Chapter 34

1.4K 16 4
                                    

Two days before the so called wedding hindi naman engrande iyon kaya halos handa na ang lahat... kahit na civil wedding iyon may inihanda pa ring invitations, souvenirs para sa mga malalapit nilang kaibigan na dadalo. Kung si Tin lamang siguro ang masusunod she wanted it to be private kaso ayaw pumayag ng mga magulang nila ni Slater. Mabuti na lamang at tinulungan sya ng mga kaibigan mas pinagtuunan nya kasi ng pansin ang kasal ng mga kliyente nya kesa sa sarili nyang kasal.

" Tinay tingnan mo to, ito ang invitations mo at souvenirs... special ang pagkakagawa ng mga iyan dahil ikaw ang ikakasal." animated na sabi ni Collete. Hindi naman nya binigo ang kaibigan at totoong maganda ang mga iyon.

" They're cute... hmm. Hindi ba at masyado ng alanganin para sa mga invitations na yan?.." atanong nya dahil dalawang araw ba lang at kasal na nya.

" Mga importanteng tao lang naman ang mga pagbibigyan nito, hindi naman ganoon kadami ang bisita nyo.. ano ba naman ang mahigit sampung katao lang?" paliwanag ni Collete. " Ise-send ko na nga ngayon eh... abah naman Tinay parang hindi mo kasal ang magaganap sa susunod na araw ah?" sunod sunod na turan nito. Kung tutuusin parang mukhan mas excited pa si Collete para sa kanya.

" Ui... tumahimik ka nga ano ka ba!! Send mo na lang kaya yan.. dami pang sinasabi." sabat naman ni Georgy na kakapasok lang. Tiningnan sya nito ng makahulugan. Wala kasing alam si Collete sa sitwasyon na kinasusuungan nya kay Georgy nya lamang sinabi iyon.

" Ito na nga oh.." sunod naman na sabi ni Collete at tinawag na ang messenger man nila.

" Ay maiba tayo, let's have a bridal shower kahit tayong tatlo lang." suhestiyon ni Georgy.

" Ano ba kayo huwag na, mabuti pa magtrabaho na lang tayo madami tayong hinahabol na deadline oh." aniyang tanggi sa suhestiyon ng mga ito.

" Ang KJ nito, ikaw naman ang ikakasal eh." pabaklang sabi ni Collete. Siniko ito ni Georgy.

" Uu nga Tin minsan lang naman tsaka tatlo lang tayo." pangungulit na rin ni Georgy.

" Kayo talaga, kung ano ano naiisip nyo." naalala nya tuloy na nag stag party sina Slater kagabi kasama mga kaibigan nito. Kinukulit sya ng mga kaibigan ng biglang may dumating na di inaasahang bisita. Si Jessica, tila naman huminto ang mundo nilang tatlo... dumaan ang napaka habang katahimikan na ni isa man sa kanila ay walang gustong kumibo.

" Good afternoon Ma'am welcome to Entourage!" bati ni Collete walang kamalay malay ang kaibigan kung sino ito habang si Georgy ay siniko ang kaibigan. Samantalang si Jessica ay na deretso namang nakatingin sa kinaroroonan nya na tila nang uuri. Para naman syang napako sa kinatatayuan ng mga oras na iyon. Hindi nya alam kung paano babatiin ang dating kaibigan.

" Ahm.. excuse us Tin doon lamang kami sa office. Just call us if something happened." pagbasag ni Georgy sa tensyon na namumuo sa loob ng shop. Bago tuluyang tumalikod si Georgy ay inirapan nito ng palihim si Jessica, napapailing na lamang sya at lihim na napangiti. Saka lamang sya nakabawi sa kinatatayuan ng umalis na ang dalawang kaibigan at iwan sila ng mga ito.

SOMEONE LIKE YOUWhere stories live. Discover now