothered sa kung anong nangyayari, nakikisabay pa ang lalaki sa dami ng kanyang gagawin.

Pag sapit ng tanghalian ay nakatanggap nanaman sya ng delivery na pagkain mula kay Slater at may isang tangkay na pink tulip na bulaklak pang kasama ang mga iyon na sinamahan din ng note na may nakasulat na " Happy lunchtime, Princess..." at sa dulo ng sulat ay ang initial nito. Paborito nya ang pagkain na ipina deliver nito, steak w/ mushroom na sinamahan ng ceasar salad na paborito nya rin, hindi lang iisa kundi para sa tatlong katao ang ipina deliver nito. Ipinagtataka nya kung bakit alam nito ang kanyang paboritong pagkain pati na rin ng bulaklak na gusto nya. Hindi naglipas ng limang minuto ay tumunog ang cellphone nya. Hindi naka register sa screen ang numero nang tumatawag sa kanya, so may hinala na sya agad kung sino ito. Nag dalawang isip pa syang sagutin iyon pero sa bandang huli ay napapayag na nya ang sariling tanggapin ang tawag.

SOMEONE LIKE YOUWhere stories live. Discover now