Chapter 42 part 2- Aftermath

1.5K 22 15
                                    

Mahimbing pa rin ang tulog ng asawa sa tabi nya nang magising si Slater ng umagang iyon. Naka ulunan ang ulo nito sa  braso nya, bahagya nang nangangawit iyon ngunit hindi naman nya maaring tanggalin ang pagkaka ulunan nito sa kanya sa pangambang magising nya ito. Alam nyang napagod nya ito kagabi kaya naman ay ayaw nya itong maisturbo sa pagkaka himbing ng tulog nito. Nanatili na lamang syang ganoon at sandaling nakontento na pagmasdan na lamang ang magandang mukha na nasa harap nya. She's too peaceful at her sleep, lalong lumalabas ang ganda nito tuwing umaga lalo na pag bagong gising ito.

Napangiti sya nang maalala ang tagpo kagabi sa kanila. He was her first, wala namang duda doon dahil hindi pa ito nagkakaroon ng boyfriend. Masayang masaya ang pakiramdam nya para syang nanalo sa lotto. Napaka swerte nya. Though hindi naman iyon ang kanyang "first" syempre lalaki sya, pero last night different... no doubt his inlove with this goddess sleeping beside him. At mas lalo pa nya itong minahal ng ipagkaloob nito ng buong buo ang sarili nito, hindi lang talaga sya makapaniwala na si Tin ang magiging asawa nya. Actually he was about to confess his love last night ngunit hindi sya nito hinayaang makapagsalita... they just made love the whole night and both tired para magkaron pa nang pagkakataon na mag usap.

Tiningnan ni Slater ang orasan sa bed side table mag a-alas sais na pala ng umaga. Dahan dahan nyang tinanggal ang braso nya sa pagkaka ulunan dito... pasalamat sya at hindi ito nagising. Kinintalan nya nang marahang halik ang noo nito.

" I love you..." aniyang mahinang bulong sa nahihimbing na asawa. Kung hindi lamang importante ang sadya na sa opisina ng araw na iyon ay mas pipiliin nyang manatili roon at pagsilbihan ang asawa, ngunti kailangan nyang pumasok. Inaasikaso nya ang nalalapit na merging ng dalawang kompanya ng Papa nya at ng Papa ni Tin. Sasamahan din nya ng araw na iyon si Jessica sa hospital kung saan ito nagpapagamot. Nang maalala ang dating kasintahan ay napabuntong hininga sya, gusto nyang maging tapat kay Tin at sabihin dito ang tungkol kay Jessica ngunit nangangamba sya na baka pag simulan nanaman nila ng away iyon. Ang totoo wala syang ideya kung bakit sila madalas mag away nitong nakaraang araw. Hindi rin nya masabi na okay sila... hindi porke't may nangyari sa kanila ay okay na sila... kailangan siguro nyang linawin ang ilang bagay para sa ikakapanatag nito.

               Ipinilig nya ang ulo. Isasantabi na muna nya ang mga isiping iyon. Nagmamadaling tinungo nya ang banyo at nag shower... natapos na sya at kahat ay mahimbing pa rin ang tulog ng asawa. Nagpasya syang ipagluto ito ng breakfast as much as he wanted to make her a special breakfast eh nagmamadali talaga sya at wala na syang oras para ipagluto ito ng masarap na almusal na kaya nyang lutuin. Dinala nya ang tray ng pagkain sa bed side table sa tabi nito upang makita nito iyon agad. Sinamahan nya iyon ng isang tangkay na rosas na ninakaw nya pa sa mga tanim ni Manang na kawaksi nila. Sinulatan nya iyon ng note... kinintalan muli nya ito ng marahang halik sa labi at dali dali ng umalis.

*************************************************************

Nagising si Tin na nana-nakit ang buong katawan nya, marahan syang nagmulat ng mata... nakaharap sya sa bed side table kaya naman tumambad kaagad sa kanya ang tray ng pagkain, isang tangkay na rosas na may kalakip na note. Tiningnan nya ang oras at mag a-alas siyete pa lang naman.. hinanap ng kanyang mga mata si Slater ngunit wala na ito sa tabi nya. Patunay ang tray ng pagkain na naroon na gising na ang asawa.

" Hindi man lang ako ginising, basta na lang ako iniwan matapos ang nangyari kagabi?..." akmang tatayo na sana ng maalala na wala pala syang suot na damit ngunit ng tingnan nya ang sarili nya ay naka nighties na sya. Napangiti sya... how thoughtful Slater was, ito pa talaga ang nagbihis sa kanya. Siguro bago sila matulog kagabi. Nag blush sya bigla sa isiping iyon, wala na talaga syang maitatago sa asawa maliban sa totoo nyang nararamdaman ay wala na. Which she doubt malamang may idea na ito na mahal nya ito, sana lang may katugon iyon. Inabot nya ang isang tangkay ng rosas na naroon, kinuha nya ang note kalakip niyon.

SOMEONE LIKE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon